Chapter 27

3.7K 98 3
                                    

Yuri PoV

Natapos kaming maligo. Hanggang sa pag ahon namin ng ilog ay tawa kami ng tawa.
Ang saya pala. Dati akala ko hindi masarap mag camping, yun pala akala ko lang. Haha!

"Here."inabot sa akin ni Draze ang isang towel. "Magbihis kana, baka sipunin ka." dali dali akong pumasok sa tent at nag bihis.

"Hey Yuri! Nandyan ka ba?"rining kong sigaw ni Sav sa labas.

"Oo nagbibihis lang ako."sigaw ko pabalik. Paglabas ko naabutan ko si Sav na kinakausap si Ethan.

"Sav magbihis kana. Baka sipunin ka pa."sabi ko sa kanya ng matapos silang mag usap ng kuya nya. Tumango lang siya at pumasok na sa loob ng tent.

"Masaya ako dahil ikaw ang naging bestfriend ng kapatid ko."nakangiting sabi sa akin ni Ethan.

Nginitian ko lang din sya pabalik. Medyo na iilang pa kasi ako. Ngayon ko lang kasi siya nakausap. Hindi naman kasi siya pala salita pag nasa private room kami.

"You know, nagkagusto ako sayo dati."nanlaki ang mga mata ko. Tumawa lang siya.

"Dati lang yon. Alam ko namang may Draze ka na."sabi niya at umalis na, sakto namang lumabas si Sav.

"Hoy! Kuya narinig ko yon!"sigaw ni Sav. Natawa nalang ako.

"Ayieee! Sabi ko na nga ba crush ka ni Kuya e.."tukso sa akin ni Sav.

"Ano kaba! Dati nga lang daw yon noh.."sagot ko.

"Kahit na!"sinundot sundot pa niya ang tagiligan ko. Natigil lang siya ng dumating ang BKs.

***
Day 4

Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Lalo na sa boses ni Piolo na nangingibabaw. Kahit kailan talaga ang ingay ng lalaking yan dinaig pa ang babae sa lakas ng boses.

Lumabas ako. Mukhang nagulat naman sila.

"Tol, ang ingay mo kasi e, yan tuloy nagising si Yuri. Yare tayo kay Bossing nito."sabi ni Razam kay Piolo.

"Bakit kayo malalagot kay Draze?"kunot noong tanong ko.

"Ah Eh Wala Yuri"sagot ni Piolo.

Nagtoothbrush muna ako.

**

Dating gawi, kami ulit nila Draze at Jirus ang maghahanap ng pagkain.

Doon ulit kami kumuha ng mga prutas sila Draze at Jirus ulit ang umakyat sa mangga. Buti na nga lang walang langgam. Kaya ginhawa silang nakaakyat.

Sunod naming pinutahan ang puno ng 'Bignay' mababa lang ito kaya kayang kaya kong abutin. Yung dalawa naman ay nakaupo sa ilalim ng puno habang pinanood akong kumuha ng bignay.

"Tititigan nyo lang ba ako?"tanong ko sa kanila. Anong tingin nila sa akin TV?

"Yeah!"sabay na sagot nilang dalawa.

Hindi ko maabot ang isang sanga ng Bignay may kataasan kasing masyado kaya hindi ko maabot.

Tumalon ako, pero hindi ko parin maabot. Napatingin naman ako sa dalawa, narinig ko kasi silang tumatawa.

"Hmp! Pag ako tumangkad who you kayo sa akin." sabi ko sa kanila dahilan para lalong lumakas ang gawa nila.

Mama binibully nila ako.

Kaya mo yan Yuri maabot mo rin yan. Tumalon ulit ako pero hindi talaga kaya.

"Hoy! Kayong dalawa. Tulungan nyo akong abutin to."sigaw ko sa kanila. Pero hindi nila ako pinansin. Aish!

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon