Chapter 10

3.5K 98 1
                                    

Yuri PoV

"Ma? Nakakuha na po ba kayo ng pwedeng tumulong sa inyo?" tanong ko. Sabado ngayon walang pasok kaya dito muna ako para tulungan si Mama sa maliit na karinderya namin.

"Hindi na kailangan 'nak" sagot ni Mama. Bakit parang may mali sa mga mata ni Mama? Bakit parang malungkot siya?

"Ma, May problema po ba?" tanong ko at nilapitan siya.

"Wala anak" sagot ni Mama. Pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Ma, anak mo ako, problema mo problema ko na rin. Kaya Ma, Sabihin mo na po sa kin.." Sabi ko.

Bakit kasi ang lungkot lungkot nya.

"Anak, Kasi pinapaalis na tayo ng may ari dito." ilang minuto rin bago ako sagutin ni Mama.

"Ano po?!" Napatayo ako.

"Anak matagal na rin kasi akong hindi nakakabayad."sabi ni Mama.

"Ma...bakit hindi niyo po sinabi sa akin ito agad?"tanong ko. Lumapit ako kay Mama ng mapansin kong nang gigilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Anak....Sorry, ayoko lang dagdagan pa ang problema mo."

"Ma, problema ko rin po ito. Hayaan nyo po maghahanap po ako ng trabaho." Ng narinig ni Mama iyon ay agad nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Hindi ka pwedeng magtrabaho." agad na sabi nito sa akin.

"Ma, Kailangan."

"Hindi anak ako ang mag tatrabaho para sa iyo. Meron akong nakitang bakante sa palengke doon pwede akong magtinda doon kahit kaunti."paliwanag ni Mama.

"Sige po.." matamlay na sabi ko. Tumayo na ako.

"Anak galit ka ba kay Mama?"tanong sa akin ni Mama. Nilingon ko si Mama.

"Hindi po, at kahit kailan hindi po ako magagalit sa inyo." sabay ngiti.

'Sorry ma pero alam kong hindi sapat ang kikitain nyo sa palengke kaya kailangan kong mag trabaho ng patago'

Hindi ko alam parang nakakaramdam ako ng galit sa tatay ko. Bakit niya kami pinabayaan? Bakit niya kami iniwan? Bata palang ako nangugulila na ako sa ama. Naaalala ko noon nung kinder ako Father's Day at kailangan naming papuntahin ang papa namin. Ako? ako ang kaisa isang bata doon na walang madalang ama.

Mukhang di na yata kami babalikan ng tatay ko.

Kaya simula ngayon hindi na ako magtatanong tungkol sa Tatay ko. Hindi ko narin kukulitin si Mama.

Kaya simula ngayon.Wala na akong ama dahil patay na siya.

At iyon ang kailangan kong tanggapin.

*****

Linggo ngayon. Maaga akong gumising. Ngayon ko narin sisimulan ang pag hahanap ng trabaho. Naligo na ako at bihis nag suot ako ng black pants at white t-shirt sa paa ko naman nag suot ako ng flat shoes. Pagkatapos non lumabas na ako ng kwarto. Dinala ko narin ang mga kailangan sa pag a-apply ng trabaho, At nilagay ito sa backpack ko. Yung ginagamit ko sa pag aaral, wala kasi akong ibang bag kundi ito lang.

Naabutan ko si Mama na nag luluto.

"Ma, Alis po muna ako."Paalam ko kay Mama.

"Saan ka pupunta?"tanong sa akin ni Mama. Paktay! Anong idadahilan ko?

"Kila Sav po, may gagawin lang po kaming project" pagsisinungaling ko. Sorry ma.

"Ah ganon ba, Sige mag ingat ka, Mga anong oras ka makakauwi? Kailangan mo ba ng pera?"tanong sa akin ni Mama.

"Ah.... Hindi na po meron pa po akong kaunting ipon dito. Hindi ko po alam kung anong oras ako makakauwi. Sige po alis na po ako."lumapit ako kay Mama at hinalikan siya sa pisngi.

Lumabas na ako. Maglalakad nalang siguro ako. Para tipid sa pamasahe.

Malayo narin ang nalakad ko. Pero hanggang ngayon wala parin akong nahahanap na trabaho. Tanghali narin kaya mainit.

"Nagugutom na ako" Hindi pa nga pala ako kumakain ng agahan.

Huminto muna ako sa isang maliit na tindahan para bumili ng pagkain.

"Ate pabili nga po ng Softdrinks at isang biscuit." sabi ko kay ateng tindera. Binigay naman niya agad sa akin ang binili ko. At binayaran ko narin ito.

Habang kumakain ako ay napatingin ako sa isang coffee shop. Nasa tapat lang ito ng tindahan. Kaya agad akong tumawid at nilapitan ang coffee shop na iyon.

"Smith's Coffee Shop" basa ko. Nabasa ko rin na naghahanap sila ng pwedeng maging janitor/Janitress. Pumasok ako sa loob. Pag pasok ko isa lang ang masasabi ko.

Wow!

Ang ganda! ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang coffee shop.

"Hi Maam, How can I help you?" tanong sa akin ng isang babaeng malapit sa pintuan.

"Mag a-apply po ako ng trabaho." dali daling sabi ko.

"Ah ganon ba, Sumunod ka sa akin." sumunod ako kay ate at pumasok kami sa isang opisina nakita ko na may lalaking nakaupo doon hindi ko makita yung mukha niya kasi nakatalikod ito.

"Sir, May mag a-apply po." sabi nung babae.

"Iwan mo na kami" malamig na sabi nito. Umalis na yung babae.

"Sit down" Sabi nito sakin kaya agad akong umupo.

'Stephen Austin Smith
CEO

Sir Stephen pala ang pangalan ni Sir.

"Tell me about your self." sabi nito sa akin

"Ako po si Tyra Yuri Velaco. Kailangan ko pong tulungan ang Mama ko dahil pinapaalis na po kami sa pinagtitindahan namin na-"naputol ang sasabihin ko dahil bigla itong humarap. Ang gwapo ni Sir.

"You're Hired." sabi nito na ikinagulat ko. Ang bilis naman.

"Talaga po, Kailan po ako mag sisimula ngayon na po ba?" masayang tanong ko.

******

4 pm na at pauwi na ako. Sobrang saya ko dahil may trabaho na ako makakatulong na ako kay Mama. Sabi ni Sir Stephen dahi estyudante naman daw ako kaya 4pm to 6pm daw ang pasok ko. Ang bait ni Sir Stephen nagka-kwentuhan pa nga kami at nalaman ko rin sa kanya na siya pala ang anak ng may ari ng Wilstone Academy at bilib din ako sa kanya naipagsasabay niya ang kanyang pag aaral at ang pagiging CEO. Nalaman ko rin na nawalan pala siya ng kapatid at ina.

Malapit na ako sa karinderya namin ng makita ko na inaalis na nila ang mga gamit namin dito at nakita ko rin si Mama na umiiyak habang pinipigilang si Aling Martha ang may ari ng inuupahan namin.

"Aling Martha! pwede po bang pag bigyan nyo pa po kami mag babayad din po kami." pakiusap ko kay Aling Martha.

"Ay nako tapos na ang palugid ko dyan sa Nanay mo!" sabi ni Aling Martha.

"Aling Martha, sige na po~"pakiusap ko.

"Ay nako tumigil na kayong mag ina meron ng nakabili nito." sabi niya.

"Iyan tangalin nyo na rin yan" sabi ni Aling Martha sa mga lalaking nag tatanggal ng gamit namin.

"Ma..." malungkot na sabi ko dito. Wala na kaming nagawa kundi pulutin ang mga natitirang gamit namin dito.

Pagkauwi namin ay hindi nag sasalita si Mama tahimik lang siya. Ako naman ay dumiretso sa kusina para mag luto.

Pagkatapos kong magluto ay hinanda ko na ang aming pagkain.

"Ma tara na po kain na po tayo." aya ko kay Mama pero parang hindi niya ako narinig kaya nilapitan ko na siya.

"Ma.."tawag ko nabalik naman sila sa kanyang ulirat.

"Ma kakain na po."sabi ko.

"Ah ganon ba.."sabi ni Mama, tumayo na siya at naglakad papuntang lamesa namin.

**************************

Written by: ChaoticallyNami

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon