Chapter 20

1.7K 86 2
                                    

Tristan's POV

Dinala ko si Camila sa favorite park namin ni Ace dahil tahimik dun at wala masyadong pumupunta in short tagong park to ..at dahil dito namin nakilala yong batang Babe na parehas naming gusto ni Ace.. Pinaupo ko muna si Camila at kumuha ako ng panyo at tissue sa bag ko..

"Tahan na,di bagay sayo ang umiiyak akala ko ba malakas kang babae bakit ka nagpatalo sakanila?" Marahan kong sabi

"So-sobra na-na ka-kasi a-akong na-nasaktan sa mga sinabi nila kanina kaya di nako makalaban" sagot nya at humagulhol na sya sa iyak..

"Bakit ano bang mga sinabi nila?"

"Malandi daw ako dahil sakin kayo tumabi kanina"

"Tang*ng mga yon! Humanda sakin yong mga yon! Lintik lang ang walang ganti,ako bahala sayo bukas na bukas magsisisi yong mga yon na ginawa nila sayo yan" pagalit kong sabi

Niyakap ko sya at pinunasan ulit ang madumi nyang damit ..

Camila's POV

Wala akong masabi kay Tristan kundi thank you .. Pero naiyak padin ako .. Pero di na masyado dahil napapagaan nya loob ko..

"Chocolate?" Alok nyang sabi

Diko naman ito tinanggihan at kinuha na din ito.. Pero may naalala ako sa chocolate na to ito na ito yong chocolate na binigay sakin nung dalawang lalaki nung bata ako ..

"Diko akalaing mahilig ka sa chocolate" nakangiti kong sabi

Tumingin naman sya sakin at ngumiti.. Biglang nagslow motion lahat teka! Shocks! Ayoko ng ganto! Iyak nalang yata ako ulit.. Huhu!

"May isang batang babae kasi nuon na binigyan namin ng chocolate ni Ace parehas naming crush ni Ace yong babaeng yon kaya pati itong chocolate na to di namin magawang maalis sa bag namin simula nung makilala namin yong batang babae"paliwanag niya

Batang babae? Ganto din yong chocolate na binigay sakin nuon ng mga batang lalaki eh .. Hindi kaya? Hayyss baka hindi naman sila yon baka nagkataon lang .. Never mind ..

"Oh sya late na din mukang natagalan yata tayo dito sa park kakaiyak mo MONSTER" nakangiti nyang sabi at nagtawanan kaming dalawa..

Masarap pala kasama si Tristan kahit na minsan mapangasar at pasakit sa buhay ko diko akalaing sya pa yong magtatanggol sakin kanina at tutulong at magpapatawa at magpapangiti sakin ngayon..

"Halika pasok ka muna wala pa kasi sila Jessie at Kikay eh" pagaaya ko sakanya

Tumango nalang sya at pinaupo ko muna sa sofa at binigyan ng foods ..

"Tristan Jan ka muna ah nuod ka muna ng movie magpapalit lang ako"

"Siege take your time"

Habang naliligo ako iniisip ko yong park kung san ako dinala ni Tristan yon yong park kung san nakilala ko yong dalawang batang lalaki.. and Yong kwento ni Tristan Parang Yong nangyari Nung Bata ako..hindi Kaya sila Yong dalawang batang lalaki nuon? Hayyss siguro Naman Hindi imposible parehas nga nilang crush Yong babae eh sa itsura Kong to? Tsssk! Hayyysss!

After so many minutes natapos na din ako .. at binalikan ko na si Tristan and nagulat ako Nung nakita Kong nakaupo sila Ace,Killian at Ryker sa tabi ni Tristan..
Ano Naman Kaya ginagawa nila dito? Lumapit ako kila Kikay at Jessie dahil nasa kusina agad sila..

"Hoyyy guys! Bakit nandito yang mga Yan?" Tanong ko ng pabulong sakanilang dalawa

"Eh mapilit sila eh gusto ka daw nila kamustahin,eh bakit ano bang nangyari sayo? Tska bakit nandito na si Tristan nung dumating kami? Ayiieee ikaw ah dika manlang nagkekwento tampo nakami hahahaha! Joke" pangaasar na sagot ni Kikay

"Four Boys Inlove In a Boyish Girl"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon