Chapter 8

3.7K 89 0
                                    

Yuri PoV

"Yuri ito tikman mo masarap yan"sabi sa akin ni Sav. Iniabot nila sa akin ang beef steak na binili nya.

"Ayoko sayo na yan, okay na ako sa burger ko."nahihiyang sabi ko.

"Ano kaba Yuri, diba sabi ko naman sayo wag ka ng mahihiya, sige na kainin mo na yan, saka hindi ka ba nag sasawa dyan sa burger mo?"natatawang tanong niya sa akin.

"Hindi."sagot ko.

"Sige na sayo na yang beef steak."sabi niya at inilapit ang isang platong may beef steak, 3 ang laman nito tapos may dahon pa hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Kinain ko narin kasi pinipilit ako ng pinipilit ni Sav.

Habang kumakain ako ay may nakaramdaman ako parang nababasa ang ulo ko, Kaya napatayo ako.

"Flora!" inis na sigaw ni Sav dito saka lumapit sa akin "Ano bang problema mo kay Yuri!?" kumuha ito ng panyo at saka pinunasan ang mukha ko.

Ano nga bang problema sa akin ni Flora at ako lagi ang binubully niya?

"Wala lang, gusto ko lang."sabi niya at saka nag crossed arm.

"Wala? Ang sabihin mo naiinggit kalang kay Yuri." sabi ni Sav.

Naiinggit? Bakit naman maiinggit sakin si Flora? May dapat bang kaiingitan sa akin? Mahirap lang naman ako.

"Naiinggit? Bakit naman ako maiinggit dyan sa babaeng gold digger na yan?"sagot ni Flora.

"Simply because you only have plastic friends with you, bored ka na yatang makipag laro sa mga laruang binili mo ng pera? Kaya you're here butting in the humany friendship, you brat." matapang na sabi ni Sav. Naku po mukhang mapapaaway na naman si Sav ng dahil sa akin.

Tumayo ako at hinawakan si Sav.

"Sav. Tama na"nakayukong sabi ko. Hindi niya ako pinakinggan.

"Hindi Yuri, hindi ko hahayaang palagpasin ito.." sabi nito sa akin at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya saka lumapit kay Flora na masama ang tingin sa akin

"Ano bang problema mo kay Yuri?!" tinulak tulak pa niya si Flora. Kaya ako ay hinawakan ko na si Sav sa braso niya.

"Sav. Tama na."pigil ko at hinawakan siya sa braso para kumalma.

"Ano bang pinakain ng babaeng yan sayo at nagkaganyan ka?! Hindi ka naman ganyan dati. Dati tahimik ka at madalang mag salita bakit ngayon ganyan ka na?!"nanggigil na sabi ni Flora kay Sav.

"That was me BEFORE YOU RUIN MY LIFE!!"napalakas ang boses ni Sav. Kaya lahat ng tao dito sa cafeteria ay nasa amin ang mga tingin.

"Anong nangyayari dito?!"Maotoridad na sabi ng prof namin na si Ms.Natavidad na kakarating lang.

"Nothing Maam may pinaguusapan lang po kami."sagot ni Flora habang matalim na nakatingin sa akin.

"Siguraduhin nyo lang na nag uusap kayo."sabi nito at umalis na.

"Tara na Yuri, Baka kung ano pa ang magawa ko sa babaeng 'to.."sabi ni Sav.

Pero hindi pa man kami nakakalayo ay hinila ni Flora ang buhok ko.

"A-aray"daing ko. Ang sakit ng sabunot niya.

Si Sav naman ay agad na pinigilan si Flora. Pagkatapos niya kaming mapaghiwalay ay sinampal niya ito.

"Huwag mo akong sagadin."malamig na sabi ni Sav kay Flora.

Hindi na ako kumibo dahil hinila na ako Sav. Bago kami makalabas ng cafeteria ay nilingon ko muna sila Flora.

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon