*3

2K 63 0
                                    

Rin Pov.

“San mo sya dadalhin?May klase pa kami.” Vlad said.

“It’s none of your business” Clyde said. Isa pa to eh, English ng English!

“Yes it is she’s my classmate. Kaya bitawan mo na sya.” Sabi ni Vlad.

Binitiwan naman ako niClyde. Ang sakit talaga nung pagkakahawak nya sakin T___T Ano ba kasi problema nun at bigla nalang nanghihila?Psh.

“Are you ok?” he asked.

“Uhm, yeah.” I said.

Hinawakan naman nya yung pulso ko na hinawakan ni Clyde kaya...

“A-aray” sabi ko.

“Bakit?” sabi nya.

“Eh, masakit yung pagkakahawak nung Clyde na yun sa pulso ko, bumakat ata kamay nya.” Pag-explain ko.

“What? You said you’re ok even if you’re not?” sabi nya habang nagkakamot ng batok.

“S-sorry” yun nalang nasabi ko.

“May I see?” sabi nya sabay kuha sa kamay ko.

“Namumula, haist, bumakat nga.Dalhin na kaya kita sa clinic?” Sabi nya habang tinitingnan yung pulso ko na hinahawakan nya ng dahan dahan.

“Mawawala rin naman na yan maya maya. Di na kailangan” sabi ko naman.

“Ganun ba? Sige pumasok nalang tayo sa klase at baka ma-late pa tayo” sabi nya sabay higit sa KAMAY ko! Ang lambot nung kamay nya, kyaa! XD Charot lang haha.

Naglakad na kami papuntang room. Buti di pa kami late.Nagstart naman na ang klase at maya maya ay naguwian naman na din.

Pauwi na ako sa bahay namin at pagkarating ko…

“Andito na ako” sabi ko pagkapasok ko ng bahay.

“Kamusta yung first day bunso?”Sabi niKuya Yuji.Panganay saming magkakapatid.

“Ok lang naman.” Sabi ko.

“Marami bang pogi anak? Baka may crush ka agad ha? Hahah” papa said.

“Papa naman?!Kilala mo naman po ako diba? Saka mukhang mga sosyalin mga tao dun” sabi ko.

“Bakit naman?” mama said.

“Halos lahat nang nandun englishero’t englishera, nakaka-nosebleed!” sabi ko.

“Haha, ayaw mo nun? Masasanay kang mag-english?” sabi naman ni kuya.

Pagkadating ko lahat sila nasa sala at nanunuod. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis na at bumaba ulit para magmeryenda.

“Mama?” tawag ko sa aking ina.

“Yes dear?” she said.

“Asan si kuya Shin saka si ate Miyu?” tanong ko.

“Nasa School pa, bakit?” sabi ni mama.

“Ah, wala.” Sabi ko naman. At nagdiretso na sa dining table para kumain

Si Ate Miyu sya yung pangalawa at si Kuya Shin naman yung pangatlo. At ako ang bunso! Haha.

Natapos na ako kumaen at umakyat papunta sa kwarto ko at humiga sa kama ko, di ko namalayan, maya maya ay nakatulog na pala ako at dina ako nakapag-dinner.

Kinabukasan…

Nagising ako ng mga 6 am, 8 am kasi pasok ko ngayon, at makikita ko nanaman ang hambog na Clyde na yon! Grr…

100 Days With Mr Yabang ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon