Chapter Eight

20 13 0
                                    

[8TH CHAPTER]

Ang sama ng pakiramdam ko. Parang namamanhid ito. Parang hindi panaginip ang lahat. Totoo ang lahat.

Napahawak ako sa leeg ko. Wala naman akong kakaibang naramdaman. Siguro nga'y masamang panaginip lang ang lahat...

Napa sulyap ako sa labas. Halos puro kabundukan at palayan nalang ang makikita. Hindi rin dikit-dikit ang mga kabahayan di tulad sa maynila. Mukhang sariwa pa ang hangin.

Itinaas ko ng bahagya ang kamay upang makita ang oras sa wrist watch ko. 11:30 na pala... kaya pala ng hihina na rin ang katawan ko. Kanina pa ako nagugutom.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang sky flakes biscuit na baon ko.

Maya-maya'y tumigil ang bus. Oras na daw para magtanghalian. Agad naman silang nagsibabaan at naiwan ako dito. Tinawag pa ako nina Val pero hindi na ako sumama. Masama talaga ang pakiramdam ko...

Tahimik sa loob ng bus. Ingay lang ng paisa-isang sasakyan sa kalsada ang maririnig.

Pinatugtog ko muli ang ipad ko at nakinig ng music. Nakapikit lang akong nakikinig ng music.

Maya-maya'y isang malakas na hangin ang dumampi sa aking mukha kaya't napamulat ang aking mga mata.

Hangin lang pala mula sa labas. Kasabay nito ang usok ng mga sasakyang nagdaraan sa kalsada.
Isinara ko ang bintana at isinalpak muli ang earphone sa tenga ko.

Pabalik na sana ako sa pagkakasandal ng aking upuan nang isang kamay ang humawak sa aking kanang balikat. Mabilis ko siyang nilingon dahil sa gulat.

"I-Ikaw lang Pala!"

Ivan's POV

"Ate! Sampung bilao po nitong pansit!" Sabi ko sa ale. Ako kasi ang napag utusang bumili ng pagkain namin. Kaso Pancit ang binili ko. Malamang Panciterya po kasi tong kakainan namin.

"Alen po? Itong batil-patung po?" Sabi nung ale. Pointing dun sa itinuro kong picture sa menu bulletin nila.

"Opo!" Usal ko. "Paki dala nalang po duon sa kubo na yun!" Dagdag ko pa. At tinuturo ko yung kubong pinagiisteyan ng mga kasama ko.

"Sige po!" Sagot niya naman tapos sinabihan niya yung kasama niyang taga-luto.

Pagkabalik ko sa mga kasama ko kaniya-kaniya nanaman sila daldalan at chismisan. Yung iba naman hawak-hawak ang kanilang mga Cellphone. Naghahanap siguro ng signal.

Pumunta na ako sa mga kagrupo ko na kanina pa tawa-ng tawa. Umupo ako sa tabi ni Heidee at tinignan sila isa-isa. Napansin kong wala si Jane. "Nasan Si Jane?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa loob! Masama daw ang pakiramdam..." mahinang sambit ni Valerie medyo may lungkot sa boses niya.

"Sinong kasama niya dun?" Nagtataka paring tanong ko. 'Bat iniwan nilang mag-isa si Jane dun.

"Wala?!" Mabilis na sabi ni Jax, hindi ko alam kung patanong ba o pasalaysay ang litaniya niya.

"Huh?" Ba't parang tuwang-tuwa pa sila na walang kasama si Jane dun.

"Uuuyy! Nagaalala..." nangnunuksok sa baywang kong ani Judy. Buwisit tuwang tuwa pa talaga sila eh.

Pinaningkitan ko sila ng tingin at napatayo sa kinauupuan. Nakakainis! Bakit parang wala silang pake sa kaibigan nila? Alam naman nilang masama ang pakiramdam ni Jane at iniwan nilang magisa sa loob.

"Ui Ivan san punta mo?" Si Jax. 'Di ko siya pinansin at dire-diretso lang sa paglalakad.

"Jane?!" Tawag ko pagkapasok ko ng pinto ng bus. Walang sumagot sa akin.

"Jane!" Ulit ko. Nakita kong isinara niya pa ang bintana ng bus. Hindi niya parin ako nilingon.

Kinalabit ko siya sa kaniyang kanang balikat. Mabilis naman siyang napalingon sa akin.

"I-Ikaw lang pala!" Nanlalaki ang mata niya. Nagulat siguro.

" 'bat mag-isa kalang??" I ask her. Pinaningkitan niya lang ako ng mata na parang sinasabing 'obvious ba? Nasa labas kaya kayong lahat!'-look. Nagmukha tuloy siyang intsik hehe. Kamukha na niya si Kim Chu.

"I-I mean! Masama parin ba ang pakiramdam mo? P-Puwede naman kitang s-samahan dito!" Hindi ko alam kung bat ako nauutal. Kausap ko lang naman siya ha!

Bigla nalamng niyang iniwas ang mukha niya. Di man kita pero parang nagpipigil siya ng ngiti. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"J-Jane!" Tawag ko ulet sa kaniya. Kanina pa ako dada ng dada dito ah. Napipe na ba siya??. Bat di siya makapag-salita?? Oo nga pala masama ang pakiramdam niya. :(

Lumapit ako sa kaniya at siya'y tinabihan. Agad naman siyang umurong ng kaunti...

"B-Bat kaba nandito??" She ask... bat nga ba ako nandito?? Ano isasagot ko??

"Ahem. Ah. H-hindi ko nagustuhan yung pagkain eh..."

"Ahh"-Jane

Bat ang tipid niya sumagot?? Pagmagkakasama naman kaming magkakaibigan siya pa ang pinakamadaldal sa amin. Pero bat ang tahimik niya ngayon??..

May Problema ba siya?? Hindi ako sanay sa ganitong Jane eh.

"Jane! M-May Prpblema ba??"

"Wala..." mahinang usal niya. "Gusto ko lang talagang mapag-isa" dagdag niya...

"O-OK!" Sagot ko.. mukhang kailangan niya ng Privacy. "Pero hayaan mo sanang umupo ako dito sa likod." Dagdag ko pa. Baka sakaling kailangan niya ng tulong. Nasa likod lang ako..

Tatayo na sana ako nang bigla na lamang niyang hawakan ang kaliwang kamay ko... pinipigilan niya ba ako?? Akala ko ba gusto niyang mapag-isa??

"A-Akala ko ba----"

"D-Dito ka nalang!" Nakatingin lang siya saakin. "Kaysa naman nasa likod ka parang ganun lang din may kasama parin ako.." wika niya. Oo nga naman.

"Ayieee!" Malakas na hiyaw ang bumalot sa loob ng bus. Sila Val. Tapos na pala sila kumain?

"Deto ke neleng!" Pang aasar na wika ni Heidee. Para bang nangaasar na ewan.

"Kanina pa kayo nandyan??" Nagtatakang tanong ko. Nakaupo sila sa may first seat sa harap. At kumpleto pa silang apat ah.

"Ay! Hinde! Hindi ka nagkakamale!" Sarkastikong wika ni Jax... "May pahawak-hawak kamay pa kayong nalalaman eh.." dagdag niya pa.

Napatingin ako sa kamay ko. Ngayon ko lang napansin na magakahawak parin kami ng kamay ni Jane. Agad ko itong binitawan at itinago sa bulsa ko ang kamay ko.. hindi ko alam pero bigla nalang naginit ang mukha ko sa nangyare.. Takte.

"Hasooos nahiya pa kayo!" Nangaasar na wika ni Heidee.

At nabalot ng tawanan ang bawat sulok ng buong sasakyan.
Another Takte yan..

✂-------------------------------->

-kolmejax-

Survival Series: ROAD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon