My Bittersweet Escape - Twenty Four

202 7 2
                                    

Chapter 24 - Revelations

"Zoey please"

"Leave me alone I want to die"

Nasa tuktok sila ngayon ng isang building. Nalaman lang naman ni Chace na nandito si Zoey noong mapansin niyang may isang crowd ng tao ang nakapalibot sa isang mataas na building at ng tinanaw niya ito, si Zoey ang agad niyang nakita. Balak na atang tumalon kaya agad niya itong pinuntahan para pigilan.

CHACE'S POV

"Zoey calm down. Mag-usap tayo. I'll explain everything to you." sabi ko sakanya

"Explain?! Ano pa bang gusto mong sabihin sakin?! Nakita ko na lahat eh! They've been cheating on me! Masakit eh!!"

"Zoey! Tama na nga yan! You've got it all wrong!" sagot ko sakanya. Nakaharap na siya sakin ngayon

"Ano?! Anong mali sa sinabi ko?!" walang tigil parin siyang umiiyak. 

"I wasn't the one who saved you from the bad guys."

"Huh? What are you talking about?!" 

"Austin. Si Austin yung nagligtas sayo." I said to her.

Oo, hindi talaga ako yung nagligtas kay Zoey.

FLASHBACK 

That night. I recieved a call from Austin at sabi niya magkita daw kami sa harap ng bahay ni Zoey so pumunta nga ako at nakita ko siya, buhat buhat niya si Zoey.

"Oh pare? Anong nangyari?!" tanong ko sakanya pagdating ko sa harap ng bahay nila Zoey. Austin was carrying her tapos wala siyang malay.

"I recieved a call from her pero I'm sure hindi niya alam na ako yung tinawagan niya. She was crying out for help kaya nagmadali akong pumunta dito. I even called security guards para mapalaalis yung mga bastos na lalaking nakapasok." 

The way Austin looked at her. Alam ko na. He still loves her.

"Sige. Ako ng bahala sakanya. Hintayin mo ko dito tapos magusap tayo." Dinala ko na si Zoey sa kwarto niya tapos sinabi ko sa yaya nila na okay lang naman siya.

After that pumunta kami ni Austin sa isang malapit na coffee shop.

"Pare. May hindi ka ba sinasabi sakin?" diretsuhan kong tanong sakanya.

Mukhang nagulat naman siya sa tanong ko kaya muntikan na niyang mabuga yung kapeng iniinom niya. Sabi ko na eh!!

"Ha? Wala noh!" pagdedepensa niya

Hinampas ko siya ng malakas "Lul pare. Seryoso. Alam kong may tinatago ko. Kilala kita." 

"Tsk. Sige na. Sasabihin ko na lahat lahat sayo pero please wag na wag mong sasabihin kay Zoey lahat ng malalaman mo. I want to be the one to tell her the truth. Please"

END OF FLASHBACK

Bago pa man ako makapagsalita. Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Baka nga nagtext na sila Emma. 

From: Charlie Fuentes

Dude, nasa St. Lukes kami. Bring back Zoet please. Naaksidente sila Austin and Layla. You have to be here ASAP.

Muntikan ko ng mabitawan yung phone ko sa gulat. Shit. Ano ba to?! Tangina. Problema na naman! Sana lang walang nangyaring masama sakanila. Paano ko na ngayon to masasabi kay Zoey! Baka lalong magpakamatay kapag sinabi ko. Aish. ANO NA?!

"Ano?! Magsalita ka nga!!! Ano ba talagang nangyayari?! Gulong gulo na ko Chace. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko." she was crying really hard right now in front of me. Oo nga, kanina ko pa siya binibitin. Wala pa kong sinasabi kahit isa. 

My Bittersweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon