[Clyde's POV]
Nakita ko ang pagkabigla ni Rin nang makita nya si Jared. Ganun din naman si Jared nang makita si Rin. Bigla nyang niyakap si Rin.
"Rin I'm sorry, sorry talaga! Di ko naman sinasadya yung dati eh. Nalito lang ako. Ikaw talaga mahal ko"
Nakita kong nagkuyom ang mga palad ni Shin. Galit sya. Galit na galit. I saw that fierce look again and anger written all over his face. Eto na nga ba sinasabi ko eh!
Nakita kong may bumagsak na luha mula sa mga mata ni Rin.
"Rin" sabi ni Jared nang kumalas sa pagkakayakap kay Rin at hinawakan ang mukha ni nya para punasan ang mga luha nito.
Tatayo na sana si Shin pero pinigilan ko sya sa pamamagitan ng paghawak sa balikat nya. Tiningnan nya ako at umiling ako. Nagkuyom lang sya ng palad nya.
"Don't cry please?" sabi ni Jared pero tinanggal lang ni Rin ang mga kamay nito mula sa pisngi nya.
"Rin, pakinggan mo naman ako please?" lalapit na sana si Jared si Rin, pero umatras lang ito ang umiling
"Rin....Mahal kita" parang naiinis ako sa mga salitang binibitawan ni Jared.
Napatakip ng bibig si Rin habang umaatras at patuloy lang sa pagtulo ang mga luha nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Kita mo sa mga mata nya na nasasaktan sya. At habang tinitingnan ko ang mga matang yon. May kumikirot sa dibdib ko. Bumibilis ang tibok nito at parang di ako makahinga sa sobrang bilis at sakit. Bakit? May sakit ba ako sa puso?
"Maniwala ka sakin...Mahal kita" sabi ni Jared at maluha-luha pa. Kita mo na mahal nya talaga si Rin.
Pero bakit parang ayaw ko sa nararamdaman nya para kay Rin? Naiinis ako. Gusto ko syang suntukin.
"B-bakit?" ayan lang ang nasabi ni Rin. Bakit nga ba? Bakit ka umiiyak ng ganyan? Amasona ka diba?! Bakit? Di mo parin ba talaga nakakalimutan yung nararamdaman mo para kay Jared? Nakakainis! Para akong bading sa mga pinagsasabi ko,
"A-akala ko kasi, si Irene yung talagang gusto ko. P-pero nung nakita kitang umiyak nang dahil sa akin. Parang....parang dinurog yung puso ko nun. Dun ko lang narealize na i-ikaw talaga ang mahal ko. Rin please. Maniwala ka sakin. Mahal kita" naiinis talaga ako sa mga sinasabi nya. Paulit-ulit sya.
Tatayo na sana ako kaso...
*BOOGSH!"
Biglang sinuntok ni Shin si Jared dahilan para mapaupo ito sa lapag.
"Ikaw pala yon! Ikaw yung t@rantadong nag-paiyak kay Rin!" kitang kita sa mukha ni Shin na galit na galit sya. She really love her sister that much. Just like me. I really love my sisters.
Nakita kong napaupo si Rin mula sa kinatatayuan nya at napatakip ulit ng bibig. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko at wala akong magawa. Pinapanuod ko lang syang umiyak. Parang di ako lalaki!
"S-shin?" sambit ni Jared na hawak ngayon sa kwelyo ni Shin.
"G@go ka! Ano ba ginawa sayo ng kapatid ko at pinaiyak mo ng ganyan?! Bakit mo sya sinaktan! Ha?!" galit na galit na sigaw ni Shin kay Jared.
"K-kapatid?" naguguluhan nyang tanong.
"Oo! Kapatid ko yung pinaasa't gin@go mo!" sabi nya at sinuntok ulit si Jared
"Tol. Kaw na munang bahala kay Rin" he's referring to me at lumabas na sya ng condo ko.
Tumayo si Jared at laalpit sana kay Rin kaso biglang nagsalita si Rin.
"T-tama na" napatigil si Jared. Umiiyak parin si Rin.
"Pero...R-rin...Ma--" naputol ang sasabihin ni Jared ng magsalita ulit si Rin.
"I said stop it! Stop this bullsh.t Jared! Ayoko nang marinig mga sasabihin mo" nakatungo nyang sabi.
"Ri--"
"H-hindi na kita m-mahal" di parin sya tumitingin kay Jared. Nagsisinungaling sya. Sh.t lang. Bakit ganito? Parang....
Nasasaktan ako?
"Tumingin ka sakin saka mo sabihin yan" seryosong sabi ni Jared.
"May b-boyfriend na ako" sabi nya bigla. Natigilan din ako sa sinabi nya. May boyfriend sya?!
"M-may boyfriend ka n-na?" bigla nanamang tumulo ang mga luha ni Jared. Ngayon ko lang sya nakitang umiyak nang dahil sa babae.
"Oo" sabi ni Rin at tumingin na kay Jared. Nagsimula nanaman syang umiyak. She lied again
"S-sino?" tanong ni Jared.
"Si...Si--" di nya alam isasagot nya kaya lumapit ako sakanya at nag-squat para mapantayan sya. Halata mong nabigla sya sakin.
"C-clyde?"
"This will help you. Sorry" sabi ko.
Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi nya at inilapit ko ang mukha ko sakanya and i close my eyes as soon as I reached her lips. I kiss her slowly. I don't know what her reaction is.
We parted our lips and I look at her. She's still crying. Gusto kong mambugbog ng tao ngayon at hindi ko alam kung bakit. Di ko na kaya yung kirot na nararandaman ko sa dibdib ko habang nakikita kong umiiyak tong amasonang to sa harap ko.
I grab her hand as i stood up. Napatayo rin sya. I looked at Jared and said...
"Ako ang boyfriend nya"
__To be continued
BINABASA MO ANG
100 Days With Mr Yabang ( COMPLETED )
Romance[Prologue] NBSB? Yan ako! No Boyfriend since Birth! Haha, eh ano naman kung NBSB ako? May nanliligaw naman sakin kahit papano no! I have my first love way back when I was in High School. And his one of my suitors, saya no? But unexpected things happ...