Chapter Seven

23 16 0
                                    

[7TH CHAPTER] NEAR TO DEATH

JANE's POV

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nababalot ang kapaligiran ng iisang kulay.

Purong puti...

Purong puti ang aking nakikita. Nasaan ako? Nasa langit na ba ako? P-pero Hindi pa pwede!

Napabalikwas ako dahil sa kaba't naisip. Nakahiga pala ako.
Pero agad akong napahigang muli ng maramdaman ko ang hapdi ng aking ulo. Napahawak ako rito at dahan-dahang humiga.

Nasa loob ako ng isang kuwarto.

Maya-maya'y biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae. Si mama. Iba ang Aura niya. Galit ba siya sa akin?? Dahil sa... sa aking pagtakas??

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at dahan-dahang napalitan ng ngiti. Ngayon niya lang siguro napagtantong gising na ako.

"Anak!... Salamat sa diyos at gising kana!" Naluluhang wika niya. Bakas sa kaniyang reaksiyong ang tuwang nadarama. So hindi nga siya galit sa akin.

Lumapit siya sa akin umupo sa 'king tabi. "N-nasan ako?" Mahinang usal ko.

"Nasa ospital ka anak, at dalawang taon ka nang tulog...!"

'dalawang taon ka ng tulog...'

'dalawang taon ka ng tulog...'

Paulit-ulit na umalingaw-ngaw sa utak ko ang mga sinabi ni mama. Ano? D-dalawang taon na akong natutulog? Ganoon na ako katagal ng nakahiga dito?

IMPOSIBLE!...

H-HINDI TO TOTOO!

Parang kanina lang ay nakikipag usap pa ako sa katabi kong si Leizel.

Parang kanina lang ang saya-saya namin sa loob ng bus.

At parang kanina lang ay nasagasa----

Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang aksidenteng nangyare.

Hindi ito maari!

A-anong nangyari?

Napatingin ako kay mama dahil sa tanong ng isip ko.

"A-anong nangyari?" Usal ko.

Diretsong nakatingin si mama sa mga mata ko bago nagsalita.
"Patay na ang lahat ng iyong mga kaklase at ikaw lang ang himalang nakaligtas sa aksidente..." seryosong sambit niya.

Hindi ko alam pero bigla akong nanlumo sa mga sinabi ni mama... Bakas sa kaniyang mga mata na totoo ang mga sinabi niya.. Pero matapos niyang sabihin iyon bigla nalamang nagbago ang reaksiyon ng kaniyang mukha. Naging iba ito. Hindi na siya si mama. Naging matalim ang kaniyang paningin sa akin. Nagiba ang awra niya sa mga oras na iyon.

Bigla na lamang niya akong hinawakan sa aking leeg at sinakal ng mahigpit...

"At ngayong gising kana... isusunod kita!" Wika niya. Pati pananalita niya bigla na lamang nagbago. Naging malamig ito na animoy mula sa ilalim ng lupa...

Nabalot ng nakakatakot na halakhak ang buong kuwarto...

"H-Hindi ikaw ang n-nanay ko!" Nauutal na wika ko. Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa pagkakasakal. Pilit ikinakawala ang kaniyang mga kamay sa aking leeg ngunit lubha siyang malakas kaya hindi ko magawa.

"Mamatay kana!!!" At isang malakas na sampal ang natamo ng aking pisngi.

Hindi ako makagalaw... bakit??
Ang sakit ng katawan ko.. hindi ko maiangat ang mga kamay ko..

Hanggang sa.... sa- isang iglap... nabago ang kulay ng kapaligiran. Napalitan ito ng purong itim.

"I-Isa Kang DEMONYO!!" nanghihina na ako. Hindi ko na kaya.

At sa mga sandaling iyon ay uti-unti na akong nawalan ng malay....

----

Isang malakas na sampal ang sumalampak sa aking napakagandang mukha na naging dahilan ng aking pagmulat. Bumungad sa harap ko ang isang dalagang nag-aalala.. Si Valerie.

"Jane! Binabangungot ka!!" Bungad niya sa akin ng tuluyan na akong magising. Panaginip lang pala ang lahat.

Napansing kong nakatingin lahat ng classmates ko sa akin. Bakas sa itsura ng iba ang pag-aalala samantalang ang iba nama'y itsurang nadismaya.

"Aysus! Nagsasalita lang yan ng tulog. May pa-bangu-bangugot na nalalaman. Ang arte!" Mataray na wika ni Grace. Nakaupo siya sa harap ng upuan ko. Sa fifth seat. Tinignan lang siya ng masama ni Judy sandali at tumingin muli sa akin. "Hayaan mo yan... wala lang yan magawa sa buhay." Wika niya at umupo sa tabi ko.

Bahagya lang akong napangiti sa kaniya. Medyo sumama ang pakiramdam ko. Ang samang panaginip.

Akala ko totoo ang lahat...

Akala ko patay na silang lahat...

Akala ko kaya akong patayin ni mama...

Akala ko mamamatay na ako...

Pero lahat pala ng iyon. Ay isa lang napakalaking AKALA...

✂-------------------------------->

-kolmejax-

Survival Series: ROAD TRIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon