CHAPTER 2
Luann's PoV
Takot na takot na ako at sobrang bilis na ng kalabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Masakit na ang mga paa ko kakatakbo dahil sa heels na suot suot ko, isama mo na rin ang maikling tube dress na suot suot ko.
Paggising ko ganito na ako. Alam ko ng hindi maganda ang patutunguhan nito. Naalala ko ang mga anak ko. Kailangan ko ng makaalis dito.
*Boogsh!
"Aww." napadaing ako dahil sa pagbagsak ko. Bwisit! Bakit Ngayon pa sumakit ang mga paa koo!!
"Luann?" Napaangat ako ng tingin sa taong nakabangga ko.
Nanlaki ang mata ko.. This can't be happening.. no.. no..
"Luann.. Angel.." lumayo ako ng lumayo ng subukan niya akong hawakan. Naluluha ako.. Bakit.. Bakit Nandito siya..
"Luann.."
"A-archie.." banggit ko sa pangalan niya.
Mas lalo akong Nagulat ng may magtayo sa akin sa pagkakasalampak.
"Ikaw na babae ka, pinahirapan mo pa kami sa kakahanap sayo...." si Madame Cassie.. Agad na nadagdagan ang takot ko. "Ahmm Sir. Magsisimula na ang event. Pumunta na po kayo sa loob" Sabi niya pa. Tumango lang si Archie saka tumalikod na.
"Ikaw na walang hiya ka! Tatakas ka pa! Nasa mga kamay na kita! Kaya hindi ka na makakatakas! Hayaan mo! Isang gabi lang ito Luann, Pagkatapos nito may isangdaang libo ka na. Pang opera sa anak mo." nakangising aniya.
Hindi ko na siya napigilan pa, dahil may dumating na kalalakihan na nagbuhat sa akin. Nanghihina ako, wala akong magawa, hindi ako makalaban.
Tinawag ko na lahat ng santo, anghel para tulungan akong makatakas dito. Kailangan na ako ng mga anak ko.
"Aww!" napadaing ako ng ihagis nila ako sa loob ng isang malaking hawla.
Hindi na makatarungan to! Ginagawa nila akong hayop!
"Pakawalan niyo ako dito! Mga hayop kayo! Mga wala kayong awa!" hiyaw ko pero nginisian lang ako ni Madame Cassie.
Niyakap ko na lang ang sarili ko. Mukang wala na akong pag-asang makatakas pa. Ngayon ko lang din napansin na may kasama rin pala ako. Nasa ibang hawla lang sila. Mga babae, puro sila babae.
Hindi ko Alam ang pinasok ko, wala akong ideya kung Anong meron sa lugar na ito. Pero Alam kong delikado dito.
Mayamaya gumalaw ang hawla pataas, Agad akong napakapit sa gilid. Anong nangyayari? San pupunta to?
"And This is our Cage #5 for tonight. Her name is Mary Luann Nobleza. 25 years of age."
Pagbaba ng hawla Saka ko nasilayan ang mga lalakeng nagkukumpulan sa gitna. Teka ano to? Ibebenta nila kami?
"Fresh na fresh to mga Fafa! Kaya hindi ko na patatagalin to. CAGE #5 IS NOW AVAILABLE!"
Tuloy tuloy na sa pagbagsak ang mga luha ko. Hindi.. ayaw ko Neto.. Pakawalan niyo na ako.. Hikbi ko sa isip ko.
"20,000"
"30,000"
"Aba bentang benta si Cage #5 ha?"
"100,000"
"Wow!"
Wala akong ibang magawa kundi ang pakinggan sila. Kung paano nila ako bigyan ng Presyo. Mauuulit na naman ba? Saka nahagip ng mata ko ang buong buhay kong kinasusuklaman. Nagtagpo ang nga Mata namin. Bumalik sa isipan ko kung paano niya ako binaboy, pinahirapan ng paulit-ulit.
"500,000" Napatingin ako sa matandang lalake.
No, hindi sa kanya.. Lord Help me pleaseee I'm begging you! Lalo lang lumakas ang pagiyak ko.
"Wala na bang hahabol? Counting once... twice---
"1 million!"
napaangat ako ng tingin. Namataan kong Napatingin sa akin si Archie. Pero Teka 1 million?
"Woah! Mr. Archie Buenavista! May hahabol pa ba? Magbibilang na ako! Counting once! .... twice.... THRICEE... CAGE #5 HAS BEEN SOLD!"
NO! HINDI! HINDI!!!!!
BINABASA MO ANG
My Special Angel
Short Story"Kahit ilang beses ng nakagawa ng kasalanan, basta't mahal mo, patatawarin mo" MARY LUANN NOBLEZA ARCHIE BUENAVISTA