IKA-WALO

135 2 1
                                    

   CHAPTER 8

Luann's PoV

Napamulat ako sa kakaibang pakiramdam na parang may humahaplos sa katawan ko. Pagmulat ko don ko nakita si Archie nakayakap sa hubad kong katawan.

"Good morning, angel." Agad na bati niya. Nagiba ako ng tingin. Bukod sa malawak niyang ngiti ay nakahubad pa ako.

"Alam mo ba kung Anong meron ngayon?" napabalik ang tingin ko sa kanya kung saan muntikan na kaming magkahalikan. Napalunok ako ng magkatitigan kami.

Napalayo ulit ako ng tingin dahil sa paghalik niya sa akin sa labi.

Pero Teka? Birthday ko?

Biglang sumama ang mood ko. Nakapagtataka lang kung bakit sa kabila ng mga pambababoy niya sa akin ay umaakto siyang ganito.

Hindi niya ba Alam? Sa Araw ng kaarawan ko, sa Araw na iyon ginahasa niya ako! Hindi niya ba Alam?!

"Let's celebrate!"

"Ayoko."

That day, I'm starting to hate my birthday.

"O'cmon! This is your special day!"

Not anymore. Umiling lang ako bilang sagot.

"Hindi, whether you like it or not. Magcecelebrate tayo!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tinalikuran ko lang siya at nagtaklob sa kumot. Pero bigla na lang niyang inalis yun kaya nahiya Agad ako dahil kita na niya ang buong katawan ko.

"Maliligo ka o ako magpapaligo sayo?"

Wala sa loob kong tumayo at dumiretso sa banyo. Doon ko na binuhos lahat ng sakit sa puso ko. Hindi ko makalimutan e.

Tuwing sumasapit ang birthday ko. Naaalala ko palagi kung paano niya ako pinahirapan mapaligaya lang ang sarili niya. Kung paano niya ako sinaktan.

Pinunasan ko ang luha ko at nagpatuloy na sa pagligo.

*

Di ko alam kung anong pumasok sa utak niya bakit niya ako dinala sa amusement park. Anong tingin niya sa akin? Bata?

"Naaalala mo pa ba ito?" tanong niya ng pumasok kami dito.

Paanong di ko makakalimutan? Itong lugar na ito dito kami tumatambay nung mga college days pa namin, kaming buong barkada.

Di ko siya sinagot.

Wala na akong ibang dahilan para alalahanin ang nakaraan. Sinira niya ang magandang tingin ko sa kanya pati na sa barkada. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako.

"Ahmm okay.. wait me here.. bibili lang ako ng ticket." saad niya. Hindi ulit ako sumagot.

Nakilala ko siya bilang isang gentleman, napaka-ingat niya sa mga babae. He's my Kuya sa lahat ng lalakeng kabarkada ko. Biruin mo? Lahat ng kabarkada kong lalake, kilala ko sila lahat bilang playboy, mahilig mantrip. Siya lang ang matino. Pero kung sino pang matino siya pang gago sa lahat.

"Hi Miss?" napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Lalake na naman.

"I know you, Ikaw yung babae sa cage #5. Yung nabili ni Mr. Buenavista ng isang milyon." nakangisi niyang Sabi. Napakagat ako ng labi dahil nakaramdam ako ng takot.

Tumabi siya sa upuang kinauupuan ko. Ngayon ko lang hihilingin ito, pero Sana Archie dumating ka na..

"Magisa ka lang?"

Hindi ako umimik.

"Hmm.. Alam mo? Ako dapat bibili sayo e.. kaya kitang bilhin sa halagang mas mataas pa sa kayang ibigay ni Mr. Buenavista."

Ramdam ko na ang pangingilid ng mga mata ko. Archie, bilisan mo na..

Nagulat ako sa paghawak niya sa braso ko at sa sapilitang pagtayo.

"Bitawan mo ako!" anas ko.

"Kahit laspag ka na, ayos lang. Muka ka paring fresh." aniya sabay kindat.

"Bitawan mo ako sabi e!" singhal ko.

*BOOGSHH!

"TARANTADO! HAYOP KANG SIRAULO KA!"

Napayakap Agad ako kay Archie sa sobrang takot. Nanginginig ang mga tuhod ko.

Binitawan niya ako sa pagkakayakap at sinugod muli ang lalake.

"Hindi mo siya mabibili sa Kahit Anong halaga! At Anong Sabi mo? Laspag? Siya? E tanginamo pala! *BOGSH! *BOGSH! Gago!"

Hindi ako makagalaw. Kitang kita ko ang galit sa mukha niya. Tumigil lang siya ng may dumating ng mga pulis.

"Ano? Okay ka lang? Wala ba siyang ginawa sayo? ano? Sumagot ka naman!"

"W-wala"

"*TSUP! Sorry iniwan kita" aniya sabay yumakap ng mahigpit.

Kumabog ng mabilis ang puso ko. Yung takot napalitan ng kung anong kaba dahil lang sa isang halik.  

My Special AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon