Zeilica’s POV
“Yo! Zei”- napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa likod ko.
Nakita ko si Brylle na naglalakad papunta sakin habang nakangiti.
Ng huminto siya sa harap ko ay biglang nawala ang ngiti niya.
“I don’t have girls anymore...i mean I gave it a break you know? You can go to my pad anytime, you have a key aight?”
Napangiti ako at napayuko sa sinabi niya.
Naramdaman kong lumapit siya sakin at hinalikan ang buhok ko.
“I know you’re much stronger than before…but I can’t just stop worrying… you know that right?”
Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.
Kung ituring nila ako parang isang prinsesa, ang sarap sa pakiramdam.
Tumango ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang mahigpit na akap.
****
Walang klase ngayon dahil may faculty meeting kaya naglalakad lakad muna ako sa Science building, puro laboratory lang ang andito kaya walang tao.
Nakita kong medyo bukas ang pinto ng isang lab. kaya pumasok ako.
Kapag tumingin ka kasi sa bintana dito kita mo yung field.
Napahinto ako sa paglalakad ng may nakita akong lalaking nakahiga sa may kabilang gilid ng lab. kaya pumunta ako dun.
Napangiti ako ng bahagya ng makita ko kung sino ang lalaki. Nakatakip ng libro ang mukha niya pero katawan palang niya kilala ko na kung sino siya.
Tiningnan ko ang libro na nakatakip sa mukha niya.
Pride and Prejudice.
Paborito talaga niya ang libro na iyon. Bata palang kami nasa kanya na ang libro na yan at paulit ulit na binabasa.
Kusang gumalaw ang katawan ko at naupo ako sa ulunan niya at pinatong ko ang ulo niya sa lap ko.
Kinuha ko din ang libro na nakatakip sa mukha niya.
Parang nakuryente ang mga kamay ko ng mahawakan ko ang mukha niya.
Ang amo. Ang sarap pagmasdan ng mukha niya.
Hindi ko alam pero kahit malapit lang siya sakin at hindi nagsasalita katulad ng mga panahon na ito….gumagaan ang pakiramdama ko.
Hinipo ko ang mahahaba niyang pilik-mata.
I can’t stop myself from touching his beautiful sleeping face.
Pumikit ako at unti-unti kong dinikit ang labi ko sa noo niya.
Pagdilat ko, nakita ko ng sobrang lapit ang mukha niya, ang mapupula niyang labi na para bang hinahatak ang kamay ko para hawakan ito.
Konti nalang mag didikit na ang mga ilong namin, I can hear him breathing.
Konti nalang din mahahawakan ko na ang labi niya ng biglang hawakan niya ang kamay ko.
“Tss…sneaky”- sabi niya at bigla niyang dinilat ang mata niya kaya bigla akong napaayos ng upo.
Umupo na din siya kaya napatingin ako sa kanya at sa kamay ko na hanggang ngayon ay hawak hawak pa rin niya.
“I thought…it was a dream”- sabi niya at tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
A Gangster Stole My Heart [PUBLISHED UNDER LIB]
Teen FictionBOOK 2 IS ALREADY OUT. "HEARTBEAT OF A GANGSTER" As the story will be published under LIB, I'll remove most of the contents of the story and just leave about 10 chapters soon.