My Bittersweet Escape - Twenty Eight

209 7 3
                                    

Chapter 28 - My knight in shining armor

3RD PERSON'S POV

First day of classes nanaman para sa lahat. Simula na kasi ng second semester. Bagong sched,  bagong profs pero hindi bagong mga kasama. Nagsimula na ang first class nila Zoey which is PE. Sobrang inis lang niya dahil kakasimula pa lang ng pasukan, batak na agad ang mga muscles nila. Track and field kasi ang napunta sakanila. Psh. Ni hindi nga sila ang pumili nyan eh, yung magaling nilang class rep.

"Guys! 100 meter dash pa daw! Dba ang saya nito? Hindi ba kayo nasisiyahan?!" masama ang tingin ng lahat kay Chace. Siya lang naman kasi yung tinaguriang "Class representative"

At dahil karamihan sa kanila ay uto-uto. Pumila na nga silang lahat para sa ika-7 beses na takbo na nila ng 100 meter dash. Konti nalang, halos isang kilometro na rin ang matatakbo nila.

"Tengene, sino ba kasing nagpasimuno na siya yung class rep natin? Badtrip naman oh" inis na inis na sabi ni Zoey sa mga kaibigan

"I don't know. Did we ever have a nomination?" tanong naman ni Monique

"Nomination? Wala tayong ganun ah! Ungas talaga yun. Baka nagvolunteer na maging class rep! Psh. @ss" pinipigilan na ni Zoey na sumabog. Kasi tong kulugo nilang class rep, umaabuso na eh. Utos ng utos tapos siya, hindi niya ginagawa. 

"Mr. Class Rep, sumosobra ka na ata. Ikaw naman tumakbo!" sigaw ni Zoey na agad namang narinig ng mga kasama.

"Oo nga!"

"Kanina pa tayo tumatakbo tapos siya pachill chill lang"

"Madaya!"

Narinig ni Chace na nagpprotesta na ang mga kasama niya. Tsk. Zoey talaga ang laki ng galit sakanya.

"Okay! Okay! Sige na." bago pa magkagera sa field, ginawa na ni Chace ang request ng mga kasama. Siya lang magisa yung tumatakbo at pinapanood lang siya ng lahat.

"Ang hot ni Chace noh? Grabe. May girlfriend na ba siya?"

"Ang alam ko wala eh pero feeling ko pinopormahan niya si Zoey"

"Oh?! I doubt. Si Zoey? Di siguro ganun yung mga type ni Chace, masyadong loud eh."

Sana kung naguusap sila, doon nalang sa lugar na hindi ko naririnig dba? Harap harapan lang? Yan ang nasabi ni Zoey sa sarili. Kailangan ng magtimpi. Kailangan magpaka-good girl siya ngayong sem dahil Probation siya dahil na nga sa mga naging problema niya last sem. Iwas gulo muna siya kaya ngayon sa utak niya nalang pinagsasampal yung mga naguusap sa likuran niya. 

"Ano besty? Upakan ko na para sayo?" pabulong na tanong ni Emma sa kaibigan

"Psh. Yaan mo na. Isang araw malalaman mo nalang na tinamaan na ng kidlat lahat ng chismosa sa mundo" tsaka sila nagtawanan.

"Besty, bili lang kami ng tubig ah." paalam ni Emma sa kaibigan "Emma, wait sama din kami" pahabol naman ni Bambi and monique. 

"Ayaw mo sumama?" tanong ni Bambi

"Naaah. Bili niyo nalang ako" at nagbigay nga siya ng 20 pesos sa kaibigan

Pagkaalis na pagkaalis ng mga kasama agad niyang naramdaman na kinalabit siya nung babaeng mukhang paa. "Uhm. Excuse me, did you just say na chismosa ako?" okay, so hindi naman pala siya mukhang paa. Mukha siyang talampakan. HAHAHA.

"Ha? Wala akong sinasabing ganyan." paawa effect nalang muna si Zoey sa ngayon dahil ayaw nga niya talaga ng gulo.

"Psh. What a bitch. Ngayon may ganyang act ka. Napaka-plastic mong babae ka. Nilandi mo na nga lahat eh. Si Austin, if I know nagsawa ka na sakanya kaya mo siya pinagpalit. Ahas kang babae ka!" then that bitch slapped her really hard na umagaw ng atensyon ng lahat ng nandoon.

My Bittersweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon