Rin Pov
“Ok! This is really is it!” pabulong na sabi ko sa sarili habang nakatayo sa harap ng school na papasukan ko.
Papasok na ako sa bago kong school, 1st year college ako dito. Course ko? Architecture. Kinakabahan ako sobra! First day kasi eh at orientation. Papunta ako ngayon sa gymnasium kasi dun gaganapin ang orientation. After an hour tapos na yung orientation namin at wala akong naintindihan, PRAMIS! Nakakaantok eh.Tch.
Papunta na kami sa kanya kanya naming rooms. Pagpasok ko sa room umupo ako sa bandang gitna pero tabi ng bintana, hmmm… medyo konti palang kami dito at wala pang prof.
Maya maya ay nagdatingan na yung iba.
“Uhh, Miss? Pwede umupo dito?”
Nabigla ako nang may nagsalita.
“Go ahead” sabi ko nang di tumitingin sakanya. Naramdaman ko naman na umupo na sya sa tabi ko.
Dumating na ang professor namin.
“Good morning guys, I’m Mr. Ian Rodriguez, so it’s our first day, ano ba ginagawa pag first day of classes? It’s self-introducing right? So, shall we start?” sabi nung professor namin.
Nagsimula na magpakilala isa isa, syempre nagsimula sa harap.
“Hi guys I’m, Jhenica Lourdes, you can call me Jhe or Nica, if you want call me JL for the short term of my whole name. I’m 17 years old blah blah blah” sabi nung nauna, di nako nakinig tumingin nalang ako sa bintana at tumingin sa kawalan.
Napansin ko namang malapit na yung turn ko.
At yun na nga, ako na nga ang sunod.
“Ok miss, it’s your turn now” sabi ni Sir Ian habang nakatingin sakin.
Tumayo naman na ako at pumunta sa harap para magpakilala.
“Hi, I’m Rin Joyce Marquez, call me whatever you want but make sure it’s based on my name, I’m 17 years old, thanks” ako sabay balik na sa upuan ko. Di ako ganun ka-sociable. Simula ng nangyare yun,ayoko nang magtiwala.
Sumunod naman yung katabi ko at…
O__O
Sh*t!
Ampogi! Haha. Magkatabi kami ah, pero ngayon ko lang tiningnan mukha nya. Pero kahit pogi sya, wala akong paki. Wala lang, la talaga ako pake sa mga ganyan eh, nagulat lang ako na Gwapo pala katabi ko haha, baka mainggit mga kaklase kong babae. Actually, medyo konti lang babae sa klase namin, malay ko kung bakit? Siguro mas maraming lalaki ang interesado sa kursong to? Ay ewan! I really don’t care.
“Good morning guys, I’m Vladimir Sanchez, just call me Vlad, I’m 17 years old that’s all thank you” Ay? Ang iksi din? Gaya-gaya si koooya? Haha.
Bumalik naman na sya sa upuan nya.
Natapos na ang pagpapakilala at nagsimula na si Sir na idiscuss ang mga basic info about our subject. I can draw and I’m good at it. Dapat nga mag fine arts ako eh, kaso mas malaki ang kikitain kapag nag Architecture ako, kaya ko naman yung course na to eh, so why not take this opportunity? It’s for my future din naman.
Natapos na ang time ni Sir Ian at pumunta na kami sa iba pa naming subjects. Pare parehas lang naman ang ginawa dun sa mga sumunod na subjects at sure ako sa mga susunod pa na subjects.
Break time namin at nandito ako ngayon saschool grounds nakasandal ako sa may puno, loner ako haha. Wala ako sa mood makipag-get-to-know-each-other sa classmates ko, di ko lang feel.
BINABASA MO ANG
100 Days With Mr Yabang ( COMPLETED )
Romance[Prologue] NBSB? Yan ako! No Boyfriend since Birth! Haha, eh ano naman kung NBSB ako? May nanliligaw naman sakin kahit papano no! I have my first love way back when I was in High School. And his one of my suitors, saya no? But unexpected things happ...