Camila's POV
Sa sobrang pagod ko sa gala namin nila Kikay at Jessie humiga na ako agad .. Grabe sobrang saya ng araw ko dahil sa kanilang dalawa diko naramdaman ang lungkot kahit diko kasama sila mama at papa.. And of course masaya ako kasi diko nakita ang Apat na lalaking yon lalo na si TRISTAN!
Pero anlungkot diko nakita si Ace my love! Hihi! Landeee!
Dahil saturday naman bukas nanuod muna ako ng movie sa sala hanggang 12 midnight para naman kahit papano malimutan ko yong lungkot magisa ..
Pero diko namamalayan nakakatulog na pala ako sa upuan ..
Zzzzzzzzz
Zzzzzzzzz
Zzzzzzzzz
Zzzzzzzzz
___________________________
Nagising ako sa silaw ng araw sa may bintana nakalimutan ko pala isara to kagabi pati yong T.V. bumangon ako agad at nagprepare na ng almusal ko .. Marunong naman ako magluto kaya mabubuhay naman ako neto hihi!
After ko kumain umakyat nako ng kwarto para maligo at magbihis .. Mamamasyal muna ako sa park para magpahangin ..
(Park)
Umupo muna ako sa may bakanteng upuan dito .. And andaming nagdedate .. Nakakainis huh! So ano?ako lang talaga wala? Kahit san ako lumingon andameng naglalandian gush!
Eh paano naman may magkakagusto sayo Cam eh ampanget mo mukha kang tomboy!
Ayan nagsasalita nako sa isip ..OO na ako ng panget ako ng mukhang tomboy ..
Dahil maganda naman ang view dito napapasarap ang pagtambay ko .. Habang finifeel ko ang simoy ng hangin bigla nalang may nagtakip ng mata ko.. Lintik na to tatakpan pa mata ko!
"Sino ba to?!" Pagalit kong sabi
"Hulaan mo"
Bakit ang ganda ng boses niya?sheeemmzz sure ako gwapo to!
Stop it Cam!
"Sino nga to isa! Pag hindi mo sinabi sasapakin kita!"
Siguro natakot kaya tinanggal na niya .. Paglingon ko nakita kong si Ace pala ..
"Hi" bati niya habang nakangiti
Diba sabi ko sayo wag kang ngingiti .. Bat ganun kapag kaharap ko tong gwapong to tiklop ako hehe! Nagiging babae nanamam yata ako!
"Oh ikaw lang pala,ano ginagawa mo dito?"
Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako.. Wag mukong tignan ng ganyan baka halikan kita! Chosss! Halik agad Camila masyado kang assumera! As if naman magpapahalik sayo yan! Tama ng ilusyon Camila!
"Bakit magisa ka?" Tanong niya habang nakatingin sa malayo
"Ah wala nagpahangin lang naman ako tska busy kasi sila Kikay at Jessie eh"
"Birthday mo pala kahapon"
Sheeeeyyttteeee!!! Wag mukong titigan please! Konti nalang hahalikan na kita! Hihihi! Landi mo Cam!
"Ah eh oo eh"
"Belated happy birthday" bati niya sabay pisil ng ilong ko mygushhh feeling ko mapapaso na ang hahawak sa pisngi ko sa sobrang init at pula! Mahihimatay na yata ako please kung panaginip to wag nako magising! Hahaha!
"Okay ka lang?"
Halla ka! Nangiti na pala ako magisa kakahiya!
"Ah o-oo" nauutal kong sagot
BINABASA MO ANG
"Four Boys Inlove In a Boyish Girl"
Ficção AdolescenteIsang Tomboy tomboy na babae na magpapahulog at magpapabago sa takbo ng buhay ng apat na magtotropang lalaki..