LAST CHAPTER
Archie's PoV
Paikot-ikot ako at pabalik-balik sa pwesto dahil hindi pa rin lumalabas ang doctor. Nagkagulo kami kanina sa reception dahil sa sigaw ng kasambahay. Agad akong nag-panick. Hindi ko alam ang pwede kong magawa kapag umaaray siya sa sakit ng tiyan. Gusto kong alisin yung sakit na nararamdaman niya pero hindi ko alam kung paano e.
Napatayo agad ako ng lumabas ang nurse
"kamus—"
"Sino po ang asawa? Manganganak na po siya.. Pakibilisan lang po." Pagkasabi non ay agad na akong tumakbo. Naririnig ko na sa pinto pa lang ang hiyaw ni Luann..
"Luann Im here na.."agad kong hawak sa kamay niya.
"A-archie.. hindi ko na kaya!... ang sakit sakit na! Ahhh!"
"Okay in the count of three. One!...."
"Lakasan mo ang loob mo..Angel.." naluluhang sabi ko.
"two!"
"Archie.. masakit na.."
"Three!"
"AHHHHH!
"Isa pa! One two three! Ire!" napahigpit ang pagkapit sa akin ni Luann. Sa sobrang kaba ko tanging nagawa ko na lang ay halikan siya sa pisngi. Sa ganoong paraan ko lang maipaparamdam na nasa tabi niya lang ako
"AHHHHH!"
Napalingon ako sa hawak ng doctor. Sobrang liit na baby at bakit parang hindi siya umiiyak?
"Bring the baby to the ICU now!"
Doon ako mas lalong kinabahan.. Nagkakagulo na ang mga nurse.
"Doc! Ano pong nangyayare?"nag-aalalang tanong ko.
"It's a premature baby... she needs to bring to the ICU.. Mahina ang kapit niya..kailangan pa ng matinding pag-aalaga..."
"But doc? How 'bout my wife?"
"Unstable pa siya.. need another test para sa isa pa niyang kalagayan. Paniguradong malaki ang epekto nito sa kalagayan niya."sabi ng doktor
"But She will be okay diba?"
"Just pray.. everything will be okay."
Napatingin ako kay Luann na nililinisan ng mga nurse...She fell asleep. Hindi ako binigyan ng eksaktong sagot ng doctor. Pero naniniwala akong magiging maayos lang ang magina ko.
Nagsipasukan naman ang mga magulang namin. Agad namang yumakap sa akin ang kambal ng umiiyak. Pati din sila nag-alala. Napaaga ang pagaanak ni Luann. Unexpected yung nangyari. Kulang pa sa buwan yung baby. At sa way ng pagsasalita ng doctor.. parang her life is at risk. Hindi ko yata yun kakayanin.
"Archie anak.. we can visit na raw yung baby.."sabi ni mommy. Tumango lang ako, pero hindi ako sumama. Walang magbabantay kay Luann e. Pinasama ko na rin ang dalawa kay mommy. Kaya naiwan kaming dalawa ni Luann.
Bumaling na ulit ang atensyon ko kay Luann. Nangingitim na mga labi, she looks fail. Rinig na rinig ko ang sunod-sunod nyang paghinga. I hope everything will be fine. Simula kanina, hindi pa siya gumigising pero ng makita ko ang paggalaw ng kamay niya at ang unti-unting pagdilat parang sumabog ang puso ko sa tuwa.
"Luann.. Im glad your awake!" masaya kong ani.
"A-asan yung baby?" tanong niya. I smiled.
"She's in the ICU"
"She's a girl?"
"Yeah..may pangalan ka na ba sa kanya?"
"Lychee Llavette... call her Lychee."
BINABASA MO ANG
My Special Angel
Short Story"Kahit ilang beses ng nakagawa ng kasalanan, basta't mahal mo, patatawarin mo" MARY LUANN NOBLEZA ARCHIE BUENAVISTA