1st Chapter
[Jane's POV]
"Thank you po sa breakfast" agad na akong tumayo at nagpaalam na kay mama. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng bahay.
Unang araw ng pasukan but I choosed to wake-up early dahil hahanapin ko pa ang class room ko sa bagong school na papasukan ko. Pero dahil ang hirap mag abang ng masasakyan ngayong umaga.. Tila ba, malelate ako ng wala sa oras. Sayang lang tuloy ang pagtulog ko ng maaga kagabi, pinapaliban ko panaman ang panonood ko ng mga K-Drama na Melting Me Softly, dahil sa excited na rin akong pumasok sa sikat na paaralang dito sa Pilipinas. Ang Cleverian University.
Pagkadating ko sa Cleverian University ay bumungad sa akin ang napakalaking gate na nakaukit ang signature quote nito. "Trust Nobody, Move Secretly" basa ko rito, ewan ko ba kung ano ang ikinaganda ng quote na yan, pero diko nalang pinansin.
I took a deep sigh. Mariin kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa loob. This is my opportunity para mai-ahon ko sa hirap ang pamilya ko.. At ang tanging goal ko lang ay maabot ang mga pangarap ko. Mabuti na lamang at marami pang tao sa loob ng campus. Haish! Hahanapin ko pa ang Room ko. Pero dahil sa laki ng school na 'to baka isang araw bago ko mahanap yun. Kinuha ko yung Phone ko at binuksan ang notes ko na sinend sa akin ng school.
Room 3. Nanlaki ang mata ko ng makita ang section ko... Section B-Blood? Huh? Napaka creepy naman ng section na'to. Pero bakit pa ba ako magtataka, ei kabilang ako sa Science Class.
Nagpatuloy ako sa paglalakad upang magtanong sa mga estudyante upang mas mapabilis ang paghahanap ko, Pero ang weird ng mga sagot nila. Kasi iisa lang ang mga sagot nila sa akin. 'Hinde ko rin alam eh! New Tranferred lang din ako rito...' diba? At halos 30 students na ang napagtanungan ko at iisa lang ang sagot nila sa aakin. Sa bagay oo nga pala, maraming estudiyante ang nangangarap na makapasok dito kaya hindi malayong marami ang nagsitransfer dito.
Naglakad-lakad lang ako hanggang sa mapadpad ako sa oval ng school. Marami ring naglalakad dito na animoy namamasiyal lang sa luneta.
At sa aking paglalakad may nasalubong akong isang guro. Siya ang pinaka unang guro na nasalubong ko ngayong araw.
Maputi siyang babae at medyo mahaba ang buhok na abot hangang kalagitnaan ng kaniyang likod. Tingin ko nasa edad 30's - 40's na siya. Nakasuot siya ng kulay pulang teachers uniform at dala-dala ang color purple na shoulder bag.
Lumapit ako sa kaniya upang magtanong. "Hi Ma'am" bati ko. Napahinto naman siya at bahagyang napangiti sa akin. "Can I ask something ma'am?... saan po dito yung building ng room 3 po?" I asked her. At sa tanong kong iyo, bigla na lamang nag-sikunot ang kaniyang noo, At tinignan ako mula ulo hanggang paa na animoy kinikilatis ako. Ang wierd!
Maya-maya'y tinignan niya ako na parang sinasabing 'sumunod ka sa'kin' Look. Nagpatuloy siya sa paglalakad at sumunod naman ako agad. Mukha siyang nagmamadali.
"New Transfer ka ba dito?" Seryosong tanong niya habang mabilis na naglalakad. Nagmamadali ata talaga eh. "Anong year mo na?"
"4th year po!" Deretsang sagot ko.
"Section blood ba?"
"Opo!" Mabilis na sagot ko. Bigla na lamang siyang nahinto sa paglalakad kaya muntik na akong matumba sa biglalaang paghinto. Ang bilis niya kasi maglakad eh.
Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakangiti na ng malapad saakin. "Advisory student pala kita." Nakangiti paring sambit niya. Hindi ko mawari pero na-speechless ako sa sinabi niya... para akong naparalize at nahipnotize na ewan at hindi ako makapagsalita.
"Halika sumabay ka na saakin!" At nagpatuloy na kami sa paglalakad. Malayo-layo pa raw kasi ang lalakarin namin bago makarating sa building na iyon.
Habang naglalakad kami, sinabi niyang huwag na daw ako mag-alala kung malate man ako. Kase first day naman ng class. Nasabi niya ring lahat daw ng nasa Section Blood-A ay mga kapwa transferee din tulad ko. Pinagsama-sama daw lahat ng transferees upang hindi na daw kami maisama sa gulo ng mga old students. Oo nga isa rin sa nabalitaan ko dati na maraming bully sa school na ito. At halos lahat ng nabubully nila ay nagda-drop out at lumilipat ng ibang school. At dahil don. Halos kaunti nalang ang mga estudyanteng pumapasok sa school na ito. Pero dahil sa magandang opportunities lalong lalo na para sa mahihirap. Marami parin ang nagkakandarapang makapasok sa paaralang ito.. At iilan lang ang nakakapasok. Buwenas ko nga at isa ako don. 'Di naman sa pagmamayabang, ay matataas naman ang mga grado ko kaya't 'di na nakapagtatakang nakapasa ako agad sa entrance exam ng paaralang ito.
Pagkadating namin sa building napansin ko ang kumpulan ng mga estudyante sa harap ng isang kuwarto. 'Section Blood-A' ani ko ng mabasa ang nakasulat sa may upper part ng pinto nito. Ito na pala ang section na hinahanap ko. Grabe ang layo nga. Lumapit kami sa kumpulan at bumati si ma'am Yna sa kanila.. Oo Yna Lee ang pangalan niya. Nagsitinginan naman ang mga estudyante sa amin. Pero laking gulat ko ng mamukaan ko ang ilan sa mga estudyante. Sila yung mga estudyanteng napagtanungan ko kanikanina lang. sa hallway ng school ah!
Lalapitan ko sana sila, kaso may bigla akong naalala.. And now, I gets what that mean is..
"Trust Nobody, Move Secretly"
✂------------------------------>
-kolmejax-
BINABASA MO ANG
Survival Series: ROAD TRIP
Mystery / Thriller"Road Trip" A Happy Trip that suddenly lead our breaths fade.. ---- Highest Rank: #19 in Horror 04/09/2020 #16 in Horror 04/11/2020 #08 in Horror 04/16/2020
