Rin Pov
"Wala...nag-aalala lang ako sayo.."
'nag-aalala lang ako sayo'
'nag-aalala lang ako sayo'
'nag-aalala lang ako sayo'
Dug. Dug.
T-teka nga? Ano daw sabi nya?
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko tuloy eh tumakbo ako ng ilang milya..
"H-ha?" parang nabingi ata ako sa sinabi nya.
Iniwas nya yung tingin sa akin.
"Wala. Ang bingi mo. Di ko na uulitin. Pumasok ka na nga." sabi nya.
"Tss. Para ka talagang greek." nasabi ko nalang.
Napatingin naman sya bigla sa akijn na naka-kunot yung noo.
"Ha? Greek? Pinagsasabi mo dyan?"
"Di kita maintindihan!" sinimangutan ko sya sabay talikod.
Maglalakad na sana ako kaya lang may biglang humila sa akin at naramdaman ko nalang na.. yakap nya ako. My heart skip a beat.
"Sana.. maging ok ang Mama mo.." mahinang sabi nya pero sakto lang para marinig ko.
Sa gulat ko at sa kadahilanang di ako makapag-salita at di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko eh, tumango nalang ako. Kumalas sya sa yakap pero nakahawak parin sya sa magkabilang balikat ko.
Ngumiti sya sa akin..
Ngiting bihira ko lang makita.
Ngiting totoo at makalaglag puso.
Ngiting nagpagaan kahit papaano sa mga dinadala ko.
Ngiting sa tingin ko ay tatatak sa puso't isip ko.
At..
Ngiting niliwanag ang lahat sa akin.. At dahil sa ngiti nyang yon. Napangiti narin ako.
Alam kong may after shock pa ako sa yakap factor nya pero.. ang sunod nyang ginawa ang mas ikinagulat ko. Hinalikan nya ako..
sa may ulo ko..
"Ingat nalang. Sorry din sa pag-pitik ko sa noo mo.." sabi nya at binitawan na ang mga balikat ko at tumalikod na sa akin para maglakad.
Kung kanina eh parang tumakbo ako ng isang milya dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon naman eh para kong tinakbo ang buong Asia sa bilis nito.
Napahawak ako sa ulo ko kung san nya hinalikan at sa dibdib ko kung san naman nakalagay ang puso ko.. nakatayo lang ako don at di gumagalaw. Ang weird lang ng nararamdaman ko..
Kakaiba talaga moodswings ng kumag na yon. Kaloka lang. Masyado pa syang random kung magsalita at kumilos. Wala parin ako sa sarili na tumalikod habang hawak ang dibdib ko at naglakad papasok sa gate namin.. Di pa ako masyadong nakakalayo nang tumawag sya.
"Amasona!" ok na sana eh.. bakit may amasona pa?! -_____-
Lumingon naman ako sakanya.
"Bakit Kumag?" napatawa naman sya don.
Tumingin sya sa mata ko at sinabing...
"Te quiero muchisimo" ngumiti sya at sumakay na ng kotse nya.
Ha? Ano daw? Takure? Chismoso? ANO?! Tss. Lakas maka-alien ah. -____-
Pumasok na ako sa bahay. Sumalubong sa akin sila Papa na nakaupo sa may sala. Kasama yung tatlo kong kapatid. Seryoso silang lahat. Nakita ko ang mukha ni Ate Miyu.. namumugto yung mata nya. Alam na rin nila siguro.
Napatingin naman sa akin si Kuya Shin. Siya kasi yung naka-upo sa may tapat ng pinto. Napatingin rin silang lahat sa akin.
"Rin.." si Mama.. tumayo sya.
Tumakbo ako papunta sakanya at niyakap siya. Umiyak ako.
"M-mama.. Gagaling ka diba? Di ba magpapagaling ka?" naramdaman kong hinaplos ni Mama ang buhok ko.
"Oo naman.. para sa inyo.." tiningnan ko sya.
Nakangiti sya. Ngayon ko lang napansin na ang putla nya. Actually matagal na.. di ko kang pinagtutuunan ng pansin.
"Rin.." si Papa. Tiningnan ko sya. "..Pupunta kaming states." pagpapatuloy nya.
STATES?!
"B-bakit?"
"Dun ako ooperahan." sabi ni mama kaya nalipat yung atensyon ko sakanya.
Tumango nalang ako. Di ako makapagsalita. Masaya ako na malungkot. Masaya dahil ma-ooperahan si Mama. Malungkot dahil kailangan pa nilang umalis at pumunta sa malayong lugar.
"Ngayon ang flight namin." sabi pa ni Papa.
"Ha?! Ang bilis naman?!"
"Kailangan eh. Andito naman mga kapatid mo." sabi ni Mama.
Kumalas naman ako sa pagkaka-akap ko sakanya.
"Ingat nalang po.." sabi ko nang nakayuko.
"Hindi ka muna lilipat sa condo mo.." sabi ni Kuya Shin. Napatingin ako bigla sakanya.
"Ha? Eh saan mo ako papatirahin?! Ayoko sa condo mo ah!"
"Sino bang nagsabi na doon ka? Tss.. mag-intay ka nalang.."
"Mag-intay? Eh--?" napahinto ako sa sasabihin ko..
*Tok. Tok. Tok.* may kumatok.
"Ayan na sya.." sabi ni Kuya Shin.
Pumunta naman sya sa may pintuan at binuksan ito. Nakatingin kaming lahat doon.
"Good evening po.." sabi ng tao sa may pintuan.
Binaling nya yung tingin nya kay Kuya..
"Bakit mo ba ako pinapunta dito ha.. Shin? Napa-U turn pa ako ng di oras -____-"
"Sakanya ka titira.." sabi ni Kuya Shin.
My jaw almost drop.. Sakanya?! Seriously?!
"Kay Clyde?!"
[Clyde's POV]
"Kay Clyde?!" sabi ni Rin in disbelief.
Eh ano nga ba ulit sinabi ni Shin?
'Sakanya ka titira.'
"HA?!" tanong ko kay Shin.
"Sayo titira si Rin.: sabi nya at pinanlakihan ako ng mata.
"At bakit sakanya? Ha Shinji?!" tanong ng Papa nila.
Inay ko po! Ano ba kasing kalokohan yung pinagsasabi ni Shin?!
"Para po may magbabantay kay Rin." sabi ni Shin.
"Pwede naman sayo tumira si Rin ah?"
"Eh Pa.. ayaw ni Rin sa condo ko.."
"Eh ano.." - Rin
"Paanong hindi eh kalalaki mong tao ang burara mo -___-" sabi ng Papa nila.
"Di naman Pa.. to talaga.. Haha" sabi nya sabay kamot sa ulo.
"Sige na Pa.. Mukha lang syang rapist pero mabait yan."
Eh g*go pala to eh?! Sa gwapo kong to?! Mukha pa akong rapist?!
"Sira ulo ka. -___-" bulong ko sakanya.
Nakita ko namang lumakad yung papa nila.. papalapit..
SAKIN?! O____O
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Inikutan pa ako. Para bang inoobserbahan ako ng ambuti. nakahawak pa sya sa baba nya.
"Ah.. eh.." di ako mapakali (_ _")
"Ilang taon ka na?" tanong nya bigla.
"18 p-po.." sabi ko. Katakot yung Papa nila >__<
"Naka-ilang girlfriend ka na?"
"Actually.. w-wala po.. Flings lang po. Pero wala pa pong serious relationship.."
"Flings? Nakagalaw ka na ba?"
"P-po?"
"Tanong ko kung may nagalaw ka na ba?"
"W-wala po.." uy! Totoo yun! May flings ako pero may respseto parin ako sa mga babae! I love my Mom and my sisters.
Nakita kong tumango-tango sya.
"Mapagkakatiwala ko ba yung anak ko sayo?"
Tumingin ako kay Rin. Nakayuko sya. Binalik ko sa Papa nila yung tingin.
Nginitian ko sya.. "Opo" sabi ko na nakangiti habang nakatingin sa mata ni Mr. Marquez. He smiled back.
"Pumapayag na ako.." sabi nya. Nakita ko naman sa pheriperal vision ko na napatingin sa amin si Rin.
"Talaga Pa?" tanong ni Shin.
"Oo. Basta di nya papabayaan si Rin."
"Oh pre.." sabay hawak ni Shin sa balikat ko. "..kaw na bahala sa kapatid namin ah?"
"Ano pa nga bang magagawa ko?" tumingin ako kay Mr. Marquez.
"Ako na po ang bahala kay Rin, Sir." sabi ko.
"Just call me Tito Martin. But I prefer Tito Mart."
"Sige po.. Tito Mart.."
Lumapit naman samin si Rin.
"Eh may sarili naman akong condo ah?! Bakit pa ako titira sakanya?" sabi nya.
"Sige na Rin. Mukha namang mabait tong si ano.. Ano nga bang pangalan mo iho?" tanong sakin ni Tito Mart.
"Clyde po.."
"Yon.. Si Clyde.. Mukha syang mabait. Para narin may magbabantay sayo."
"Malaki na po ako.. kaya ko na po ang sarili ko."
"Hindi na.. dun ka na.."
"Tss.." sabi nalang nya at umupo sa sofa habang naka-pout.
"Pano ba yan.. aalis na kami ng Mama niyo.."
"Sige Pa.. Ingat po kayo.. Ma, pagaling ka ah.." sabi ni Shin at kumiss kay Tita Rina.
"Rin.." tawag ni Tita.
Tumayo si Rin at lumpit sakanila.
"Ingat Ma.. Pa.." kumiss din sya kay Tita at Tito. Ganun din yung ginawa ng dalawa pa nilang kapatid.
"Kayo nang bahala dito ah.." at lumabas na sila kasamang mga bagahe. Syempre sumama din ako.
"Iho.. ikaw na ang bahala kay Rin ah?" sabi ni Tita habang sila Shin ay inilalagay yung mga bagahe nila sa may likod ng taxi.
"Opo." sabi habang nakangiti.
"Oh sya.. alis na kami. Mag-ingat kayo dito ah." sabi ni Tito at sumakay na sila ng taxi at tuluyan nang umalis.
Kumaway lang sila dun sa mag-asawa habang papaalis.
Ako nalang at sila Rin yung natira sa tapat ng bahay nila.
"Tol.." napatingin ako sa tumawag. Yung isang kuya ni rin.
"B-bakit?" may aura kasi sya ni Tito Mart. Parang nakakatakot.
"Alagaan mo kapatid namin ah! Bunso yan!" sabi nya sabay tapik sa likod ko. Napangiti ako.
"Oo naman.."
"Yuji nga pala.." sabi nya at inilahad ang kamay.
Kinuha ko naman ito at sinabing.. "Clyde.."
"Seryoso kayo?" singit ni Rin.
"Mukha ba kaming nagbibiro?" sabi ng dawalang kuya nya.
"Eeh.. Ate payag ka?" tanong nya dun sa isang babae na maganda. Kanina pa sya tahimik at pangiti-ngiti lang.
"Bakit naman hindi? Mukha naman syang mabait eh." sabi ny habang nakangiti.
"Yan?! Mabait?! how I wish.." and she rolled her eyes.
"Mabait naman ako ah? Haha!" sabi ko.
"Ewan." sabi nalang nya.
"Teka lang." sabi ni Shin at pumasok sa bahay nila.
Matapos ang ilang minuto ay bumaba rin si Shin at may dala syang maleta.
"Oh heto.." sabi nya habang binibigay sa akin.
"Ano gagawin ko dyan?" tanong ko.
"Try mo kainin -____-"
'Eh kung sinasapak kaya kita?"
"Ugok. Malamang gamit ni Rin. Ano gagamitin nya? Tss.. Oh. Ilagay mo na sa kotse mo." kinuha ko naman yon at inilagay sa likod ng kotse ko.
"Tara na?" at ngumisi ako kay Rin. Nakita ko na nanlaki yung mata nya.
"Anong tara na?!"
"Uuwi na tayo.." sabi ko at hinila sya saka pinasakay sa kotse.
"Una na kami." sabi ko ng nakangiti at sumakay narin ako saka pinaandar ang kotse ko.
Nakita ko namang kuamway sila sa amin. Ngumiti lang yung amasona ng pilit.
"Nakakainis" sabi nya.
Napatingin naman ako saglit sakanya at bumalik sa daan. Mabangga pa kami -____-
"Bakit naman?"
"Bakit kailangan ko pang manirahan sayo?" sabi nya habang naka-cross arms at nakatingin ng diretso sa daan.
"Eh yun yung sabi nila eh."
"Bakit di ka umangal?"
"May magagawa pa ba ako? Eh Papa mo na yung nga-request? I have manners."
"Tss." sabi nalang nya.
O-K.. Alam kong marami sa inyo ang curious about kay Freya.. actually cameo role lang sya dito kasi-- ay.. nevermind. Haha! Di ako spoiler! Baka sapukin pa ako ni Ms. Author. Ayaw ko nun! Isa pa yung amasona eh! :P Peace tayo Ms. Author ^__^v
So back to the story.. Freya is my friend. Close friend and childhood friend too. Alam kong may kinwento sya kay Rin na kung ano. Pero hindi totoo yun! De joke lang. Totoo lahat yon. I'm a nerd way back when I was in grade school. She's my savior. Kilala din siya nila Vlad at.. yeah.. ni Jared. Magkakasama kami.
Grade 1 ako noon nung bunubully ako ng mga kaklase ko because of my way of dressing. But one day.. dumating siya at inaway nya yung mga nam-bubully sa akin. Simula non ay magkakasama na kami palagi. Idol ko nga sya eh. Kasi, bukod sa matapang sya, she's pretty and smart too. Natuto akong mag-ayos ng sarili nung grade 3 ako at nagbago ang lahat.
Wala nang bumubully sa akin at marami nang nakakakilala sa akin at masaya ako dahil doon. Para ko na rin syang kapatid. I don't like calling her 'ate' kasi di bagay. Haha. Topak ko lang yun.
She's Freya.. My fairy god sister and my savior..
__To be continued
BINABASA MO ANG
100 Days With Mr Yabang ( COMPLETED )
Romance[Prologue] NBSB? Yan ako! No Boyfriend since Birth! Haha, eh ano naman kung NBSB ako? May nanliligaw naman sakin kahit papano no! I have my first love way back when I was in High School. And his one of my suitors, saya no? But unexpected things happ...