My Bittersweet Escape - Thirteen

291 7 1
                                    

Chapter 13 - Closure?   

3RD PERSON'S POV

Sa condo ni Emma nagpalipas ng oras si Zoey. Boring daw kasi sa bahay nila at masyadong tahimik. Ang dami na nilang nagawa sa mga nakalipas na oras, Facebook stalking, instagram, picture picture, food trip, nail art at DVD marathon ng mga korean drama. (City hunter) dahil sobrang gwapo daw ni Lee Min Ho dun. Hahaha

"ANG GWAPO NI MIN HO!!" may pahmapas hampas pa si Zoey sa braso ni Emma habang sinasabi yun.

"So ayaw mo na kay TOP. Akin naaaa?" pangaasar na sabi ng kaibigan

"Lul. Akin din yon."

"Sayo lahat?!"

"Oo, may angal? May Charlie ka naman ako nga nangangarap nalang." paawa effect pa ang mukha ni Zoey

"Drama mo teh. Imbyerna ka." 

Pumunta na nga sa kusina si Emma para maghanda ng hapunan, malamit na din kasing mag-gabi.

"Besty! Watcha want for dinner?" tanong nito sa kaibigan na halatang busy sa paglalaro ng subway surf sa iPad.

"Ahh. Kahit ano na basta makakakain!!" sagot naman niya..

Habang busy ang dalawa sa mga kanya kanyang gawain hindi nila alam na sa likod ng pinutuan ay may nangyayaring kaguluhan

"Oy, dude. Wag kang aalis, upakan kita" sabi ni Charlie sa kaibigan

"Ehhh, kaw na. Galit nga sakin yon after what I did kagabi. Psh. Bobo ko eh." sagot naman niya

"Bobo ka rin eh. Bakit mo ba kasi ginawa yun?!" biglang sulpot na tanong ni Bryce na busy sa katext niya.

"Wala, feel ko lang. Ganun kasi scene na napapanood ko sa TV eh, ginaya ko lang." 

*Batok sapok kapow!

"G@go ka dre. Ge, alis na nga. Kapag yan yung sinabi mong dahilan baka di yun magdalawang isip na ibaon ka ng buhay" sagot naman ni Charlie na halatang inis sa kaibigan.

Bago pa man tuluyang mapaalis ni Charlie si Austin, hindi nila napansin na pinindot na ni Bryce yung doorbell.

"T@ngna! Bakit mo na pinindot?!" sigaw ni Charlie

"NAIIHI NA KO!!!" nagpapanic namang sabi ni Bryce "Lalabas na nga eh!!!!!" dugtong pa nito

Sa loob naman...

*ding dong

"Oy besty! Pakibukas naman oh" pasigaw na sabi ni Emma 

"Ikaw na! Busy ako!!!" busy nga siya sa paglalaro at ayaw na magpaistorbo

"Dali na parang bubuksan lang eh, bahala ka wala kang pagkain mamaya." pananakot nito

"Sino ba kasi yun?!" tanong niya

"Hindi ko rin alam eh kaya nga buksan mo na yung pinto para malaman natin." 

"K. Fine." agad naman nitong nilapag yung ipad at pumunta sa may pinutuan, binuksan nalang niya ito ng walang pakundangan at agad na nakita si Bryce na dirediretsong pumasok sa loob na parang hindi siya nakita

"Luuuuh, problema nun?" tanong ni Zoey kay Charlie

"Ahh. Naiihi na eh." sagot naman nito

"Ahh, wait. Tawagin ko lang si Besty ah" at agad na pumasok para tawagin ang kaibigan

 sa labas naman nagtataka ang dalawa

"Nakita naman niya ako dba? Bakit di ako pinansin?" tanong ni Austin sa kaibigan

My Bittersweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon