Chapter 19

3.3K 85 1
                                    

Yuri PoV

"A-ah D-Draze m-may klase papala a-ako." utal na sabi ko at nag mamadaling umalis. Narinig ko naman na tinawag niya ako.

Muntik na...yung....yung...first kiss ko...huhuhu. Ang bils ng tibok ng puso ko hanggang ngayon.

"Yuri? What happened to you? Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" tanong ni Sav sa akin pagkapasok ko sa room. Napahawak ako sa pisngi ko. Pulang pula ba?

"H-huh wala ito mainit lang kaya ganyan."paliwanag ko. Mukha namang naniwala siya.

"Nga pala Sav. Hindi ka ba talaga sasama sa prom?"tanong ko. Ayaw niya kasing sumama boring daw don. Umiling naman siya.

"Sav sumama kana." Aya ko." A-attend ako."sabi ko sa kanya. Tinginan naman niya ako.

"Pano yung gown?"tanong niya sa akin.

"Yung gown? Akong bahala meron naman na narerentahan doon sa amin mura lang."nakangiting sabi ko. "Pero kung hindi ka a-attend hindi narin ako pupunta."sabi ko sa kanya.

"Tsk. Umattend ka. Aatend narin ako."sabi niya at pumikit." Talaga Sav a-attend ka! Yes may kasama na ako."masayang sabi ko sa kanya. Niyakap ko siya saglit.

"Don't worry ako ng bahala sa susuotin mo."nakangiting sabi ni Sav sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Magsasalita na sana ako pero tinakpan nya ang bibig ko. "Simulan natin mamaya ang paghahanap. Hindi ka pwedeng tumangi Yuri. Kung hindi...hindi ako a-attend."dagdag pa nya.

"May magagawa pa ba ako. Pero Sav salamat talaga ah. Thank you talaga at ikaw ang naging bestfriend ko." niyakap ko siya, niyakap niya rin naman ako pabalik.

"Hey anong drama yan?" Si Jirus. Humiwalay kami ni Sav ng yakap at umupo naman sa tabi ko si Jirus.

"Yuri? May date ka na ba sa prom?"tanong sa akin ni Jirus or Vince dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Meron na.."sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siya na nalungkot dahil sa sinabi ko. "Pero si Sav wala pa. Diba sa Sav?" mukhang nagulat naman si Sav sa sinabi ko.

"M-Meron na akong ka date."sabi niya. Huh? Sino naman wala pa siyang nasasabi sa akin? Saka kanina ko lang siya napapayag na sumama.

"Sino?"kunot noong tanong ko.

"Si...si....Kuya Oo tama si Kuya ang ka date ko."sabi niya. Anong problema nya?

"Hey sis diba sabi mo sa akin na ayaw mong umattend sa prom at ayaw mo rin akong maging ka date?."napalingon naman ako sa nagsalita. Si Ethan pala kasama ang BKs. Buti naman at wala dito si Razam at Draze >_<. Hay nakakahiya talaga yung kanina.

"Huh? Sinabi ko ba yon?"tanong ni Sav sa sarili nya. May something dito kay Sav na hindi ko alam.

"Wag kang mag alala Sis meron na akong ka date. Sige na una na kami."sabi nito at umalis na. Tsk. Tsk. Meron bang hindi sinasabi sa akin si Sav?

"Sav wala ka palang ka date e." natatawang sabi ko sa kanya. Nakayuko siya kaya hindi ko nakita kung ano ang reaksyon nya ngayon.

"Tss. Hoy amazona, wag ka nang maarte.. ikaw nalang ang ka-date ko, wala din naman akong choice kundi piliin ka."pang aasar ni Vince kay Sav kaya agad na angat ang ulo ni Sav. Si Vince naman ay agad na tumayo at tumakbo, hinabol naman siya ni Sav.

"HOY NERDO! BUMALIK KA DITO!"rinig kong sigaw ni Sav sa labas.

****

This is it. Ito na ang gabing pinakahihintay ko. Ang senior prom. Ngayon lang ako makaka-attend sa ganito.

"You're really a goddess."manghang sabi sa akin ni Mama. Napangiti naman ako.

"Talaga Ma?" tumango ito. "Syempre nag mana sa inyo e. Haha" sabi ko.

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon