My Bittersweet Escape - Thirty Seven

162 4 1
                                    

Chapter 37 - My Girlfriend

ZOEY'S POV

Kakatanggap lang namin lahat ng text from the one and only pa-special na tao sa grupo namin, It sucks. Nawala siya ng isang buwan tapos biglaan nalang magpapakita? Ganon ganon nalang? And huge announcement?! Ugghhh. Naiinis lang ako ng sobra. After what happened on that day sa HK. I can't believe I let him get into me. Now, I'm starting to having regrets.

"Besty! Nakabihis ka na ba? Susunduin daw tayo ni Charlie" tanong niya habang kumakatok sa pinto ko.

"Ahh. Oo, Wait lang. Lalabas na ko." I answered.

Actually. I got the text like 4 hours ago at hindi ko maiwasang mag-isip ng todo todo. Ano kayang huge announcement yung sasabihin niya? Could it be na hindi naman talaga siya seryoso nung nakipag-date siya sakin noon? Or could it be na may fiance na siya and we could never be together dahil yun ang utos ng mga magulang niya sakanya?! Or worst...

Hindi kaya bading siya at may lalaki nang nilalaman yung puso niya??!!! NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO

*TOK TOK TOK

"Oy, ang tagal mo namang mag-ayos. Tama na yang pagpapaganda mo."

Boogsh!

Bigla akong nagising sa katotohanan. Tignan mo kung anong ginawa sakin nung lalaking yon?! Kung ano ano na tuloy yung pumapasok sa isip koooo. -____-

Lumabas na ko ng kwarto para harapin si Besty.

Tinignan niya ko from head to toe "Oh? Ang tagal tagal mong nag-ayos tapos ganyan lang yung suot mo? Bruha ka. Pumasok ka ulit. Mag-ayos ka ulit." Aish. To talagang babaeng to napaka-arte kung minsan.

"Ehhhh. Tinatamad na ko. Tsaka si Chace lang naman kikitain natin eh. Duuuh?" sagot ko sakanya

"Yun na nga yun eh. Si Chace yun, duuuuh? HK? Remember?"

Tinignan ko nalang siya ng masama "I hate you."

"I love you too. Sige na. Magdamit ka ng maganda okay?" tsaka tinulak niya ko papasok ng kwarto.

Pumili nalang ako ng isang dress sa closet ko tapos naglugay ako ng hair. Pagtingin ko sa salamin.

"Okay. Natural na talaga akong maganda. Period."

After 10 minutes dumating na si Charlie tapos dumiretso na kami sa Rockwell.

"Ano kayang nangyari sa ugok na yon? Bakit ngayon lang nagparamdam?" tanong ni Charlie

"Aba. Siya tanungin mo. Tsk. Tignan mo nga ginawa niya sa kaibigan ko?!" sabay tingin nung dalawa sakin.

"Whaaaat?"

"Wala. Wala." Besty said.

"Sus, Bunch mukhang hindi naman affected eh." pabulong na sabi ni Charlie kay Besty

"Sus. Akala mo lang yun noh. Alam mo ba kapag gabi....."

"Ahhhh. Matagal pa ba? Gutom na ko eh." pagputol ko sa dapat na sasabihin pa ni Besty. Oo nagbubulungan sila pero naririnig ko lahat ng pinaguusapan nilang dalawa. Psh.

After an hour we reached Rockwell. Traffic. Ka-stress. Eto na. I don't know what to feel exactly. Hindi ko alam if I should feel happy, angry, sad or what. Gusto ko lang siyang yakapin kapag nakita ko na siya.

Katext na ni Charlie ngayon si Chace. Nasa isang restaurant daw sila. Hindi ko na actually naiintindihan yung sinasabi nila.

I just kept on following them. Kinakabahan ako seryoso. What now? What do I do? Uggghhhh.

My Bittersweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon