Jane's POV
"Guys! We're here!" narinig kong saad ni Guady. Unti-unti namang nagsi-unat ng katawan ang iba kong kaklase..
"Nasaan na tayo?" Tanong ni Judy sa akin.. Napatingin ako sa labas..
"Nasa Peñablanca na ata tayo.." medyo di siguradong sagot ko.. Hindi ko rin alam kung nasaan kami, ang alam ko lang ay sa Peñablanca ang destinasyon namin.
"Nasa Sitio Baliuag tayo, base sa Google map ko.." biglang nagsalita ang dalaga sa tabi ko.
"Nagsasalita ka pala Lheizel?" pati si Judy, nagulat rin kay Lheizel. Kunot noo muling tumingin sa amin si Lheizel. May pagka-abnormal din itong babaeng 'to eh.
"Okay lets Go! Nasa labas na daw si Maam Yna.." Tumayo si Ivan at tumingin sa ami.. Actually, saakin ang sentro ng titig niya.. Hays, napapalibutan ang ng mga taong sarap tusukin abg mga mata..
Pagbaba namin, bumungad sa amin ang isang malaking bahay, makaluma ang disenyo nito na gawa pa sa kawayan ang disenyo, pero siguro'y na renovate o na-preserve dahil maganda at mukha parin itong matibay..
Iginala ko naman ang tingin ko sa paligid.. Sibrang lawak ng kapaligiran, kitang kita ko ang kagandahan ng luntiang damuhan.. Sivrang sarap lang tignan.
"Maam kanino pong bahay ito?" isa sa mga klasmeyt ko ang nagsalita..
"Ahm, sa Lolo at Lola ko pa ito. Pamana pa ito noong mga nino namin.. At hanggang ngayon, pina-renivate namin para mapanatili ang antigong imahe nito.." maikling kwenti ni maam Yna. "So, magsipasok na kayo sa loob.. Mahaba haba ang naging biyahe niyo, kayat magpahinga na muna kayo.. Mamayang alas siyete nang gabi, magkita-kita nalang tayo sa gitna ng hasiyenda." Paalala ni maam. Agad naman kaming nagsitango at pumasok na sa loob.
Sobrang laki nito, at mukhang mamahalin ang mga nakadisplay sa paligid.. Mapa Paintings, Antique Vases at kahit ang mga naglalakihang kurtina, sobrang gaganda..
"Hello mga bata!" isang ginang ang sumalubong sa amin. Medyo may katandaan na ito at may ngilan ngilang puting buhok narin sa kaniyang ulo. "Ako si Amie.. Ang katiwala ng bahay na ito, halikayo't ituturo ko ang inyong mga kwarto.. Siguro'y hahatiin ko kayo sa limang grupo.. May roon lamang kasing limang kwarto rito. Magbilang nalamang kayo ng mga kasama ninyo.." mahabang litaniya ni Aling Amie. Napatingin naman ako sa mga kasama ko.
"Oops, hindi pwedeng kasama natin sina Jax at Ivan.. Huh!" biglang saad ni Valerie.. "Baka.. Ano pang mangyare noh.."
"Grave ka naman Val.. Mukha ba kaming maniyak?" depensa ni Jax.
"Wala akong sinabi no? Kaw nagsabi niyan.." napalihis ang ulo ni Val.. Hays.. Sabagay may point din siya, hindi pwedeng magsama sama kami sa isang kwarto..
"Grabe ka na man Val, pwede naman natin silang isama ei.. Hihihi" biglang sumingit si Judy ang lagkit pa ng tingin nito kay Ivan. Takte, ngayon pa lumande ang babaeng ito..
"Tama si Val, makikigrupo na muna kami kina Jimmy..." si Ivan ang sumagot.. Tinawag niya na si Jax at pumunta na sa grupo nina Jimmy.
"Apat palang tayo.. Sino pa makakasama natin?" tanong ni Heidee. Ibinaba niya muna ang napakalaking maleta niya.. Hindi ko alam kung ano ang mga laman non, ei isang linggo lang naman kami dito sa Sitio Baliuag.
"Pwede makisama sa Iniyo?" may biglang nagsalita sa tabi hays.. Naalala ko nga pala, nasa tabi ko si Lheizel. Aatakihin talaga ako sa gulat dagil sa kaniya, bigla bigla nalang nangugulat.
"Oh kulang pa tayo ng isa." saad ni Val.
Nakita ko si Sunshine sa may gilid, napalingon ito sa amin kaya sinenyasan ko ito patungo sa grupo namin. Nang kompleto na kami ay pumasok na kami sa kwarto. Medyo malaki ang kuwarto, at may tatlong kama na kasya naman sa dalawa.. Kami ni Judy ang nagpasiyang magkatabi, si Val at Heidee naman sa gitnang kama at si Lheizel at Sunshine naman sa huling kama..
Matapos naming mag-ayos ay kumain muna kami bago lumabas ng kuwarto.. Buti nalang at may ni-take out na pansit si Ivan para sa akin.. Pagkatapos ay sabay sabay kaming lumabas ng kuwarto, malapit nang mag ala-siyete.. Kaya nag-pasya na kaming pumunta sa Field kung saan magaganap ang meeting namin. Medyo malamig din sa labas kaya naka suot ako ng itim na Hoodie. Mahirap ng ginawin, baka lagnatin pa ako.
Pagkarating naman, may bonfire na nakasiga sa gitna at nandoon narin sina Jax at Ivan.. May hawak na gitara si Jefrience at pinatutugtog ito.. Sumasabay naman sa kanta ang mga klasmeyt ko. Umupo na kami sa palibot nito.. At nasa harap ko sina Jax na katabi naman si Ivan.. Medyo ilang man pero nakipagsabayan ako sa titig ni Ivan.. Takteng lalaki to, di ba to magsasawa sa kakatitig sa akin..
"Nandiyan na si Maam Yna!" narinig kong saad ni Jimmy.
Pumalak pak ng dalawang beses si maam Yna pagkarating sa harap namin. "So guys! Excited na ba kayo?" nakangiting saad ni ma'am Yna. Tila masaya ata ang gagawin namin ngayong gabi.
"Maam ano po bang gagawin namin?" tanong ko kay maam. Ngumiti si maam sa akin at kinuha ang isang box. Nabasa kong muli ang nakasulat rito.. 'Mystery Box'..
"Maam exciting sana yan, kaso.. Gabi na po.. Masyado na po'ng madilim!"
"Ano ka ba naman Robert! Pag madilim.. Mas Exciting.." may kiliti sa tono ni Fatima.. Napatango naman ang iba kong klasmeyt.
"Maam simulan na yan!" saad ni Val. Kitang kita ko ang ningning sa mga mata nito.. Oras na para bumawi. Nagngisihan kami ng magtama ang mga mata namin.
"Please go to your respective groups!"
----
Nakatayo kami ngayon sa field, sa harap ng isang masukal na kabundukan.. Marami ang gustong umatras sa paligsahan, ngunit kapag nangyari iyon ay Automaticaly disqualifiedna ang grupo nila sa susunod na tasks kaya wala rin silang nagawa at sumali.
May mga flag na naka tayo sa aming harap simbulo ng mga grupo namin. Limang kulay, at kulay Asul ang sa amin. Nakaguhit dito ang isang palakol. At sa ibaba ay ang taktak na Blue Warriors.. Isa nga itong tagisan ng limang grupo..
"The Dark Night, starts NOW!" Kasabay ng hudyat na'yon ay ang paguunahan ng section namin sa pagtakbo.. Patungo sa kasukalan ng gubat.
✂-------------------------------->
-kolmejax-
BINABASA MO ANG
Survival Series: ROAD TRIP
Mystery / Thriller"Road Trip" A Happy Trip that suddenly lead our breaths fade.. ---- Highest Rank: #19 in Horror 04/09/2020 #16 in Horror 04/11/2020 #08 in Horror 04/16/2020