Miracle
Ave Maria's
One month later...
"Still no progress?"
I was talking to Tyrone's doctors. Marami sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isang buwan na siyang ganito. Araw – araw akong nandito sa ospital, binabatanyan siya, umaasa na maririnig niya ang mga salitang palagi kong binibitiwan sa kanya – no, that's not I love you – although the last time we talked, he asked me if I can say it to him. Gusto ko, kaya lang hindi sa ganitong paraan.
Ree Emilio smiled at me. "He's gonna be okay. We have to wait, Ave. We are doing our best." Pinipigilan ko na lang umiyak.
Sa mga nakaraang linggo ay sumailalim si Tyrone sa apat na operasyon, mayroon para sa mga buto niya at ang tatlong sumunod ay sa ulo niya at sa spinal area. He was badly hurt. It was obvious that the one who did it, really wanted him dead – hindi nga siya, ako, he just took me away from the area, kung siguro, ako ito, hindi ko na kakayanin baka nawala nang nanay si JT.
Speaking of JT. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang tungkol kay Tyrone. Hindi ko kayang makita masaktan siya. Ngayon niya palang na-experience ang magkaroon ng tatay, halos iilang panahon pa lang silang nagkakasama pero nangyari naman ito. I want him to be okay. I don't want to risk his heart, it's too sad.
Noong nakaraang linggo niya pa tinatanong sa akin ang tatay niya. Hindi ko naman masagot. Kung medyo bata pa siguro si JT ay madali kong maipapaliwanag sa kanya ang nagaganap kaya lang, may isip na si JT, he's turning thirteen next month. Gusto ko mang sabihin ay ayoko naman siyang masaktan.
"Miracles, Ave, keep on praying."
"It's been a month. Ano pa bang miracle ang hinihintay natin?" I asked her. Doctor ako at alam ko kung anong consequences ng mga ito. The machines are only prolonging his life, hindi naman ibig sabihin noon na gumagaling siya. He's stable, he's breathing, he's hard is beating – there is still brain activity but it's getting weaker by the days. Natatakot ako. Halos isang dekada kaming magkahiwalat ni Tyron and right now, I am regretting the days we are apart, gusto kong makasama niya si JT, gusto kong magkaroon sila ng pagkakataong dalawa.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi ko inaasahang lahat ng sinabi kong ayokong gawin noon ay kakainin ko ngayon, tama nga ang sinabing nasa huli palagi ang pagsisisi dahil sising – sisi akong hindi ko siya kinausap nang maayos noong huli kaming nagkita. If I only know...
"Hangga't may brain activity, Ave, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. You know that. Doctor ka rin. I have to go, Dondon and I are meeting for lunch. I will see you later." Nag-beso sa akin si Ree pagkatapos ay umalis na siya. Ako naman ay bumalik sa ICU at naupo sa silya na malapit sa kama niya.
"Mahab na naman ang kuko mo, Tyron." Tumawa ako at kinuha ang nail cutter. "Gugupitan ko ha. Mamaya siguro nandito na ang Tatay mo. Umuwi ka na. Miss ka na niya."
Tyron had grown a beard. Gumaling na ang mga bruises niya, although may mga benda – benda pa rin siya sa ulo. Nakakaawa siya. Ang laki na rin ng ibinagsak ng katawan niya. Siguro kung magigising siya, hinang – hina na siya ngayon. I sighed again.
Ilang araw pa ang lumipad, pabalik – balik ko sa ospital. Kung minsan ay doon na nga ako natutuloh. Si Dyosa, dumadalaw rin pero tuwing ginagawa niya ay nakakarinig talaga ako. I swear, kaunti na lang mag-aaway na kaming dalawa. Palagi ko na lang siyang pinagbibigyan at pinagpapasensyahan.
"Ma, hindi pa rin ako dinadalaw ni Tatay. Bakit?" JT and I were having dinner that evening. It's been really hard for me to smile at him. Kung minsan ay naiisip ko nang dalhin siya sa ospital para sabihin sa kanya ang totoo, gusto ko na rin siyang ipakilala sa Lolo niya. Hindi ko naman kasi alam kung may balak pa bang gumising si Tyron. Malapit na rin akong magalit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tell me you love me
General FictionAll Ave Maria wants is to love and be loved at naranasan niya ito sa piling ni Tyrone. She thought that everything is perfect between them, walang kaso sa kanya kung hindi ito sing yaman ng pamilya niya, dahil mas mahalaga ang pagmamahalan nila. Pe...