[10th Chapter]
"Jane, saan ang first destination?" nasa loob kami ngayon ng gubat. Ibat-ibang direksyon ang tinahak namin kaya't nagkahiwa-hiwalay ang limang grupo. Kumpleto kami sa gamit. Mapa-compass para sa direction na pupuntahan namin, emergency gun Fireworks para kung sakali man na maligaw kami, isang tele-radio para naman sa kontak kung sakaling may emergency. Anim na Head Light, At ilang itak para sa maarong makaharap naming mababangis na hayop. At syempre, hindi mawawala ang foods.. Para sa snack namin kung sakali mang magutom kami.
Sobrang dilim ng paligid, Ang tanging ilaw lang namin ay ang mga lente na nasa aming ulohan. In-open ko ang map na gawa sa tela at tinignan ang first destination.. Nakasulat sa bawat destinasyon ang ibat ibang lohika.. At ang tanging Goal namin ay makuha ang limang Flag na katulad ng flag na hawak ni Jax. Ang Blue Warriors flag.
"What's the first Logic question?" tanong ni Valerie. Nakatayo kami ngayon sa intersection ng dalawang daan.
Nakakalito, at nakakakaba dahil kapag mali ang tinahak namin. Tiyak na maliligaw kami. At 'di ko gugustuhing mangyari iyon.
Binasa ko ang logic na nakasulat dito. "If you go left, you choose right. If you choose right.. You are wrong" medyo naguguluhan man, ay paulit ulit ko itong binasa.
"Kaliwa ang daan." mahinang saad ni Valerie. Sana all mabilis mag-analyse. Nag-aalangan man ay sumunod nalang ako sa kaniya na lakad takbong tinutungo ang kaliwang daan.
"Sigurado kaba Val?" paninigurado ni Judy. Nanatili siyang nakatayo sa pinanggalingan namin. Ngunit napilitan naring sumunod sa amin.
"May tiwala kaba?" nakangisi lang na sagot nito. Siya ang lider ng grupo, kaya nararapat lang na sa kaniya nakaasa ang desisyon na gagawin.
"Tama si Valerie.. Sumunod ka nalang kung ayaw mong matalo nanaman tayo!" seryosong saad ni Jax. Tama siya, dapat hindi na kami matalo sa pagkakataong ito. Baka lumaki nanaman ang ulo ng mga hipokritang iyon pag natalo nanaman kami.
Ilang minuto lang ay isang maliit na kubo ang tumambad sa amin. "Ito na ang first Destination! Maghanap na kayo!" saad ko. In-adjust ko ang lente na nasa ulo ko upang mas palakasin pa ito. Sinimulan kong hanapin sa singit-singit ng kubo.. At maya-maya lang ay na-spot-an ko na agad ang hinahanap namin. Tila ginawa itong kurtina ng isang maliit na bintana, mabuti na lamang ay napansin ko ang logo'ng naka guhit dito.
"Basic." may pagka mayabang nasaad ko. Bakas ko naman ang ngiti ng mga kasama ko.
"Una palang yan!.. Tara na bilis! Tatlong oras lang ang gugugulin natin para mahanap ang Limang flags." may pagka-awtoridad na saad ni Val.
One down.
Agad naman kaming lumabas ng kubo at tumakbo na muli sa kasukalan ng gubat.
"Next destination is Riverbank!" Saad ko.
Marami mang talahib sa paligid ay di ko ito iniinda. Ayokong tuming sa mga ito, baka biglang may mga mata na sumilip mula rito.
"A Quiet Place" basa ko sa lohika na nakasulat dito sa map. Naririnig ko ang mga huni ng insekto sa paligid. Medyo kinikilabutan talaga akom.
Ang sabi ay deretso lang ang lakad kaya lakad takbo kami patungo sa tabing ilog, ng isang hayop ang biglang bumulaga sa aming daanan na nagmumula sa isang malaking punong kahoy.
"AHAS! WAAA!" Sigaw ni Heidee.
Agad naman nilabas ni Jax ang itak na nakasukbit sa bewang niya.
"Shhh. Wag kayong maingay.." saad ni Ivan. "Snakes are Blind, but their hearing ability is strong.. Kaya stay Quiet lang!" mariin nitong saad.
Na-stuck kami sa kinatatayuan namin. Dahil ilang ahas pa ang lumantad sa harap namin. Takte.. Nasa harap namin ang pugad ng mga ahas. They are green Viper snake.. Hindi naman ito masyadong agressive kaya dahan dahan kaming nagsi-hakbang sa mga ito. Ng isang ahas ang biglang sumakmal sa po aking hara.. Napasigaw ako sa gulat at nerbyos.. Mabuti na lamang ay agad itong nahawi ni Ivan gamit ang itak.
"S-Salamat." nanlalaki parin ang mata ko sa nginig.. Naghahabol din ako ng hininga.
"Ano ba'to? Laro pa ba ito o pagpapakamatay na?" maarteng saad muli ni Heidee.
"Shhh." sinabi ng tahimik ei.
Mabuti nalamang at ligtas kaming naka tawid sa tumpok ng mga ahas..
Sa labas ng mga punong kahoy ay bumungad sa amin ang isang malaking Torch. Nasa tabi rin ito ng ilog.
Hindi kami nag-aksaya ng oras at agad kaming naghanap. Pero tila hirap kaming mahanap ito. Hindi namin alam kung saan tinago ang pangalawang flag.
"Jane! May lohika bang nakalagay diyan?" saad ni Jax. Agad ko namang kinuha ang Map at tinignan ang nakasulat. Meron nga, diko agad napansin dahil medyo maliliit ito.
"Peacefully flows, Burning it low. Seating Below until lights in glow." paulit ulit ko muli itong binasa. Ang ilan naman ay umupo muna sandali sa palibot ng torch dahil sa pagod. Nakaka-isang oras na pala kami, isa palang ang nahahanap namin.. Hays.
"Hindi ko gets guys! Kayo nga!" ibinigay kong muli ang map kay Val. At umupo rin ako sa palibot ng Torch. Ng isang malakas na hangin ang umihip bigla. At may panaka-nakang patak ng ambon ang dumampi sa aking pisngi. Magkakaroon siguro ng ulan.
Ilang sandali lang ay biglang namatay ang apoy ng Torch na nasa harap namin kaya nabalot ng dilim ang paligid.
"Guys, tignan niyo. Sa baba ng Torch." napalingon ako kay Judy at tumingin sa tinuturo niya. Isang glow in the dark na... Tela.
"Seating Below, until Lights in Glow." saad ni Ivan. Tama, yun nga.. Isang Glow in the dark na Flag.. A Blue Warrior Flag.
Two Down Baby... Tatlo nalang.
-----------
-kolmejax-
Salamat po sa Cover ate Annaija0912 😊
![](https://img.wattpad.com/cover/142105734-288-k58645.jpg)
BINABASA MO ANG
Survival Series: ROAD TRIP
Misterio / Suspenso"Road Trip" A Happy Trip that suddenly lead our breaths fade.. ---- Highest Rank: #19 in Horror 04/09/2020 #16 in Horror 04/11/2020 #08 in Horror 04/16/2020