Chapter 1(new school)

4K 118 6
                                    

Camila's POV

"Camilllaaaaaaaa!!!!" Sigaw ng nanay kong aakalain mong alarm clock..nagtakip ako ng unan at naramdaman kong lumapit siya .
Ayan na tigre nanaman to kung bungangaan ako.

Hinila niya yong unan sa ulo ko at nagsalita nanaman..

"Tumayo kana jan Camila,late ka nanamang bata ka kabago bago mo sa school mo" sigaw niyang sabi

"Maaaa! Diba sabi ko wag mukong tatawaging camila nakakairita kaya" naghihikab kong sabi.

Tumayo na ako at pumunta ng mesa habang nagkakape si papa.

"Morning pa" bati ko sa papa ko at kiniss ko siya sa pisngi

"Pagpasensyahan mo na mama mo alam mo namang alarm clock yan kapag ginigising ka" pangaasar ni papa

Binatukan naman siya ni mama at natawa ako.. Tumayo si papa at niyakap si mama

"Sus nagtatampo nanaman ang misis ko" with matching kiss ni papa sa cheeks ni mama

"Ano bayan pa baduy niyo tignan" sabi ko habang sumusubo ng tinapay

Natawa silang pareho..tumayo na ako para maligo.tinignan ko muna orasan namin.Hayyss 7:30 palang naman eh si mama talaga.. 10 pa naman pasok ko eh.

___________________

After 128030363829026791 years este 10 minutes natapos na din ako naligo. Sinuot ko na new uniform ko at nagsombrero na di naman kasi ako nagsusuklay eh.

Pagbaba ko bungad agad si mama..

"Camillaaaa!! Ano ba yan ang laki laki ng binili mong damit,tapos nakasombrero ka pa!" Galit niyang sabi habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa

"Ma alam niyo namang ganto na ako pumorma diba parang di ka naman sanay" pataray Kong sabi

Bago pa siya makapagsalita hinila siya ni papa. Tinignan ako ni papa at tinawanan

"Mahal hayaan mo na anak natin nagiisang unika hija natin yan eh" habang natatawang sabi ni papa

"Pa isa ka pa eh,unika hija?yuck kadiri! Hijo kasi" natatawang sabi ko with cross arm

Palabas na ako ng bigla akong tinawag ni mama at papa.

"Nak yong kiss namin?" Tanong ni papa habang tinuturo pisngi niya

Nagrole ako ng eyes at lumapit ulit sakanila.

"Bye ma,bye pa" with matching hug.

"Ingat sa pagpasok ha,Be good" nakangiting bilin ni mama

Ngumiti nalang ako at umalis na..Nagaabang ako ng tricycle papunta ng school dahil nakaheadset ako at nakatingin sa cellphone bigla ko nalang napansin na may isang kotse na mabilis ang takbo at muntik na ako nasanggi .. Buti at nakaiwas ako pero sh*t ansakit ng pwet ko nabigla kasi sa pagkakaupo ko..
Diko nakita yong plate number pero kulay pula yong kotse .. Aga aga pinapainit ulo ko..

-------------*********--------

Nandito na ako ngayon sa Samson Academy.. Napabuntong hininga ako ng papasok na ako ng campus..

"Hayyyy new school nanaman Cam" bulong ko sa sarili ko at napailing

Habang naglalakad ako tinitignan ko ang buong paligid .. O__O sobrang laki ng school.. And yong mga estudyante puro mayayaman.. Well di naman kami ganun kayaman kaya dapat be myself nalang wag makipagsabayan..

Palingon lingon ako sa paligid ng biglang may sumigaw..

"Ilaaaaaagggggggggggggg" sigaw ng boses lalaki

"Four Boys Inlove In a Boyish Girl"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon