CHAPTER 14
Archie's PoV
"May butas po ang puso niya, Mr. Buenavista. Malala na ang kalagayan niya. Tulad ng sinabi mo ay nakaranas siya ng iba-ibang emosyon kaya inatake na siya. Bawal siya ng mabibigat na emosyon, bawal masyadong malungkot, hindi siya pwedeng magalit, kahit matakot, at kahit na rin po ang sobrang maging masaya. Iwasan po natin siyang mapagod kung maaari lang. And plus she's 2 weeks pregnant. Delikado ang lagay nilang dalawa.... At hindi po ako Diyos para bigyan ng oras at araw kung kailan siya mawawala... Pero ihanda niyo lang po ang sarili niyo sa kung ano man ang pwedeng mangyari...."
Napaupo ako sa bench ng hospital dahil hindi ko na kinaya ang sinabi ng doctor.
No, no, this can't be happening.. hindi maaari ito. Bakit siya pa ang kailangang makaranas pa ng ganito? Bakit hindi na lang ako? Bakit siya pa?!
"Arghhh! Arghh!"pinagsusuntok ko na ang pader nitong hospital pero hindi ako nasasaktan sa pagsuntok, nasasaktan ako sa nangyayare kay Luann.
Kasalanan ko to.. dapat hindi ko siya sinaktan, kung hindi ko lang siya pinahirapan, kung hindi ko lang siya iniwan.. ARGHH!
"Papa!" napatingin ako sa dalawang bata na tumatakbo palapit sa akin.
Kung sana hinayaan kong magkita ang mag-iina.
Tatlong araw na simula ng makalabas na si Lara sa hospital. It should be my surprise for Luann.. pero nangyari ito. This is really my fault!
"Bakit niyo po sinasaktan ang sarili niyo?" tanong naman ni Lara
Napayakap na lang ako sa kambal.
Simula ng malaman kong may anak si Luann. Agad kong pina-DNA ang dalawa, lumabas na positive kaya sobrang saya ko. Kaya ginawa ko lahat para mapunan ko ang pagkukulang ko sa kanila. Hindi ko sila pinakita kay Luann kasi gusto kong ako naman ang makilala nila. Masisisi niyo ba ako? Gusto kong magka-anak ako, sa babaeng mahal ko.
Lahat ng pag-aari ko para sa kanila ito. Sinikap kung magkaroon ng bahay, kompanya, kotse, lahat ng bagay pinaghirapan kong makuha at nagtagumpay ako. Isa na lang ang wala ako. Si Luann na lang. Buong buhay ko sa kanya lang umikot. HInanap ko siya sa kung saang lupalop siya naroroon.
At ng malaman kong nandoon siya sa event na hindi ko alam kung anong tawag doon. Ang tanging alam ko lang ay nagbebenta sila ng mga prostitute. Kaya agad akong pumunta doon. Natakot ako sa ideyang bentahan iyon ng mga babae, at baka makuha na siya ng iba. Kahit hindi ko alam ang takbo ng event. Basta gagawin ko lahat makuha ko lang ulit siya.
Kung nagalit ako? Oo nagalit ako. Yung itinago niya sa akin na may anak kami. Sa unang araw na nagkita kami may oras siyang sabihin na may anak kami pero hindi niya ginawa. Pero di ko sya masisisi, may galit siya sa akin.
"Archie! Archie!" napatingin ako sa tumawag. Ang parents ni Luann at ang parents ko. "Where's my daughter?! O my God! Ang anak ko nasaan na siya?!"
"Hon, calm down" sabi naman ng asawa niya.
"Anak are you okay? What happen?"its my mom. Tumango lang ako.
Pumasok kami sa kwarto kung nasaan si Luann. Agad akong nasaktan sa dami ng mga tubong nakasalaksak sa kanya. Hindi dapat nangyayari sa kanya ito e!
"O my God,Luann!" naiiyak na sabi ng mommy niya. "Hon kasalanan ko ito e.. kung hindi ko lang itinakwil ang anak natin e.. Kung sana binigyan ko siya ng second chance.. Hindi sana ito mangyayari sa kanya!" hagulgol ng mommy nya.
"What happen ba? Arhie?" tanong naman ni mommy.
SInabi ko sa kanila lahat ng sinabi ng doctor.Unti unti na namang pumapatak ang luha ko..
"Are they my apo?" napatingin ako sa daddy ni Luann. Nakatingin sila sa dalawaang bata sa tabi ni Luann. Tumango na lang ako.
"Ikaw ang ama?"
"O-po"
"Ikaw pala ang nakabuntis sa kanya? So saan kayo nanirahan? Maayos naman ba ang buhay niyo?" agad akong kinabahan sa tanong niya. Napalunok ako ng sunodsunod bago nakasagot.
"Hindi po.. two months pa lang po kaming nagkakasama.." nakayuko kong tanong.
"WHAT?!" malakas na boses na sabi ng mommy niya.
"Shh—baka magising po ang mama ko." Napalingon naman ako kay Lander. Napangiti na lang ako ng walang sa oras.. Lander love's his mother too much. Sa aming dalawa, siguro mas lamang ang pagmamahal niya kay Luann. Sa ilang buwang nagkasama kami ang bukang bibig niya lang ay si Luann.
Hindi naman mahirap mahalin si Luann. She maybe looks like a spoiled bratt, a maarte one, mataray, pero only barkada knows kung gaano siya kakulit kapag kami-kami lang.
Napangiti na lang ako sa mga ala-alaala kasama si Luann.
"Luann already has a history of sakit sa puso when she was 6 years old. I thought magaling na siya, pero bakit bumalik na naman ? Ohh poor Mary huhuhu.." usal ng mommy niya.
"Papa.. punta po tayo sa Chapel.. Ipagdasal po natin si Mama. Ganon po kasi ang ginawa namin para gumaling si Lara. Sabi ni Mama magdadasal tayo kapag may hihilingin tayo kay Papa God." Sabi ni Lander.
Tumango na lang ako at lumabas kaming tatlo sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
My Special Angel
Short Story"Kahit ilang beses ng nakagawa ng kasalanan, basta't mahal mo, patatawarin mo" MARY LUANN NOBLEZA ARCHIE BUENAVISTA