Chapter One

130K 3.8K 1K
                                    

Akin lang

Ave Maria Consunji's

"Thirty – six hours of duty. I'm so tired."

"Ako. Ito, maganda pa rin."

I looked at Rocheta Grace Emilio – Consunji. Pareho kaming nasa nurse station 1 sa second floor at naghihintay ng sundo. Susunduin siya ni Oliver, iyong pinsan ko, tapos ako susunduin ni Daddy kasi may pupuntahan daw kaming dalawa. Hindi naman na ako nagtanong, for all I know, magpapasama lang si Dad sa akin sa CLPH para mag-golf. I really think that I deserve a break after the thirty-six hour duty. So, I just waited for Dad but like always, late ang Daddy, nauna pang dumating si Oliver.

"Good morning, Ganda." Agad na bati niya kay Etang. Na-imagine ko namang pumalakpak ang tainga ni Etang nang marinig iyon, Yumakap siya kay Ollie tapos saglit silang nag-kiss sa harapan ko. Nalukot ang ilong ko.

It's nice to fall in love pero ang kadiri lang noong sobrang PDA.

"Nasaan si Atlas?" Etang asked.

"Nasa kotse. Hatid muna natin siya sa school bago kita iuwi. Hello, Ave, how's wellness?"

"Heto, mataba pa rin. Cookies ba iyan?" I asked him. Ibinigay niya na lang iyon basta sa akin. Nagpaalam na silang umalis pagkatapos ay kumaway na lang sa akin, I ate the cookies. Ang sarap talagang magluto ni Oliver! Naghintay ulit ako. Ang tagal talaga ni Daddy. Sa sobrang tagal niya, dumating na si Sariel – iyong anak ni Uncle Gab, para kuhanin iyong mga patay sa morgue. May funeral parlor kasi siya at siya mismo ang nag-e-embalsamo ng mga patay roon. '

"Hi, Ave! May chocolates ako, you want?" She asked me. Napatango ako. Agad naman niyang ibinigay iyon sa akin. "Sinong hinihintay mo?" Tanong niya pa.


"Si Daddy. Kamusta na si Uncle Gab?" I asked habang nilalantakan iyong cookies ni Ollie.

"Okay naman siya, Medyo stressed lang siya kay Kuya kasi kagabi, nag-announce siya na may eight-year old daughter na pala siya. We were so surprised. Siguro kaya hindi rin natuloy ang kasal nila ni Saina, kasi nga may anak na siya. We want to mee the kid pero hindi pa yata sila ready." Nagkibit – balikat lang siya. Nabuga ko sa kanya iyong maliliit na parts ng cookies.

"Ave!" Napasigaw siya. "Ano ba?!"

"May anak na si Kuya Gab?! Luhhh! Chika iyan!" Sinubo ko iyong natitirang cookies saka inilabas ang phone ko. May Chat group kasi kami ng mga pinsan kong mahilig rin sa chika. Sa chat group na iyon naroon si Pan, Dyosa Santa, Mazikeen, Haley tapos si Violet. Nag-chat agad ako.

Me: May chika ako!

Pan: What's your chika ba? I'm like so excited with seven yes! yes! yes! yes! yes! yes! yes! in the dulo. Spill na!

Hals: What is it? So bored here in the charity event.

Violet: Dali na. Maglilinis pa ako ng kitchen counter.

Me: May junakis na si Kuya Gab?!

Pan: Tang ina? Like OMG?!

Hals: Really! That's interesting!

Mazikeen: Sinong ina?!

Me: Hindi ko alam pero ang tindi ng chika ko! Aalamin ko, nandito si Sariel!

Pan: Hey ladies, Towhtowh and I had sex earlier! We tried the nakatayo sa bathroom position and it's so sarap!

Violet: Kaya nga ako maglilinis ng kitchen counter, si Rigor kasi. Marupok pa naman ako.

Tell me you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon