*25

894 43 0
                                    


Rin Pov.


"KUYA?!" b-bakit nandito si Kuya Shin?!


"Hi lil' sis" sabi ni Kuya habang nakangisi


"Andyan ba si Clyde?" kilala nya yung kumag na yon?


"A-anong ginagawa mo dito?!" tanong ko kay Kuya Shin


"Tol!" napalingon naman kami sa may likuran ko at nakita namin si Clyde na papalapit samin.


"M-magkakilala kayo?" naguguluhan kong tanong sakanila habang nag-papalipat lipat ang tingin ko sakanila.


"Kabarkada ko sya" sabi ni Kuya Shin sabay gulo sa buhok ko. At pasok sa loob at umupo sila sa sofa.



Naiwan ako sa harap ng pintuan na mukhang tanga na nakatulala. Magkakilala sila?! Say whut?! Bakit walang nababanggit sakin si Kuya?! Malamang Rin, malay ba nyang magkakilala kayo? -____- Tss. Pati sarili ko nababara ko na. Eh bakit yung kumag na yon?! Di man lang nag-taka na magka-apilyedo kami? Tss. Don't be such a dumdum Rin. Maraming Marquez sa Pilipinas! Waah~ Ano ba yan! >_________<



[Clyde's POV]



Napatawa ako sa reaksyon nung amasona nang makita nya si Shin.



"Napadaan ka?" tanong ko sakanya. Si Rin? Ayun nakatulala sa may pintuan at sinisink-in pa nya sa utak nya ang mga nangyayari.


"Bonding? Haha!" tamo to. Parang timang -____-


"Tss. Asan yung iba?"


"Maya-maya andito na sila"


"Ahh. Lahat ba sila pupunta?"


"Hmm. Ata. Basta si Jared kasunod ko"


"Ah si Jared... Teka? SI JARED?!"


"Oh? Anong problema mo?" tanong sakin ni Shin. Napatayo na pala ako sa kinauupuan ko.


"H-ha? Wala" umiling ako at umupo na.



Shit. Pano pag nalaman ni Shin na si Jared yung nanakit sa kapatid nya? Malaking gulo to. Ang mas malala pa, pano pag nagkita si Rin at Jared? Argh! Bat ngayon ko lang naisip to?!



"Yes you have. Spill it." Tss. Wala talaga akong takas dito. Sasabihin ko ba?


"Kasi--" di ko natuloy ang sasabihin ko nang.


"Rin?" may narinig kaming pamilyar na boses. Nilingon namin ni Shin iyon. Nanggaling sa may pintuan.



O_____O



"Ja....red?" - Rin


Crap.



[Rin's POV]



Waaah~ Di parin nagsisink-in sa utak ko yung mga nangyayari >___< Mukha parin akong tangang nakatulala dito sa kinatatayuan ko. Ano baaa~ @_____@



"Rin?" natauhan ako bigla nang may narinig akong napaka-pamilyar na boses mula sa bukas na pintuan. Nilingon ko naman ito at.



O_______O



"Ja....red?"



Dug.Dug. Oh Sh.t Ano nanaman tong nararamdaman ko?! Bakit n-nandito sya?



"A-anong--?" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nabigla ako ng bigla nya akong niyakap ng pagka-higpit higpit.


"Rin I'm sorry, sorry talaga! Di ko naman sinasadya yung dati eh. Nalito lang ako. Ikaw talaga mahal ko" sabi nya habang yakap ako. Di ako makapag-salita sa mga nangyayari. Di ko alam ang sasabihin ko. Naguguluhan ako.



A-ayoko na syang makita at makausap. Dahil natatakot ako sa mararamdaman ko pag nangyari ang mga yon. At eto na ang kinatatakutan ko. At ang nararamdaman ko? MASAKIT. Lahat ng sakit bumabalik. Pati...Namimiss ko narin sya? Hindi! Ayoko na! A-ayokong maniwala sa mga sinasabi nya.



"Rin" sabi nya nung kumalas sya sa pagkakayakap nya at hinawakan yung magkabilang pisngi ko. May kung ano syang pinunasan don.


"Don't cry please?" umiiyak na pala ako. Masyadong masakit yung ginawa nya sakin kaya mahirap nalang kalimutan basta-basta yun. It took me so long to get better. And what now?! He's here to ruin it and to feel that same pain again?! F*ck this heart!


Alam ko galit ako sakanya ngayon pero bakit nakatunganga lang ako? Dapat kinakarate ko na sya eh! Hindi dapat ako nagpapaapekto sa nararamdaman ko. Alalahanin mo Rin, sinaktan ka nya. Wag kang magpapadala sa mga sinasabi nya. Tandaan mo, pinaasa't gin@go ka nya.


Tinanggal ko ang mga kamay nya sa magkabilang pisngi ko.



"Rin, pakinggan mo naman ako please?" akmang hahawakan nya ang mga balikat ko pero umatras lang ako at umiling-iling.



Nakakainis! Tuloy-tuloy parin sa pag-tulo ang mga luha ko. Marahas kong pinunasan ang mga iyon. Hindi ito ang tamang oras para magpakita ako ng kahinaan. Pero...hindi ko kaya. Nanghihina talaga ako.


G-gusto nang bumigay ng puso ko. Gusto kong humagulgol pero ayoko. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Akala ko talaga naka-move on na ako. Pero bakit ba andun parin yung sakit? Ang sakit sakit.



"Rin....Mahal kita" It hit me. Sabi nya yun sakin at humakbang papalapit sa akin. Ayoko. Hindi... Wag na wag kang magpapadala sakanya Rin.



Humakbang lang ako paatras at nagtakip ng bibig habang patuloy parin sa pagbagsak ng mga traydor kong luha. Ayokong marinig nya ang pag-hikbi ko. Umiiling lang ako sa mga sinasabi nya for me to convince my self that he's lying. Ayokong maniwala sakanya.



"Maniwala ka sakin...Mahal kita" puno ng sinseridad yung mga mata nya. Makikita mo rin na naiiyak na sya dahil makikita mo na maluha-luha na yung mata nya pero pinipigilan lang nya.



'Bakit ngayon lang Jared? Bakit ngayon kung kailan ayaw nang magiwala at maniwala ng puso ko sayo' gusto kong sabihin sakanya yan pero di ako makapagsalita. Dahil alam ko, sa oras na magsalita ako, baka iba na ang masabi ko. Pero kailangan may sabihin ako. Pero ano?



"B-bakit?" ayan lang ang tanging salitang nabigkas ko. Hindi ko alam kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko.


"A-akala ko kasi, si Irene yung talagang gusto ko. P-pero nung nakita kitang umiyak nang dahil sa akin. Parang....parang dinurog yung puso ko nun. Dun ko lang narealize na i-ikaw talaga ang mahal ko. Rin please. Maniwala ka sakin. Mahal kita" on that thought a tear roll dow on his cheek.



Gusto kong punasan yon. Pahakbang na sana ako papunta sakanya. Kaya lang...




*BOOGSH!"




Nakita ko nalang si Jared na nakaupo sa sahig at hawak ang pisngi nya at nagdudugo ang gilid ng labi nya.



"Ikaw pala yon! Ikaw yung t@rantadong nag-paiyak kay Rin!" nagulat ako nang makita ko si Kuya Shin na nasa may pwesto namin at galit na galit. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Madalas kasi lagi nya akong inaasar.



Napaupo nalang ako sa lapag at napatakip ng bibig ko at patuloy na umiiyak. B-bakit? Bakit ganon parin yung nararamdaman ko para sakanya? Nasasaktan ako ngayon dahil nakikita ko syang lumuluha at nasasaktan din? A-akala ko sapat na yung kakaibang nararamdaman ko para kay Clyde at Vlad para makalimutan ang nararamdaman ko para kay Jared. Mali ako. Akala ko lang pala yon. Marami ngang namamatay sa maling akala.



"S-shin?" hinawaka ni Kuya si Jared sa kwelyo nya.


"G@go ka! Ano ba ginawa sayo ng kapatid ko at pinaiyak mo ng ganyan?! Bakit mo sya sinaktan! Ha?!" galit na galit na sabi no Kuya Shin.


"K-kapatid?" naguguluhang tanong ni Jared.


"Oo! Kapatid ko yung pinaasa't gin@go mo!" sabi ni Kuya at...


*BOOGSH!*



Isa nanamang suntok ang lumanding sa kabilang pisngi ni Jared. Galit na galit si Kuya. Parang hindi sya. Pagkatapos suntukin ni Kuya si Jared. Tumayo sya at nagsalita.



"Tol. Kaw na munang bahala kay Rin" pagkasabi ni Kuya nyan lumabas na sya.



Inayos naman ni Jared ang sarili nya at tumayo sya. Aktong lalapit sya sakin pero pinigilan ko sya.



"T-tama na" umiiyak parin ako. Nakakainis, ayaw nilang tumigil sa kakatulo.


"Pero...R-rin...Ma--"


"I said stop it! Stop this bullsh.t Jared! Ayoko nang marinig mga sasabihin mo" nakatungo kong sabi.


"Ri--"


"H-hindi na kita m-mahal" sabi ko. Ayaw parin tumigil sa katutulo ng luha ko. Sh.t


"Tumingin ka sakin saka mo sabihin yan" sabi nya sa seryosong boses.


"May b-boyfriend na ako" mukhang natigilan sya sa mga sinabi ko.


"M-may boyfriend ka n-na?"


"Oo" sabi ko at tumingin sakanya. Sh.t! Ayan nanaman yung luha nya. Bakit ba umiiyak sya?!



Nagsimula nanaman tumulo ang mga luha ko.



"S-sino?" tanong nya. Sino nga ba?


"Si...Si--" naputol ang sasabihin ko at nabigla nang nag-squat si Clyde sa harap ko para mapantayan ako.


"C-clyde?"


"This will help you. Sorry" huh? Bakit sya nag-sosorry?



Nabigla ako lalo sa mga sunod na ginawa nya. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at inilapit nya ang mukha nya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang mga labi nya na nakalapat sa mga labi ko. He's kissing me slowly. Napapikit nalang ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. I felt comfort and I'm having this strange feeling again.



__To be continued

100 Days With Mr Yabang ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon