Chapter Twelve

32 3 0
                                    

[Jane's POV]

"Isa nalang guys! Kailangan nating mahanap agad ang huling flag.." papatakbo naming tinatahak ang madamong gubat, ramdam ko ang bawat hampas ng mga talahib sa aking binti.. Wala na kaming pakialam kung mali mali na ang daang tinatahak namin..

"Jane! Ano ang last Riddle?" hingal na tanong ni Valerie. Pagod na pagod na kami, pero hindi parin kami sumusuko dahil wala pa ang hudyat na may nanalo na sa laro. Kailangang paputukin ang fire gun kung sakali mang may nanalo na, at malalaman namin kung sino ito sa pamamagitan ng kung anong kulay ang kakalat sa buong kalangitan.

Kaya't malaki ang chansa naming maipapanalo pa namin ang larong ito dahil wala pang hudyat..

"You saw me first, before you get last.. Come to the start don't gave it to pass." mariin kong basa sa huling mga letra sa mapa na hawak ko.. Wala ni-isang direksyon ang nakasulat kaya't hirap kaming hanapin ang daan. Ganito rin siguro ang nangyari kina Grace kaya napadako sila sa destinasyon namin kanina. Naisip ko rin na nag-hiwa hiwalay siguro sila sa dalawang grupo kaya't wala ang iba niyang kasama.. Naisip ko rin na gawin namin iyon pero hindi pumayag si Jax, kailangan daw sama sama kaming tapusin ang laro.. Manalo man o matalo.. We will finish it as one..

"Guys, 40 minutes left." Wika ni Ivan, napaghahalatang timer.. Tss.. Tagaktak na ang pawis namin. Medyo mahaba pa ang oras.. Kaya't kampante kaming masasagutan din namin 'to agad..

"Hays, teka nga guys! Magpahinga muna tayo at i-analyze ang lohika.. Baka mas lalo pa tayong mailayo sa huling destinasyon.." habol hininga ring saad ni Judy.. May punto siya.. Sayang ang oras kung magpapahinga pero mas sayang ang oras kung pilit naming ipagtutulakan ang isang daang walang kasiguraduhan.

Napaupo kami sa ilalim ng malaking puno. We don't need to pressure ourselves.. Lalo lang kaming magtatagal. We need to find out the answer as soon as possible pero hindi kailangang pagurin namin ang aming sarili..

"Guys! Sagad na sagad na ang utak ko.. May naiisip ba kayong sagot?" tanong ni Val.. Masiyado siyang seryoso na animoy hindi talaga magpapatalo.. Pero may point siya, sa aming lahat halos siya lang ang nagiisip ng huling lohika.. Pati ako ayaw ko ng mag-isip.. Ay wala pala akong isip.. Nakaka-drain kaya, hmp. "Ikaw Ivan! Ano sa tingin mo?"

"W-Wala eh.." saad ni Ivan hays, mabuti nalamang at may naiaambag siya sa oras .. Inisa isa kami ni Val. Kailangang pagsama samahin ang mga ideyang mayroon kami para mas mapabilis.. Sinabi ko na ang pagkakaintindi ko.. Pero tila lalo lang gumulo..

"Ang tanging nai-intindihan ko lang ay kailangan nating bumalik sa umpisa!" medyo literal pero may punto si Heidee.. Ito na siguro ang pinaka may sense na sagot sa aming lahat. "Come to the start.. Ika nga ng logika."

"Tama! Bakit ba kasi hindi na tin literalin.. Obviously it is not a figurative riddle." nahihiwagaang saad ko.

"I get it! I get it!" napa-palakpak na saad ni Judy! Pati ako alam ko na rin... Ang huling flag ay nasa..

"Ang huling flag ay NASA BASE!" sabay sabay naming saad liban kay..

"Huh?" kay Heidee.. Takteng 'to akala ko pa naman alam niya na ang sagot.. Hays, pero salamat parin dahil kahit papaano.. May naisagot siya.

Wala kaming pina lampas na oras at agad kumaripas ng takbo.. Mabuti na lamang ay may nag-iisang short-cut pabalik ng base.. Kinukumpirma lamang nito na tama ang deductions namin..

Malakas ang kutob namin na tama kami.. At malapit na naming makamit ang tagumpay..

"Nandito na tayo guys!.." nakita naming nakaupo si ma'am Yna sa harap ng nag-niningas paring bon fire.. Ngumiti siya sa amin at ngumiti rin kami sa kaniya.  Laking tuwa ko ng makitang kami pa lang ang naririto..

Hindi na kami nagpaligoy ligoy at kinuha ang huling flag.. Ang huling flag na pumagay-pay pa sa hangin.. Na nakasabit sa matayog na kawan..

"20 minutes left! Congratulations! Group six!" pumapalak pak na saad ni Maam Yna. Ilang sandali lang ay dumating din ang grupo nina Jefrience, pero nauna kami.. Agad naming pinaputok ang fire-gun at kasabay ng malakas na putok nito ang malakas na hiyaw namin dahil sa tagumpay.. Kumalat sa buong kalangitan ang kulay asul na ilaw simbolo na nagtagumpay ang aming grupo sa paligasahan.

"Congrats guys! We did it!" masayng wika ko.

Ngunit kasabay ng ngiti na iyon, 'di ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari nang makabalik na ang mga classmates ko..

"Nasaan ang kasama niyo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Survival Series: ROAD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon