Chapter 13

3.8K 97 2
                                    

Yuri PoV

Hindi ako mapakali. Madalas na kasing ginagabi ng uwi si Mama. Hindi ko alam kung saan siya nag pupunta madalas ay hating gabi na siya nakakauwi. Siguro nga ay nakahanap na siya ng trabaho o kaya ay bagong pwesto. 10:30 na ng gabi hindi pa din dumadating si Mama,nag aalala na ako.

Nag punta ako sa kusina at nag timpla ng kape para maibsan ang antok ko. Pagkatapos ay naupo ako sa maliit naming upuan na nasa labas. Dito ko na lang iintayin si Mama. Higop lang ako ng higop sa dalang kape ko habang nakatanaw sa malaking puno sa gilid namin kung saan nandoon ang daan palabas sa amin at doon din papasok si Mama pag dumating na. Tumingin ako sa relo ko 11 pm na. Wala pa rin si Mama. Nasaan kaya siya nag punta?

Maya maya ay nakaring ako ng ilang tahol ng aso. Nandyan na si Mama. Agad akong tumayo at niyakap siya.

"Ma, saan po kayo nag punta?"tanong ko habang nakayakap.

"Ah...Sa palengke nakahanap na kasi ako ng pwesto doon."sagot ni Mama sa akin. Kumalas na ako sa yakap at hinarap si Mama.

"Ah ganon po ba. Kumain na po ba kayo?"tanong ko. Tumango naman ito."Bakit po ginagabi na kayo ng uwi?"tanong ko ulit. Mukhang nagulat naman si Mama sa tanong ko.

"Ma- Maraming tao sa palengke kaya ako ginagabi ng uwi."sagot nito.

"Sa Sabado at linggo po tutulong po ako sa inyo sa pagtitinda."prisinta ko.

"Ah hindi na anak, kaya ko na.."nakangiting sabi ni Mama sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Pero Ma-"pinutol ni Mama ang sasabihin ko.

"Wag na makulit kaya ko na ito saka mayroon din akong nahanap na isang trabaho, sa restausant malapit lang dito."sabi ni Mama.

"Ma ang dami naman po hindi po ba kayo mahihirapan n'yan?"alalang tanong ko.

"Kaya ko to Yuri Basta para sa iyo."nakangiting sabi ni Mama. Pinilit ko nalang ngumiti kahit na nalulungkot ako para sa kaniya. Nag aya narin si Mama na pumasok sa loob masyado daw malamok sa labas. Nag kwentuhan lang muna kami saglit at pagkatapos non ay nag yaya ng matulog si Mama.

*****

Maaga akong nagising ngayon. Agad akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako, naabutan ko naman si Mama na nagluluto para sa agahan namin.

Maayos naman na si Mama. Hindi tulad nung isang araw na laging tulala at iniisip ang karinderya namin.

"Ma, anong niluluto nyo?"tanong ko. Nilingon naman ako ni Mama saglit at ibinalik ang tingin sa kanyang niluluto. "Adobo" maikling sagot ni Mama. "Maghain kana, malapit nang maluto ito."dagdag pa nito. Agad ko namang sinunod ang utos ni Mama, nagsandok ako ng kain namin.

"Ma, papasok po ba kayo sa trabahong sinasabi ninyo?"tanong ko habang kumakain.

"Oo kailangan ako doon."sagot ni Mama habang sumasandok ng ulam.

"Paano po ang pwesto ninyo sa palengke?"tanong ko ulit.

"Napagpasyahan kong hindi ko na itutuloy ang pagtitinda ko sa palengke itutuon ko nalang ang oras ko sa restaurant na pinapasukan ko."mahabang sagot ni Mama.

Pagkatapos naming kumain ni Mama ay umalis na kami. Inihatid ako ni Mama sa school pero sa gate lang, pagkatapos non ay umalis narin siya.

"Good morning Yuri." bati sa akin ni Sav. "Mommy mo yon?" tanong niya sa akin. Tumango ako. "Ganda ng mommy mo. May pinagmanahan ka~"dagdag pa nito na ikinatuwa ko.

"Yuri di ka na talaga sasama sa birthday party ni Mommy? Mag babago ang location gaganapin lang daw ito sa isang restaurant." tanong ni Sav habang naglalakad kami papasok.

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon