Chapter 1

9.2K 135 0
                                    

Yuri's PoV.

Maaga akong gumising para mapag handaan ang unang araw ko sa Wilstone Academy, this is it! my long time dream school..

6:15 am ay lumakad na ako paalis, hindi ko na inistorbo pa ang pagpapahinga ni Mama kaya nag iwan nalang ako ng agahan at isang note.. Masaya akong nag lalakad palabas sa subdivision na tinitirahan namin, may nakapag sabi kasing half of hour lang ang lalakarin para makarating sa Wilstone Academy.. sabi nga nila 'There's nothing to worry, if you try it so classy..' Hanudaw?!! fine. Imbento ko lang yan~

***

"Oh my golly!!!"I shouted, wala akong pake if pag tinginan ako~ ang saya ko kaya to the tenth power!!

Kasi dati tinitignan ko lang ito ngayon nasa harapan na ako na at malaya na akong makakalibot.

Naaalala ko tuloy dati nung araw na napadaan kami ni Mama dito ito ang unang school na nagustuhan ko.

*Flashback*

Naglalako kami ni Mama ng mga turon, ng mapadaan kami sa isang malaking paaralan.

Wow! Napakaganda nito.

Wilstone Academy, Pangalan palang napakaganda na paano pa kaya sa loob niyan.

Napahinto ako sa paglalakad at muling pinagmasdaan ang paaralang ito.

"Ma? Gusto ko pag malaki  na ako dyan ako mag aaral!" masiglang sabi ko napatalon ay at napapalakpak dahil naiisip ko kung paano kaya kung nag aaral na ako dyan? Ang dami ko sigurong magiging kaibigan.

Binaba ni mama ang bilaong hawak nya at hinaplos ang buhok ko. Ngumiti ito sa akin.

"Anak, hindi kaya ni Mama na dyan ka pag aralin, masyadong mahal ang tution fee." agad na napasimangot ako dahil sa narinig ko. Kahit sa murang edad tanggap ko naman kung anong kalagayan namin.

"Ah ganon po ba, Tara na po mag lalako pa po tayo!" Aaminin ko nalungkot ako, pero okay lang alam ko namang mahirap lang kami. Saka okay lang kahit sa ibang paaralan ako makapasok basta makatapos lang ako ng pag aaral okay na ako.

Ako na ang nagdala ng bilaong dala ni Mama.

Hanggang sa pagdating namin ni Mama sa bahay.

"Nak? Gusto mo ba talagang mag aral sa paaralan na iyon?" tanong ni Mama sa akin.

"Sinungaling po ako pag sinabi ko pong hindi. Gusto ko po, pero...ayos lang po ako kahit saan ako mag aral basta po ang mahalaga ay makapag aral ako."nakangiting sabi ko. "Marami pa naman pong school diyan" ngumiti ako.

"Pagbutihan mo ang pag aaral mo, doon kita pag aaralin susubukan nating maikuha ka ng scholar" nagulat ako sa sinabi ni Mama.

"Naku, Ma...wag na po" nahihiyang sabi ko. " Ayos lang po sa akin kahit saan ako pumasok. Saka dream school ko lang po iyon."

"Basta pag butihan mo ang pag aaral mo. Pwede kang doon mag aral pag nakakuha ka ng scholarship"

"Talaga po!" masayang sabi ko. Ngumiti naman sa akin si Mama saka kinurot ang pisngi ko.

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon