IKA-SIYAM

110 2 0
                                    


CHAPTER 9

Luann's PoV

Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan. Pagkatapos ng nangyari kanina ay sabi niya mayroon pa siyang sorpresa. Pero hindi ko naman inaasahan na makikita ko na ang mga anak ko. Ito pala yung sorpresang sinasabi niya.

Buo na ang araw ko.

"Mama, kamusta ka na po?' tanong ni Lander sa akin.

"Okay lang ako, masaya ako dahil nakita ko na ulit kayo."

"Mama ako po nagbabantay kay Lara! Pag-uuwi po ako galing school, dito na po ako dumideretso. Tsaka din po achiever din ako sa school! Si Lara meron dapat kaso madami siya absent"

Napangiti na lang ako. Napatingin ako kay Lara na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa kama ng hospital na ito.

'God, hihiling po ako ngayon sa araw ng birthday ko. Sana po magising na si Lara.'

"Ayos lang yan! Babawi yan paggising niya." Nakangiting ani ko.

Maya't maya ang pagtingin ko sa pinto. Umalis kasi si Archie at hindi ko alam kung saan siya pumunta. Napangiti na naman ako sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

Nung nasa amusement park kami, lahat ng rides sinakyan namin. Tila bumalik kami sa pagkabata. College days. Sa oras na yun naging magaan ang loob ko sa kanya. Nagmukha kaming mag-girlfriend at boyfriend sa kilos naming kanina.

Akala ko nga doon na magtatapos ang araw. Hanggang sa dalhin niya ako sa hospital. Pero hanggang ngayon kahit isang thank you, wala pa akong nasasabi.

"Mama, nauuhaw po ako."

"Hmm, sige. Dito ka lang muna ha? Bibili ako sa labas"

Umalis na ako at lumabas ng hospital. Nagpalinga linga ako sa paligid kung saan may tindahan na mabibilihan ng tubig at ng makakakain ng biglang..

*BOGSH!

"Aww" daing ko. Natumba kasi ako at ang sakit sa pwet..

"Sorry mis—Luann?"

Napaangat ako ng tingin. And there I saw Justine.

"Justine." Usal ko sa pangalan niya.

"Luann.. sorry ,sorry" aniya sabay tulong sa akin tumayo.

Justine, kabarkada ko noon, my first love, my ex. Naalala kong baliw na baliw pala ako sa kanya noon. Parang sa kanya na umikot ang mundo ko. Akala ko talaga noon, kami na hanggang dulo. Perfect couple na nga raw kasi kami. Pero sa kabila ng pagiging perfect akala ko ako lang. May isa pa pala. Nasira ang buhay ko, akala mo nagka-earthquake, pero sa lindol na yun ako lang ang nasira, ako lang ang naperwisyo, ako lang ang nasalanta.

"Ayos lang" nakangiting ani ko.

Syempre an ex will always be an ex, never be friends magiging strangers na lang.

"Mauna na ako" dagdag ko pa.

Pero bago umalis symepre bumili muna ako ng tumibig, at umakyat na sa kwarto ni Lara.

Saka ko naabutan si Archie, pero wala si Lander. Asan yun?

"Asan na si Lander?" takang tanong ko. Pero wala siyang naisagot, bagkus ay tinignan niya lang ako at dahan dahang lumapit.

"Archie?"

Sa paglapit niya, sinunggaban niya ako ng halik. Marahas, masakit, kaya nagpupumiglas ako. Inilayo ko ang mukha ko sa kanya. Hingal na hingal akong napatingin sa kanya.

"Uuwi na tayo" malamig niyang aniya.

"T-teka asan si Lander?"

"Uuwi na tayo" paguulit niya.

Mahigpit niya akong hinawakan sa wrist at marahas na hinila palabas sa hospital.

Sumiklab ang kabang nararamdaman ko. Ramdam ko ang galit sa higpit ng hawak niya. Ipinasok nya ako sa frontseat ng kotse at nagdrive sa di ko alam kung saan papunta.

Medyo madilim na ang lugar. Sobrang kaba at takot na naman ang nararamdaman ko. Nawala na ito kanina e. Bakit parang bumalik siya sa pagiging demonyo?

Teka anong lugar na ito? Malayo na to sa siyudad. Napatingin ako kay Archie na masama ang tingin sa daan. Namataan ko na lang ang kotseng dinadrive niya papasok sa mga punong kahoy, sa gubat.

"A-archie nasaan na tayo?" kinakabahang tanong ko.

"Sabihin mo, bakit ayaw mong magpahalik?" iritadong tanong niya.

"Nasasaktan kasi ako.."

"O baka dahil kay Justine? Tell me Luann? May gusto ka pa ba don?"

"W-wala!" anas ko.

"Pero kung maka-ngiti ka parang kayo pa. Ano ka? Nagdadalaga?!"napapikit ako sa pagsigaw niya. "Pumunta ka sa likod!" sigaw niya pa ulit.

Sa takot ko ay agad akong napalabas sa kotse. At sa kamalas-malasan pa nadapa pa ako. Nakita ko na lang ang tuhod kong nagdudugo. Napaiyak ako sa hapdi. Pumasok na lang ako sa backseat. Inaalis ko ang mga tumutulong dugo sa tuhod ko ng pumasok si Archie habang naghuhubad ng damit.

My Special AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon