Chapter 3(meeting Ace)

2.4K 90 0
                                    

Camila's POV

Nakakainis talaga tong araw na to! Sinira ng apat na magtotropan yon sarap sapakin isa isa . yong isa natamaan ako ng bola yong isa manyakis yong isa classmate ko pang mayabang and yong isa napaka snabero kasalanan niya naman talaga kung bakit muntik ko na siya mabangga eh nakakagigil talaga..

"Camilaaaa!!!bumaba kana at kakain na tayo" sigaw ni mama

Bumaba naman na ako agad kasi gutom na talaga akes,kiniss ko sila ni papa sa cheeks nakasanayan ko na kasing gawin yon lagi..Umupo na ako at kumuha na ng kanin..habang nakain ako biglang nagsalita si papa

"Nak kamusta naman first day mo sa new school mo?" Pagtatanong ni papa

Tumingin lang ako kay papa at ngumiti at nagpatuloy sa pagkain

"Camila tinatanong ka ng papa mo" sambit ni mama

Hayyyss diko alam kung sasabihin ko kila papa na sobrang nakakainis first day ko kasi kukulitin nanaman ako kung bakit eh.

"Ayos lang naman po pa,ma lalo na magkakasama uli kami nila kikay at jessie" sagot ko habang nakafake smile

"Ahh good to know" sagot ni papa at ngumiti

After ko kumain dumiretso muna ako ng sala para manuod..

Bigla akong tinabihan ni papa at sinandal ko ulo ko sa balikat niya..

"Nak may sasabihin ako" habang hinahaplos ni papa pisngi ko

"Ano po yon pa?" Tanong ko at tumingin ako sakanya

"Kasi nak di namin alam ng mama mo kung paano namin sasabihin sayo to lalo na birthday mo na next week" paliwanag ni papa

"Bakit po pa? Ano po ba sasabihin niyo ni mama?" Kinakabahan kong tanong

Tumabi din sakin si mama so bali katabi ko sila pareho nasa gitna nila ako.. Napansin kong nagsesenyasan pa sila kung sino magsasabi..

"Nak kasi ano,May kumukuha samin ng papa mo sa California na isang restaurant gusto nilang kami ang maging chef dun ng papa mo malaking opportunity na din yon para sa pamilya natin lalo na magcocollege kana di naman sapat yong kinikita namin sa restaurant natin" pagpapaliwanag ni mama

Napatigil ako ng ilang minuto bago ako nagsalita..

"Kailangan pa ba yon ma?" Tanong ko

"Nak para rin naman sayo yon eh" sagot naman ni papa

Gusto ko umiyak kasi ngayon lang sila mapapalayo sakin pero i need to accept it nalang kasi para din naman yon samin eh.

Ngumiti nalang ako at niyakap ko sila pareho..

"I love you pa,ma" habang nakangiti ako

Nakita kong masaya mga mata nila kaya masaya na din ako..

"Pero ma nandito pa ba kayo sa birthday ko?" Tanong ko

"Yon nga nak eh bago ka magbirthday kailangan na namin umalis pero dont worry tatawag naman kami o kaya mag skype nalang tayo may computer ka naman and bibili kami ng laptop bago kami umalis ng mama mo"paliwanag ni papa.

Napabuntong hininga ako at niyakap ko sila ulit.

"Ayos lang po pa basta magiingat po kayo dun" nakangiti Kong sabi

After ng dramahan namin umakyat na ako ng kwarto,dahil pagod ako ngayong araw nakatulog ako agad..

______________________

(Thursday)

Hayyyss ilang araw nalang aalis na sila mama at papa.. Tuesday na kasi flight nila next week and Friday next week birthday ko.. August 16 kasi birthday ko .. Unang birthday ko na di kasama sila papa at mama..

"Four Boys Inlove In a Boyish Girl"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon