Chapter 25

3.7K 105 1
                                    

Razam PoV

Mukhang kailangan naming protektahan si Yuri bukas. May mangyayaring hindi maganda. Baka pag may nangyaring hindi maganda kay Yuri baka kung ano ang gawin sa amin ni Draze kung nagkataon, lalo na't inlove si Bossing ngayon. Haha!

Naikwento narin ni Piolo sa amin na muntik na daw mahalikan ni Jirus si Yuri. Tsk. Uunahan nya pang maka score si Draze, sayang talaga non dapat pala hindi na ako pumasok non. Haha. Edi sana naka score na si Draze.

Sorry na lang sayo Flora, it looks like the fate doesn't really agrees with you.

Yuri PoV

Ang bait pala ni Sir Tyrone--este Papa pala. Hehehe.

Ang sarap sa pakiramdam na may tinatawag kang papa. Pero para sa akin iba parin yung feeling na may totoo kang tatay hindi yung para ka lang nakikisawsaw sa may tatay ng may tatay. Kasi iba ang pagmamahal ng totoong tatay.

"Yuri~ hindi ka ba na bo-bored dito?"tanong sa akin ni Sav habang nakatingin sa taas. Umiling ako. Gabi na kaya nandito na kami sa loob ng tent namin.

"Konting tiis nalang Sav. Konti nalang."natatawang sabi ko sa kanya.

"Tsk. Kung alam ko lang na ganito pala ang magiging camp natin edi sana hindi nalang ako sumama." natawa nalang ako sa kanya. Paano ba naman kasi excited na excited syang pumunta dito tapos ngayon bored na bored sya. Haha! Eh unang araw paalang namin.

"Sige na good night na." sabi sa akin ni Sav at tumalikod.

"Good night."humiga narin ako. Maaga pa ang gising namin bukas.

*****

Day 2.

"Students wake up, wake up!"

Nagising ako sa ingay.

"Hmm..." Sav.

"Sav gising na."inalog ko si Sav.

"5 minutes"inaantok na sabi nito.

"Sav gising na dali." hindi siya sumagot.

"Sav may palaka!"sigaw ko. Agad naman syang tumayo. Nauntog pa yung ulo nya kaya umupo ulit sya.

"Asan?"tanong nya.

"Wala umalis na"natatawang sabi ko. "Tara na" lumabas na ako. Ganon din sya.

Naabutan namin na nasa labas na ang mga estyudante. Kami nalang pala ang hinihintay. Si Sav kasi e.

"Students! Bibigyan ko kayo ng 20 minutes to prepare yourself. Go."

"20 minutes lang? Paano tayo maliligo?"tanong ni Sav. Nagkibitbalikat nalang ako.

"Kayo na ang bahalang umisip ng paraan kung paano kayo maliligo" dugtong nito.
Hay! Ganito ba talaga mag camping?

Aha! May naisip na ako.

"Sav halika."hinila ko siya. May alam akong ilog. Doon kami maliligo. Nakita ko lang ito nung nag lalakad lakad ako. Malapit lang ito.

Nang nakarating na kami, ay nagulat si Sav.

"Paano mo nalaman ito?"tanong sa akin ni Sav.

"Mamaya ko nalang ikukuwento sayo basta tara na maligo na tayo. Sa tent nalang tayo may bihis." nagmamadaling sabi ko.

After few minutes

"Sav tapos ka na bang magbihis?"tanong ko.

"Wait lang malapit na"sigaw niya. Kanina pa kasi siya nandyan sa loob ng tent. Ako kanina pa ako nakabihis.

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon