TEASER
---
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nababalot ang kapaligiran ng iisang kulay.
Purong puti...
Purong puti ang aking nakikita. Nasaan ako? Nasa langit na ba ako? P-pero Hindi pa pwede!
Napabalikwas ako dahil sa kaba't naisip. Nakahiga pala ako.
Pero agad akong napahigang muli ng maramdaman ko ang hapdi ng aking ulo. Napahawak ako rito at dahan-dahang humiga.Nasa loob ako ng isang kuwarto.
Maya-maya'y biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae. Si mama. Bahagyang nanlaki ang mgamata niya nang makita ako at dahan-dahang napalitan ng ngiti.
"Anak!... Salamat sa diyos at gising kana!" Naluluhang wika niya. Bakas sa kaniyang reaksiyong ang tuwang nadarama.
Lumapit siya sa akin at umupo sa 'king tabi. "N-nasan ako?" Mahinang usal ko.
"Nasa ospital ka anak, at dalawang taon ka nang tulog...!"
'dalawang taon ka ng tulog...'
'dalawang taon ka ng tulog...'
Paulit-ulit na umalingaw-ngaw sa utak ko ang mga sinabi ni mama. Ano? D-dalawang taon na akong natutulog? Ganoon na ako katagal ng nakahiga dito?
IMPOSIBLE!...
H-HINDI ITO TOTOO!
Parang kanina lang ay nakikipag usap pa ako sa katabi kong si Leizel.
Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang aksidenteng nangyare.
Hindi ito maaari!
A-anong nangyari?
Napatingin ako kay mama dahil sa tanong na naisip ko.
"A-anong nangyari?" Usal ko.
Diretsong nakatingin si mama sa mga mata ko bago nagsalita.
"Patay na ang lahat ng iyong mga kaklase at ikaw lang ang himalang nakaligtas sa aksidente..." seryosong sambit niya.Hindi ko alam pero bigla akong nanlumo sa mga sinabi ni mama. Pero matapos niyang sabihin iyon bigla nalamang nagbago ang reaksiyon ng kaniyang mukha. Naging iba ito. Hindi na siya si mama. Naging matalim ang kaniyang paningin sa akin. Nag-iba ang awra niya sa mga oras na ito.
Bigla na lamang niya akong hinawakan sa aking leeg at sinakal ng mahigpit...
"At ngayong gising kana, isusunod na kita!" Wika niya. Pati pananalita niya'y bigla na lamang nagbago. Naging malamig ito na animoy mula sa ilalim ng lupa...
Nabalot ng nakakatakot na halakhak ang buong kuwarto...
"H-Hindi ikaw ang n-nanay ko!" Nauutal na wika ko. Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa pagkakasakal. Pilit kong ikinakawala ang kaniyang mga kamay sa aking leeg ngunit lubha siyang malakas kaya hindi ko magawa.
Hanggang sa.... sa- isang iglap... nabago ang kulay ng kapaligiran. Napalitan ito ng purong itim. At uti-unti na akong nawalan ng malay....
✂--------------------->
-kolmejax-
BINABASA MO ANG
Survival Series: ROAD TRIP
Misterio / Suspenso"Road Trip" A Happy Trip that suddenly lead our breaths fade.. ---- Highest Rank: #19 in Horror 04/09/2020 #16 in Horror 04/11/2020 #08 in Horror 04/16/2020