Chapter Eleven

20 7 0
                                    

[11th Chapter]

Pagod na pagod akong napa-upo sa ilalim ng malaking puno ng Acacia. Ang layo na ng nilakad namin mula sa Starting point. We are in the 4th destination now. Mabuti na lamang at madali lang naming natapos ang 3rd destination.
"I am the Source, I am below. Stronger I hold, The Higher I grow." basa ko muli sa lohikang naka sulat dito sa ikaapat na destinasyon. Isa nanamang napakahirap na lohika. Ibinigay ko kay Jax ang mapa, hays wala atang silbi ang paghawak ko dito.. Hindi ko rin naman nasasagutan, takte yan.

"Oops, look whose here!" isang pamiliyar na tinig ang narinig ko mula sa aming likod.

Nandito ang mga hipokrita.. Mula kay Mica-luga ang tinig na iyon.

"Ang Yellow Thunders!" literal na usal ni Ivan. Nakasuot sila ng kulay dilaw na suits. Napatingin ako sa apat na Yellow flags na hawak ni Lheizel. Nakakaapat na pala sila.. Ang bilis nila.. Pero napansin ko, tatlo lang sila.. Nasaan ang iba pa nilang kasama?

"Hahaha, nakakaawa naman kayo! Tatlo palang hawak niyo?" nakakairita talaga itong Micaluga na'to. Nagmamayabang agad ei Isa palang naman lamang nila sa amin ah. Hindi namin ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-iisip ng sagot..

"Tara na Mica! Hayaan mo na sila.. Baka maunahan pa tayo! Narinig kong nasa last Last Destination narin ang Green Blazers" saad ni Grace. Tsk. Edi sila na magaling? Pero wait, paano niya naman nasabi iyon? May kontak ba sila sa lahat?

"Teka nasaan yung ibang kasama niyo?" biglang tanong ni Judy. Ako rin ay nagtataka kung nasaan ang kasama nila.

Ilang segundo silang natahimik bago nagsalita.. " wala ka ng paki do'n.. Tara na guys! Baka makakuha pa sila ng stratehiya mula sa atin! Hays, ganun na talaga ngayon sila kadespirada para matalo tayo." nagpatuloy na sila sa paglalakad sa kasukalan at nawala na sa paningin namin. Ang feeling naman ng babaeng yun! Tsk. Akala mo naman kung sinong sobrang galing.. Lakas magbuhat ng sariling bangko ei.

"Guys! Hindi ako papayag!" biglang napasigaw si Val.. Hays, isa pa'to masyadong affected sa sinabi nila ei halata namang iniinis lang kami ng babaeng iyon.. Hays!

"Alam ko na ang sagot!" napalingon kami kay Jax, hawak hawak niya parin ang Mapa.

"Roots is the Answer!" nakangiting saad nito. "I am the Source.. Sa ugat nagmula.. I am below.. Literally nasa ilalim siya ng lupa. Stronger I hold.. Pagmatibay itong kumapit titibay ang puno, The Higher I grow... Katulad ng.. Puno ng Acacia na ito!" napalingon kami muli sa puno. Masyadong malalaki ang ugat nito. Hindi kami nag-aksaya ng oras at Sinipat sipat namin ang mga ugat nito.. Ngunit wala kaming mahanap. Naghukay narin kami, pero wala parin.

"Guys! Teka nga.. Naisip ko lang, bakit sa iisang puno lang tayo naghahanap ei.. Ang dami daming puno dito?" wow sawakas, nagiisip din si Heidee.. Puro reklamo lang kasi ang naririnig ko sa kaniya mula pa kanina.. Oo nga pala, reklamo parin ang sinabi.

Peri sa dami ng puno dito, tila bigla akong nanlumo.. Alangan namang isa-isahin pa namin ang mga puno?

"Yup! She's right! Kahit tulad nitong maliliit na halaman, may ugat din ito!" pagpapangalawa ni Judy at itinuro ang isang bagong sibol na halamang ilang metro ang layo sa amin.. Naka-cultivate pa ang lupa nito kaya mapapansin mong bagong tanim o inilipat lamang ito. Wait, hindi kaya..

"Tama! Yan nga iyon!" sigaw ni Val at papatakbong lumapit sa halaman.. Ngunit sa hindi inaasahan, bigla na lamang siyang kinain ng lupa!

"Aaahh!" isang butas.. Nahulog si Val sa isang malaking butas. Hindi namin ito agad napansin dahil natatakpan ito ng maraming dahon, siguro'y isa itong patibong.. Medyo may kalaliman ito kaya hindi namin siya gaanong masipat ng aming paningin.. Tanging ilaw ng lente na lamang sa aming ulo ang nagsisilbing liwanag sa aming paligid.

"Okay ka lang dyan Val?" saad ni Jax.

"Tulungan niyo ko guys! Ayoko na dito! Waaa!" tili ni Val.. Sinilip namin siya, mabuti nalamang at hindi siya nabalian ng buto.. "Ang daming gumagapang sa balat ko! Bilisan niyo!" hays, ang arte.

"Maghanap kayo ng lubid dali!" natatarantang saad ni Jax.  Hmm. I smell something fishy huh. Grabe naman mag-alala hindi naman siguro mapapano si Val sa ibaba ah.

"Nako lagot! Isang oras nalang guys!" saad ni Ivan..

"Ano? Nako meron pang isa tayong hahanapin.. Baka maubusan tayo ng oras." wika ni Judy.

"Pano na yan, hindi natin pwedeng iwan si Valerie dito." sang-ayon ako kay Ivan.. Pero kung matatagalan pa kami sa Pag-tulong kay Valerie.. Malamang, matatalo nanaman kami. Hindi namin gugustuhing mangyari iyon, lalo na kung sila Grace at hipokritang Micaluga na'yon ang mananalo!

"Guys! Sige iwan niyo na ako dito!" natahimik kami sa sinabi ni Val..

"Pero hindi pwede, masiyadong delikado ang lugar na ito!" ewan ko ba kay Jaxon, napaka Concern niya kay Val. Pero hindi rin ako papayag na maiwan dito ang isa sa mga kasama namin.

"Please guys! Gawin niyo ang lahat, para manalo! Balikan niyo nalang ako dito.." may awtoridad parin ang tinig ni Val.. "Nakalimutan niyo na ba ang consequences kapag natalo tayo dito?" oo, hindi ko nakakalimutan iyon.

"If you won the game.. You will have the power to choose who are the player for the next game.. And one group of you, will be out of the game." naalala ko ang sinabi ni ma'am Yna kanina.. At kung sakali nga na sina Grace ang mananalo, tiyak.. Kami ang tatanggalin nito sa Game. At hindi na namin maeenjoy ang pagparito namin, at hindi rin kami papayag na mangyari iyon.

"Guys, nakita ko na ang ika-apat na Flag! Nadito sa ibaba.." itinutok ko ang lente kay Val mula sa itaas. Hawak niya nga ito..

"Oo tama! Ang Flag.." Bulalas ni Jax, tila may naisip na ideya.. "Gawin nating lubid ang mga Tela! Bilisan niyo!" tila na gegets ko na ang punto ni Jax, agad naman kaming sumang ayon at pinagbigkis bigkis ang tatlong flag na hawak ni Ivan. Sakto naman na abot nito ang kinaroroonan ni Valerie.

Ilang sandali lang ay matagumpay naming naiakyat si Val mula sa Ibaba.. Agad naman kaming kumilos, para hanapin ang ikalimang Flag.

"Jane! Ano ang last Riddle." hingal na saad ni Val. Hinihingal na ito dahil sa lakad takbong ginagawa namin.

"You saw me first, before you get last.. Come to the start don't gave it to pass."

Nahihirapan na kami sa pagtuklas, pero mabuti na lamang hindi nagtagal ay nalaman namin agad ang Huling Destination namin.

"Last 20 minutes Guys! Congrats! We did it!"

--------

-kolmejax-

Survival Series: ROAD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon