UNA

236 6 0
                                    


  Chapter 1

Luann's PoV

"Maghanda ka na muna ng 100,000. Then we'll start the operation." Napasandal ako sa pinto ng kwartong inikyupahan ng anak kong si Lara.

Bakit ngayon pa nangyari ito? Kung kailan walang wala pa kami ngayon?

"Mama, ayos lang ba si Lara?" tanong naman ni Lander na kakambal ni Lara.

Napabuga ako ng hangin. Umiling iling, napaluha na ako ng tuluyan ng maramdaman ko ang yakap ni Lander.

Saan ako kukuha ng pera nito? Bakit naman kasi Ngayon pa siya nadisgrasya? Nasagasaan siya ng kotse at tinakbuhan pa siya. Pasakit talaga sa mundo ang mga ganoong tao! Ni hindi man lang inisip na mag-iingat. Ngayon ay critical ang buhay niya kasi napuruhan ang ulo niya! Pano na kame nito?

Umuwi muna kami ng bahay para maghanda ng damit ni Lara. Buti na lang nandito si Lander para icomfort ako. Its already 7 years since then pero di parin ako sanay sa mga ganitong problema.

"Oh Luann? Kamusta na ang anak mo?" si Madame Cassie. Heto na naman siya sa mga makikintab niyang suotin at makapal na make-up. Matanda na pero nagsusuot pa rin ng maikling short!

"Hindi parin po ayos Madame. Ang laki ng pera na kailangan kong hanapin para mapaoperahan ang anak ko." malungkot kong ani.

"Kasi naman, ang yaman yaman mo hindi ka humingi ng tulong sa mudra mo." Sabi niya, pero umiling lan ako.

"Ay Alam ko na, may raket akong ibibigay sayo. Ano Oks ba sayo?" napabalik ang tingin ko sa kanya.

"Malaki ang kikitain mo don! Umaabot ng isandaang libo ang kinikita doon!" masayang ani niya.

Isandaang libo? Sakto na yun sa pangpaopera ni Lara. Pero wala namang masama kung susubukan diba?

"Susubukan ko po Madame."

"Ay sige maganda yan! Nako! Panigurado! Wala ka ng poproblemahin para sa pangpapaopera mo!"

Napagusapan namin na mamayang gabi raw yun gaganapin. Kaya ang ginawa ko iniwan ko muna sa kapitbahay namin si Lander. Kailangan kong madaliin ang pagtatrabaho, kasi di ko alam ang pwedeng mangyari kay Lara.

Nabuhay kami sa paglalabada ko at pagbebenta ng street foods. Sa loob ng pitong taon ay yan lang ang nagawa ko, pero nabuhay ko ng maayos ang kambal.

Tulad ng Napagusapan ay pumunta ako sa bahay ni Madame Cassie.

"Luann, buti Nandito ka na." nakangising Sabi ni Madame Cassie. Nginitian ko na lang.

"Teka, ano po palang trabaho ang gagawin ko?" taka kong tanong. Kinindatan lang niya ako na ipinagtaka ko.

Namalayan ko na lang na may tumakip sa bibig at ilong ko. Gusto kong magpumiglas pero di ko na magawa dahil bigla akong nanghina. Hindi na ako makahinga!! Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"Hubaran na yan!" huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.  

My Special AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon