My Bittersweet Escape - Five

365 10 2
                                    

CHAPTER 5 - Mystery guy

“Hoy Miss. Nawawala ka ba? Gusto mo tawagin ko mommy mo? Wag ka nga umiyak dyan. Mukha kang 5 years old na naliligaw sa mall. Tayo nga dyan, wag mo linisin yung sahig. May janitor naman dito eh.” sabi sakin nung lalaking ewan. Mang-aasar pa eh. Tsk.

"Wow ha. Salamat nalang." sabi ko sakanya

"Tss. Ganyan ka pa. Tutulungan ka na nga."

"Hindi ko kailangan ng tulong. Siya lang yung kailangan ko." 

"Ang drama mo miss. Kung ayaw mong tumayo, bahala ka dyan." Pagkatapos niyang sabihin yun, umalis na nga siya. Tss -_____- Bakit ba di ko pa tinanggap yung tulong niya? 

After a while napansin na din ata ng mga waiter yung nangyari sakin. Wow, late reaction lang? Parang 5 minutes na kong nakasalampak sa sahig tapos ngayon lang ako nakita. 

"Oh my god! Ms. Zoey!!" tawag sakin ni Carmela in panic "What happened?" tanong niya habang tinutulungan akong tumayo.

"Wala, ang tanga nung lamesa eh. Nahulog mag-isa. Kawawa naman yung sahig, nadumihan pa tuloy. Uwaaaaaaaa" So umiyak na nga ako ng tuluyan.

"Ms. Zoey! Wag mo na isipin yung sahig! We better get you cleaned, ikaw nga yung nadumihan dito eh" at yun na nga, inalalayan niya ako papunta sa office niya and that's where she lend me some decent clothes.

"Salamat talaga Carmela. Ang bait bait mo." nakangiti kong sabi sakanya while holding both of her hands. Sa mga ganitong panahon, marami parin talagang mababait na tao na handang tumulong sayo. 

"Wala yun. Ano ka ba. Pero is it okay to ask something?" she asked with her eyebrows raised.

"What is it?"

"What happened between you and Austin? Bakit iniwan ka nalang niya kanina?" 

Ayoko na sanang sagutin yung tanong niya pero I would be rude naman if I wouldn't right? "Actually, Austin and I broke up months ago and he wanted to meet kasi sinaktan ko daw yung "TAONG MAHAL NIYA" 

Inemphasize ko talaga yung MAHAL. Sakit eh </3

"OM! That's so sad. Hayaan mo, di lang naman siya yung lalaki sa mundo. Makakahanap ka pa, siguro hindi lang siya yung taong meant for you" 

HAAAAAAY. It's easy for you to say that dahil hindi naman ikaw yung nasa posisyon ko but for me siya lang talaga eh. Siya lang yung taong para sakin. 

"Ahh. Siguro nga." yun nalang yung nasabi ko. 

"Sige, una na ko. Thanks pala ulit. Balik nalang ako some other time to return your clothes ah. Thanks a lot Carmela."

Bago pa man ako makalabas ng office niya, may pahabol pa siya. "Sure. Zoey! but waiit!"

"Yes?" I turned my back and face her

"You forgot this" pagkatapos may inabot siyang jacket sakin. Wait. Kanino ba to?

"Huh? This isn't mine." I said then I gave her back the jacket. Malay ko ba kung kanino yun. -___- Baka, may virus pa.

"Pero dala dala mo to when you entered the office" sabi niya tapos binalik ulit yung jacket.

Wait a minute, kapeng mainit........

"AHHHH. I remember! Inabot pala siya ng isang antipatikong lalaki kanina. Ahh. Sige, una na talaga ako. It's getting late narin kasi" paalam ko sakanya. 

"Sige. Ingat pag-uwi ah. Kaya mo yan!!!"

"Hahaha. Suuure. Thanks again." then I went off.

Moments after I left the resto, nakakita ako ng isang malapit bar. Siguro I just need a zip of something before I go home. Kailangan ko ding kalimutan yung problema ko. 

My Bittersweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon