Chapter 21

3.4K 95 0
                                    

Yuri PoV

Pagkatapos kong mabasa ang note na ibinigay sa akin ni Mama ay napabuntong hininga nalang ako. Tama si Mama hindi na kami masyadong nagkakasama tulad ng dati. Dati kasi nag pupunta pa kami sa park.

"Hi Yuri."Napalingon ako sa tumawag.

"Vin- Jirus pala.."sabi ko. Aish hindi kasi ako sanay.

"You can call me Vince." natatawang sabi nya. "

"Talaga! Pero okay lang ba sa iyo?"tanong ko.

"Yeah"

"Bakit ka nga pala nandito?"tanong ko. "Saka paano mo nalaman bahay namin."dagdag ko. Hindi pa kasi sya nakakapunta dito. Remember si Sav palang.

"Sav told me."Tumango nalang ako.

"Ahm Yuri...may gagawin ka ba?"tanong sa akin ni Vince.

"Wala naman. Bakit?"

"Aayain sana kitang mag EK. Sayang naman kasi yung ticket na binili ng pinsan ko."sabi niya.

"Sige. Pero wag tayong mag pagabi ah."sabi ko sa kanya. "Magbibihis lang ako."sabi ko at pumasok sa kwarto ko.

Paglabas ko naabutan ko si Vince na tinitignan ang mga pictures namin ni Mama.

"Ah Yuri....nasaan ang picture ng Daddy mo? Wala kasi siya dito puro kayo lang ng Mama mo." Hindi ko alam na may lahing chismosa pala si Vince. Haha.

"Si Papa. Hindi ko alam."sagot ko. Napansin ko naman ang pagkakunot noo nya.

"You dont know."ulit niya. Siguro nag tataka siya. Pero mukhang na gets naman nya kung ano ang ibig sabihin ko.

"Tara na."aya ko at lumabas. Nilock ko muna yung bahay.

Pagkarating namin sa EK. Agad kong niyaya si Vince na sumakay sa vikings. Gustong gusto ko kasing sumakay doon.

"Vince! Sakay tayo don!"turo ko sa Vinkings. Hihihi.

"Nah, wag sa iba nalang."tanggi nya. Nag pout naman ako. Ano ba yan gusto ko don e.

"Sige na Vince Pretty Please."nag puppy eyes pa ako sa kanya, Mapapayag lang siya.

"Sige na nga."Sabi nya sa akin at ginulo ang buhok ko. Hinila ko naman agad siya para pumila. 

Nakangiting tinignan ko si Vince pagkasakay namin, pero kumunot noo ako dahil namumutla siya. May sakit ba siya?

"Vince may sakit ka ba?"sabi ko sa kanya at hinawakan ang noo nya. Hindi naman siya mainit.

"W-Wala."nagiwas siya ng tingin sa akin.

"Takot ka ba sa rides?"natatawang tanong ko.

"N-No." utal na sabi nya.

"Okay. Sabi mo e."

Maya maya lang umandar na ang Vingkins.

"Whoooooooooo"sigaw ko.

"Ahhhhhhhhhhh!"Vince. Niyakap ni Vince ang braso ko. Sabi ko na nga ba takot siya e.

"HAHAHAHAHA ARAY KO VINCE!"sigaw ko. Niyakap niya kasi ng mahigpit ang braso ko.

"F*UCK SH*T HINDING HINDI NA AKO SASAKAY DITO!" sigaw niya habang nakapikit.

"HAHAHAHA" Tawa lang ako ng tawa hanggang sa huminto na ang Vinkings. Inalalayan ko siyang makababa.

"Ano ayos ka lang ba? Pfft."natatawang sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at umayos ng tayo. "Wait, bibili lang ako ng tubig."sabi ko, at tumakbo doon kay ateng nagtitinda ng tubig.

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon