[6TH CHAPTER]
Monday 3:45 AM
Maaga akong nagising... ako palang ang gising. At oo maaga akong nagising dahil balak kong tumakas... yes! Tama ang iniisip niyo. Hindi nga ako pinayagan ni mama. >__<
Naiintindihan ko naman siya. Pero buo na ang desisyon ko. Hindi ngayon... ito rin ang unang beses na sinuway ko siya.. pero minsan lang din ako magkaroon ng mga kaibigan no?
Nandito na ako sa harap ng school ngayon, its already 4:45 AM na. Maya-maya'y dumating na ang bus na service namin.
But wait? Bakit walang driver? Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.
Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. At sa muling pagmulat ko. "Hay! Namalik mata lang siguro ako..." usal ko. Grabe kung ano-ano na ang nakikita ko ah... medyo madilim pa naman kasi kaya hindi ko siya agad nakita.
Pagkahinto ng bus, bumukas ang isang bintana at iniluwa nito ang ulo.. ni Judy.
"Hey Jane! Good morning!" Tapos napatingin-tingin siya sa paligid. "Where's Tarzan?" Tanong niya Matapos niya tignan ang paligid at natatawa pa sa sinabi. Sira ulo. Napailing nalang ako sa kaniya.
"Nasa bulsa ko pa eh. Nagkakape!" Biro ko sa kaniya at umakyat na ng bus.
Napatayo ako sa harap sa may gitna. Napansin kong busy ang lahat na nakaupo. Si Guads at Shirly na ang lakas pa ng boses na nagdadaldalan sa harap. Sa may kaliwa.
Si Rex at Jake naman na tingin ng tingin sa mga girls at animoy may kababalaghang ginagawa. Lahat ng Girls ay nasa kaliwa at lahat ng boys ay nasa kanan. Bale may tag-7 na upuan sa magkabilang side at 2 tao per upuan ang puwedeng umupo.
Halos wala ng maupuan sa harap. Kumpleto na pala ang lahat at ako nalang ang hinihintay.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad. At sa wakas nakahanap na ako ng chair. Ika-anim na upuan sa girls side. Umupo na ako dahil sinimulan na ng driver paandarin yung engine. At ilang sandali pa'y naghiyawan ang lahat. Simbolo na aalis na ang sasakyan.
Excited ang lahat... kaniya-kaniyang position at distration ang ginagawa nila. Ilang sandali pa'y, Tahimik lang akong nakikinig ng music sa Ipad ko. Ang boring naman kase ng katabi ko. Hindi ba siya marunong magsalita? Palibhasa kahit sa room ang tahimik lang niya eh. Ano nga ulet pangalan niya? Lizie ba yun??
Aish. Ewan! Ano bang pake ko sa kaniya?
"A-Ahm! Lheizel nga pala!" She said rapidly. Nagulat ako sa nag salita! Finally, Nagsasalita pala siya? O baka namalik-dinig lang ako? Sandali kasing nahinto yung music, sa ipad ko kaya sigurado akong siya yung nagsalita.
Napalingon ako sa kaniya kasabay ng pagtanggal ng kaliwang earphone ko. Siya nga ang nagsalita. Nakaangat ang kanang kamay niya simbolo ng pakikipagkamay.
"Ha? A-Eh Jane!" Usal ko. Inabot ko ang kamay niya. At siyempre nagshake-hands ng kaunti tapos binitawan ko na. Nagsasalita pala siya? Bat ngayon niya lang sinabi? Ay oo nga pala hindi pala siya nagsasalita.. Haish, ang gulo ko.
"N-Nagsasalita ka pala??" Out of no where na usal ko. Hindi ko napigilan yung bibig ko eh. Bigla tuloy napakunot yung noo niya. May mali ba akomg sinabi? Nagpatay malisya na lang ulit ako at kunwaring sinasabayan ang kanta na nasa tenga ko..
Maya-maya'y may nagsalita sa harap. "Hey guys! Lets take a groufie!" Si Rex. Hawak niya ang mono pod habang naka-angat ito.
Nabaling muli ang tingin ko kay Lheizel. Ganun pa rin ang tingin niya. Pero nakangiti na siya. Medyo creepy, pero nginitian ko lang din siya.. "Groufie daw!" Nakangiti paring wika ko..
"Oo nga. Narinig ko nga." Sarkastikong wika niya. Pilosopo din eh no? Sapakin ko kaya 'to!
Inis ko siyang inisnaban sabay tingin sa harap. Ngumiti ako ng makita ang sarili sa screen ng selpon.
"SAY KISSSSS!" *CLICK!*
"Hoy Rex!!" Maangas na wika ni... Ivan. Nakatayo na siya sa likod.
"Bakit??" Takang tanong ni Rex. Mukhang nangangamoy suntukan ah.
"Ang daya niyo!" Kinunutan niya ng noo si Rex. " 'Bat kayo-kayo lang ang inaabot ng kamera. Sali kame ni Jax dyan. Hehe" biglang ngiti ni Ivan. Sira lang?
"Oo nga! Ako nga hahawak ng kamera!" Jax said. Tapos kinuha niya nga ang kamera at walang tigil sa kakaclick. "Ohws!! Ang guwapo ko talaga! ^__^ marami nanamang likes to kapag pinost ko sa fb. Hehe! ^__^" pagmamayabang niya.
Feelingero!! Amps.
"Hala! Babagyo ata! Ang lakas ng hangin!!" Pambasag ni Heidee sa kahangina ni Jax.
"Hahaha! Hoy! Tag mo ako dyan ha!" Si Jimmy. Palibhasay selfie lord din yan eh.
Napatingin ako sa relos ko. Its already 5:30... halos isang oras narin kaming nasa biyahe... napatingin ako sa labas. Medyo madilim pa... Maya-maya'y biglang bumagal ang takbo ng bus... napatingin ako sa harap sa may labas. 'Accident Prone Area' yan ang nakasulat sa isang poste sa tabi ng kalsada.
Hindi paman ako lubusang nakakalingon pabalik. Nang mapatingin ako sa may front mirror.
Nakapikit ang... huh? Nakapikit ang driver? Kinusap ko ang mga mata ko at idinilat muli ito. Nakahinga ako ng maluwag. Na malikmata lang pala ako.
"WAAAA! OH NO!!" Shirly shouted at the front seat. "May mababangga tayo!!" Sigaw naman ni Guads.
"MASASAGASAAN YUNG ALE!!" Pasigaw na hirit ni Jake. Napatingin ako sa front mirror.
*PEEEEP* *PEEEP*
"NAWALAN NG PRENO!" Pasigaw na sabi ng driver. Nataranta ang lahat sa narinig. Halos hindi na namin alam ang gagawin. Patuloy lang sa pag busina ang driver.. hanggang sa... Nabangga ang ale. Humarang pa sa windshield ang katawan ng ale na dahilan na hindi niya makita ang daan.
Someones POV
Nagulantang ang lahat dahil sa kaba't takot. Hindi nila alam ang gagawin. Napuno ng hiyaw ang buong loob ng bus. Patuloy sa pagtakbo ang sinasakyan naming bus.
At sa di kalayuan. Nahulog ang bus sa isang napakasukal na bangin. Nagpagulong-gulong ito. Hanggang sa...
✂-------------------------------->
-kolmejax-
BINABASA MO ANG
Survival Series: ROAD TRIP
रहस्य / थ्रिलर"Road Trip" A Happy Trip that suddenly lead our breaths fade.. ---- Highest Rank: #19 in Horror 04/09/2020 #16 in Horror 04/11/2020 #08 in Horror 04/16/2020