Chapter 15

3.8K 106 1
                                    

Savannah PoV

"Hey, nerdy guy." bati ko kay Vince na nakaupo dito sa table ng cafeteria. Lunch namin ngayon at si Yuri hindi ko makakasama ngayon dahil sa epal na Draze na yon, Inaagaw lagi si Yuri sa akin.

Nilapag ko ang tray sa table at tinignan ang lalaking ito. Umupo ako. Bakit ang aga aga eh nakasimangot sya?.

Oh! Alam ko na kung bakit.

"Hey Yuri!"sabi ko. Pretending na nakita ko si Yuri. Haha. I laughed ng nakita kong umangat ang ulo niya at hinahanap si Yuri. Sabi ko na nga ba.

"Hoy babaeng amazona, wala akong panahon makipag asaran sayo." he said.

Mamaya maya lang ay nagtanong siya sa akin.

"Where's Yuri?"tanong niya sa akin.

"She's with Draze."I said. Then I saw his eyes darkened na parang papatay ng tao.

Bago pa ako mapatay ng tuluyan nitong lalaking ito ay tumayo na ako.

"I gotta go."sabi ko at kinuka ang tray. Lumabas na ako sa cafeteria at nakasalubong ko si Kuya.

"Hey Sis. Where's your bestfriend?" tanong niya sa akin.

"She's with Draze."maikling sagot ko at nagpatuloy na sa pag lalakad. Pansin ko lang bakit lahat sila hinabanap si Yuri?

Napailing nalang ako. Ibang klase talaga si Yuri. Tsk. Tsk. Tsk.

****

Yuri PoV

"Ano ba Draze may klase pa ako." Pagpupumilit ko. Paano ba naman kasi meron namang canteen bakit sa labas pa kami kakain? Palibhasa mayaman.

"Same. Pero kung bibilisan natin makakaabot tayo sa next class natin."sabi niya habang kumakain.

Ngayon ko lang nalaman na matalino pala si Draze, kaya pala ang daming nagkakagusto sa kanya magaling din siya sa mga sports. Nalaman ko lang yan kahapon.

"Are you done checking my face?" tanong niya sa akin. Nakatingin na pala ako sa kanya.

"Ah Eh may dumi ka kasi sa mukha."sabi ko at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Kumunot ang noo niya.

Napatingin naman ako sa kanya saglit at napangiti.

Pinupunasan niya kasi yung mukha niya.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa Academy.....ng magkasabay.

Naglalakad kami sa hallway at ako naman ay hindi ko maiwasang mapayuko kasi lahat sila ay ang sama ng tingin sa akin. Sabagay kasama ko lang naman at kasabay maglakad ang lalaking pinapangarap nilang lahat.

Buti nalang at nakita ko si Sav na magisang naglalakad sa hallway. Agad ko siyang tinawag at tumakbo papalapit sa kanya. Si Draze? Ayun iniwan kong mag isa. Kumunoot pa nga ang noo niya nung nakita niya ako na tumakbo at lumapit kay Sav. Ang sama kasi ng mga tingin nila sa akin.

Gusto kong lumayo kay Draze pero di ko magawa......dahil sa kanya na ako nag tatrabaho.

"Kumain kana? tanong ko kay Sav pagkalapit ko.

"Yeah."maikling sagot niya.

"Sorry kung hindi kita nakasabay kumain kanina si Draze kasi e basta basta nalang akong hinila." Paliwanag ko.

"Okay lang. Basta bumawi ka sa akin bukas.." nakangiting sabi niya at inakbayan ako.

Tumango ako.

Natapos ang klase namin ngayon. Magkasabay kaming dalawa ni Sav na naglalakad papalabas ng Academy. Uwian na kasi. At sabi niya sa akin na gusto daw niyang pumunta sa bahay at makilala ang Mama ko. Hindi na ako tumangi dahil alam ko kapag tumangi ako ay pipilitin lang niya ako. Kaya no choice ako kung hindi isama nalang siya. Gusto ko rin naman siyang ipakilala kay Mama.

You're Mine, Period. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon