My Bittersweet Escape - Forty

171 4 1
                                    

Chapter 40 - Reasons

CHACE'S POV

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Ano ba yan. Istorbo. Anong oras na ba?!

1 PM?

Di nga? Seryoso?! Parang ang tagal ko naman ata natulog. Ay, oo nga pala. Naglasing nga pala ako kaya may konting hangover parin ako ngayon. Psh. 

After a minute sinagot ko na rin yung cellphone ko na kanina pa tumutunog.

"Hello?"

(Happy Birthday hon!!!!!) Okay. Honestly speaking, her voice isn't the one I really wanna hear first right now. 

"Thanks." 

(Hon, is there any problem? You wanna talk about it?) 

"Actually there is something...."

(What is it?)

This is it. Now or never

"Let's break up."

And the line goes -------------------- Okay. So is that a yes? Never thought it'd be this easy. 

After the phone call with Ashley, there is an immediate call sa phone ko. It's from Charlie. Sasagutin ko ba or sasagutin ko? 

"Uy. Long time no talk!" masaya kong bati sakanya. Sa wakas. I'm free from Ashley, I can now hang out with you again. 

(Pare, skype dali!)

"Huh? Bakit?!!"

(Basta, dapat after 5 minutes, online ka na ah! gege bbye na!!!)

Agad agad kong inopen yung PC ko then I log on to skype then dun na tinuloy ni Charlie yung tawag niya sakin and when I saw the video. 

(HAPPY BIRTHDAY CHACE!!!) I saw all of them, Emma, Bryce, Bambi, Charlie & Monique. 

"Thank you guys. Iiyak na ba ko?!" pabiro ko sakanilang lahat. Bakit wala si Zoey? -____- 

(Hahaha! Tse! Miss ka na kasi namin eh. Saan ba birthday celebration mo mamaya?!) tanong ni Emma, she looks happy talking to me. Si Zoey kaya ganun din yung nararamdaman. 

"Sorry guys...." 

(Oy! Ayoko ng drama mo pre!!! Birthday mo, bawal magdrama!!) sabi ni Bryce. 

"Oo na. Masaya lang ako."

(Oy, anong kaguluhan ba yan?! Ang aga aga nag-iingay kayo dito sa bahay. Bakit ba favorite niyong tambayan to?! ) I'm sure it's her voice. Kaya pala wala siya, tulog pa. Batugan talaga. 

(Excuse me lang sleeping beauty, ala-una na po! Hindi na po umaga, hapon na.) sabi ni Bryce sakanya.

(Weh? Okay, pero ano ba yan? Bakit ang saya niyo dyan? Di niyo ko sinasama?!)

(Teka, alam kong naeexcite ka pero sige eto na.) Tumayo si Emma sa pwesto niya tapos maya maya nakita ko nalang si Zoey na nasa harapan ko na... Oh shit. I miss her. 

"Hi"

(Oh? Anong ginagawa mo dyan sa computer ha?! Bakit wala ka dito?! Leche kang hinayupak ka.) Natawa nalang ako sakanya. Miss ko na nga siya. Magsasalita na sana ako nung bigla siyang binatukan ni Emma. 

(Bruha ka, pwede pakibati nalang siya ng happy birthday okay?)

(Happy birthday.)

"Thanks. So far yung greeting mo yung pinakagusto ko sa lahat." then I smiled. Nakita ko yung mga expression ng tao doon. 

My Bittersweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon