CHAPTER 3
Luann's PoV
Bumabalik sa akin lahat ng masamang alaalang ipinabaon niya, sa isang tingin lang bumalik lahat. Dahan dahan siyang lumapit sa gawi ko habang ako ay takot na takot sa bawat paghakbang niya palapit sa akin. Binubuksan na nila ang hwalang kinaroroonan ko.
Natanong ko na ang Diyos, bakit pinagtagpo niya ulit kami? Bakit sa ganitong sitwasyon pa?
Siya, siya ang sumira ng buhay ko.. yung suot niya? Sobrang gara! Halatang mamahalin! Ganyan din sana kaganda at kagara ang suot ko kung hindi niya lang sinira ang buhay ko. Isang milyon? Ganyan na rin siguro kalaki ang pera ko kung hindi niya lang sinira ang buhay ko.
Tinignan ko siya ng may pagkamuhi, pagkagalit. Itong nararamdaman ko? Panghabang buhay nato!
Hanggang sa tumigil siya sa harapan ko.
"C'mon my Angel." Nakangising aniya.
Tsk. Walang pinagbago. Hayop pa rin.
He use to call me Angel. Magkasama kami sa iisang barkada. Kahit kalian hindi ko naisip na mabababoy niya ang pagkatao ko. He use to be my Kuya. Pero ngayon? Kinasusuklaman ko siya.
Dahan dahan niya akong binuhat, alam niya sigurong di ako makalakad at inilabas sa impyernong ito. Pero pakiramdam ko, nasa kamay pa rin ako ni santanas. Napunta kami sa parking lot. Ibinaba na sa tingin ko ay kotse niya.
"Nice to meet---"
"Kailangan ko ng umalis."putol ko kaagad sa sasabihin niya.
"No you won't do that, baka nakakalimutan mong binili kita. Kaya akin ka na."
Napasalampak ako sa lupa. Sobrang hinang hina. Kailangan ko ng umalis dito dahil kailangan na ako ng anak ko. Hindi ko siya pwedeng iwan doon sa hospital... ano ng gagawin ko?
And knowing na binili niya ako ng isang milyon ay hinding hindi ko matanggap! Napahagulgol na lang ako ng wala sa oras.
"Pleasee... pupuntahan ko lang ang mga anak ko..."pagmamakaawa ko. Hindi dapat ako nagmamakaawa sa kanya pero wala na akong magawa!
Naramdaman ko na lang ang sarili kong nakaangat na, binuhat niya pala ako sabay ipinasok sa kotse.
"Pagbibigyan kita sa ngayon, basta susundin mo lahat ng iuutos ko at wag na wag kang magtatangkang tumakas Luann. Iba ako magalit." Napatango na lang ako. Basta para sa mga anak ko.
Sinabi ko sa kanya ang hospital na pupuntahan. Buti na lang at tahimik lang siya at di nagtatanong, kasi paniguradong hindi ko kayang sagutin lahat ng tanong niya.
Ng makarating na kami ay agad akong tumakbo kung nasaan si Lara. Pagkapasok ko sa kwarto agad ko siyang nasilayan. Ganon pa rin ang kalagayan niya, kung paano ko siya iniwan hanggang sa dumating ako. May benda ang ulo niya at maraming hose na nakakabit sa kanya. Umaasa lang si Lara sa first aid ng mga doctor pero ang kailangan niya ay operahan.
Nagulat ako ng maramdaman ko ang hawak niya sa bewang ko. Hinapit niya ako at idinikit niya ang katawan ko sa katawan niya.
"Kaya ka ba sumali sa prositusiyon ay dahil kailangan mo ng pera para sa kanya?" hindi ako nakasagot. Napakagat ako ng labi ng maramdaman ko ang labi niya sa tenga ko. "Hayaan mo, ako ng bahala sa gagastusin mo pero dapat lahat ng iuutos ko ay susundin mo. Lahat ng gusto kong gawin ay hahayaan mo lang ako, hindi ka tututol." Nagpintig ang tenga ko. Kaya walang ano-ano ay itinulak ko siya ng buong lakas ko.
"Hindi ako bayarang babae!" singhal ko.
"Hindi nga ba? Ano palang ginagawa mo don? Wearing like that?"mapanginsulto niyang sabi. Sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Tinignan ko lang siya ng masama. Mapanginsulto, mayabang, mapang-asar pa rin siya tulad ng dati.
"Pikunin ka pa rin hanggang ngayon, Anghel ko."
Napapikit na lang ako at napaluha dahil sa paghalik niya sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
My Special Angel
Short Story"Kahit ilang beses ng nakagawa ng kasalanan, basta't mahal mo, patatawarin mo" MARY LUANN NOBLEZA ARCHIE BUENAVISTA