Chapter 3

4.9K 109 0
                                    

Yuri PoV.

3 days passed.

Maaga akong gumising para pumasok. Ayoko malate, baka sabihin nila na kay bago bago ko lang late na agad.(>_<)

Saka isa pa excited na akong makita si Vanna--ay este Sav pala hehehe. Alam ninyo nung unang nakita ko siya para siyang angel na nahulog sa langit ang ganda niya kasi. Kaso nga lang may pagkamataray.

Kahit na ako lagi ang nagsasalita lagi, alam ko namang nakikinig siya. Kasi minsan nahuhuli ko siyang ngumingiti.

Ang bilis pala ng panahon akalain nyo iyon naka tatlong araw na ako sa Wilstone Academy. Sa tatlong araw na iyon wala namang nagbago lagi parin nila akong sinasabihan ng 'Gold digger' pero diko nalang sila pinapansin. At saka may nakilala rin ako, Yung anak daw ng may ari ng School na ito, ano nga ulit pangalan non? Ay basta ewan. Maarte siya, Masungit (Mas masungit pa kay Savannah(>_<). Pero di hamak na mas mabait si Sav doon.

Paano ba naman kasi nahulog lang yung libro ko at saktong tumama iyon sa paa niya kung makasigaw kala mo mamamatay na. Pinatawag tuloy ako sa guidance. Dalawang araw ko palang naguidance na agad ako dito. Buti na nga lang hindi ako nagka recod doon, kundi lagot na.

Nilakad ko nalang ulit ang Wilstone Academy. 150 lang kasi ang baon ko. Tapos ang mamahal pa ng tinda sa cafeteria. Kaya sa labas nalang ako bumibili ang kaso may pagkamahal din yung spaghetti 55 tapos yung coke 25 tapos yung favorite kong burger 65, Edi pag binili ko iyon 5 piso nalang ang matitira sa akin. Saka nag iipon ako para makabili ng bike, para hindi na ako nag lalakad.

Sawakas! Nakarating din ako sa gate ng Wilstone Academy. Agad kong ipinakita sa guard ang I.D ko at may kung ano-ano na namang ginawa tong si Manong guard. Para daw sa safety ng Wilstone Academy iyon. Para daw walang makapasok na ibang tao. (Grabe naman sila) pangatlong araw ko na nag aaral dito oh!

"Manong pangatlong araw ko na pong nag aaral dito hindi nyo pa po ba namumukahan ang cute kong mukha?"Nag puppy eyes pa ako kay Kuyang guard.

"Ah actually..."Wow umi-english si Manong

"...Hindi."Hanudaw? Ulyanin na ba tong si Manong guard

"Grabe ka Manong guard. Ako ito si Yuri yung kiniwentuhan ninyo ng talang buhay ninyo."

"Ah ikaw ba iyon? Hahaha pasensiya ka na matatanda na e"natatawang sabi niya, habang kumakamot sa batok.

Kailan pa nagka kuto ang batok?

"Oh ngayon kuyang guard naaalala nyo na ba ang cute kong mukha?"tanong ko ulit.

"Oo na. Ikaw talagang bata ka" sabi nito sabay gulo sa buhok ko.

"Sige Manong guard pasok na ako"paalam ko. Tumango naman ito.

Naaalala ko tuloy si Manong guard nung nag e-enroll palang ako.. halos magkaroon na ako ng pigsa sa pwet non dahil hindi ako makaalis dahil dirediretso siyang magsalita hindi naman ako makapagpaalam dahil alam niyo na. Buti na nga lang at tinawag na ako nung babae sabi ako na daw ang susunod. Pagkatayo ko no'n napakasakit nung pwet ko hindi ko lang pinahalata kay Manong guard. Kamuntik muntikan ko na ngang sabihin kay Manong guard na 'Manong wag ninyo sa akin ikuwento iyang buhay ninyo doon po kayo kay Mel Chanco'. Hahaha pero ayaw ko naman na offend siya.

Habang naglalakad ako sa Hallway ay nakita ko naman si Sav na papasok.

"Hi, Sav!"masayang bati ko sa kanya.

"Hello."Hala! Totoo ba ito nag hello siya sa akin o nabibingi lang ako?

"Ano ulit sabi mo?"paguulit ko. Dahil doon napairap na naman siya. Take note hindi na ako ang inirapan niya kundi ang hangin hahaha.

"Tss...I said Hello."

"Wow! Nag improve ka Sav. Congratulation" nakipagshake hands pa ako sa kanya.

"Tss..Bakit ko ba kasi kinausap itong babaeng 'to?" rinig kong sabi niya.

"Bakit ayaw mo ba akong kausap?" malungkot na tanong ko.

"Hindi naman sa ganon, Actually medyo masarap kang kausap.....minsan nga lang" Ay ganon.

"Ano bayan ayos na sana e bakit may 'Minsan nga lang'?"tanong ko. Napanguso nalang ako.

"Let's go, we will be late for class "sabi niya at naglakad na. This time mabagal na kaya nakakasabay ko na siya sa paglalakad kasi ang bilis niyang maglakad dati.

Pagpasok namin ni Sav sa room ay agad na nagsitahimikan ang lahat ng classmates ko.

"Nandiyan na pala si Gold digger at kasama pa si Savannnah."

"Ano kayang pinakain niya kay Savannah para sumama sa kanya?"

Ayan na naman sila. Parang gusto ko ng mabingi dahil sa araw araw na pagpasok ko rito ganyan lagi ang bungad nila sa akin.

Nagulat nalang ako ng biglang nilapitan ni Sav yung tatlong nagbubulungan na babae kanina tungkol sa akin.

"Kung ako sa inyo, I would rather shut the hell up until you b*tches reached my temper." mataray na sabi ni Sav kaya naman mukhang natakot ang tatlo.

"Now, say sorry to her!" maotoridad na sabi ni Sav sa tatlo. Pero hindi parin nila ito ginagawa.

"Hindi nyo gagawin? Kapag hindi nyo iyon ginawa, I will slap your face 100 times harder than a masculine man can do! Kilala nyo ako. Alam nyo na kung ano ang kaya kong gawin sa inyo pag hindi nyo ako sinunod." Wala pang isang minuto ay mabilis na tumayo at lumapit sila sa akin.

"Sorry Yuri."sabay sabay na sabi nila sa akin. Nahihiyang ngumiti nalang ako sa kanila. Tinignan ko naman si Sav pero nandoon siya sa likod nakaupo na.

"What's happening here?"tanong ng kararating na prof namin. Niisa sa Kanila ay walang nagsalita.

"Nothing Ma'am" ako nalang ang sumagot dahil parang wala silang balak magsalita.

"All of you, seat down."tumabi ako kay Sav at bago ako umupo ay nagpasalamat muna ako sa kanya..

'Thank you" hindi naman niya ako pinansin pero alam ko namang narinig niya iyon.

Buti nalang nandiyan si Sav kung hindi ito na naman ako tatakbo palayo sa kanila at iiyak sa sulok ng magisa.

****************

Break time ngayon at itong si Sav ay kanina pa ako pinipilit na sa cafeteria na lang daw ako kumain wag na daw sa garden.

"Sige na Yuri sa cafeteria na lang tayo kumain~" pamimilit niya sa akin.

"Eh ayoko nahihiya ako, Saka wala akong pera pambili.." sabi ko.

"You don't need to be shy, I'm here remember? And don't worry, my treat."

"Naku! Wag na ayos na ako dito"sabi ko at sabay wagayway sa mukha niya ang biscuit na dala ko

Skyflakes.

"Paghindi ka sa cafeteria kumain, hindi na kita papansinin" ang ganda ng panakot niya ah.

"Baka kasi sabihan na naman nila ako ng kung ano ano." nakayukong sabi ko.

"Hindi akong bahala. Pagsinabihan ka ulit nila ng ganyan totoohanin ko talag yung 100 times harder na sampal sa kanila. Sanay pa naman akong manampal."Sabi niya habang pinapakita ang makinis niyang palad sa akin.

"Sige na, please pretty please.."Hahaha 'di ko alam na mayroon palang side na ganito si Sav.

"Sige na nga"Pumayag na ako. Hindi ko parin kasi nakikita ang cafeteria.

At alam kong poprotektahan ako ni Sav.

And Im so lucky to have her.

******************************

Written by: ChaoticallyNami

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon