Elevator
Ave Maria's
"YOU have to make the call."
I was looking at Pan. My hands were still shaking as Pan hands me her phone. Nababasa ko sa screen ang pangalan ni Mama pero hindi ko makuhang hawakan iyon. Natatakot ako.I looked back and saw Papa inside the ICU. Maraming nakakabit sa kanyang kable. Natatakot ako talaga. I never thought na dito kami magkikita ni Papa.
I was thinking of coming home. Tapos, sa living area, naroon siya, si Mama, si Dyosa at si Arkanghel. We'll have a little family reunion but not like this.
"Call, Tita Danelle, Ave. She has to know. Uncle Javi is like mamamatay na."
"Hey!" I yelled. "That's not gonna happen!" I wiped my tears. Muli kong sinilip si Papa. Critical ang condition niya. Maraming nawalang dugo sa kanya pagkatapos malakas ang naging impact ng ulo niyang tumama sa kung saan. Bugbog na bugbog ang buong katawan niya at may bali rin siya s binti. Iyong driver ni Papa, patay. Siya talaga ang nag-suffer ng pagbangga dahil siya ang nasa harapan.
Ayon sa reports. Nabagsakan daw ng mga kahoy ang kotse ni Papa. They were travelling on the hiway at may kasabay silang ten-wheeler truck na puro kahoy ang nasa likod. Hindi ko na inalam ang nangyari dahil iyong nai-imagine ko ibang – iba. Naririnig ko lang silang nagkukwento sa akin ay hindi na ako mapakali. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.
"Call her na, I'll make sabunot your bulbol! God, Ave! It's been thirteen years! Have the guts to finally come home! They won't judge you for your mistakes! The important thing is that you stood on your own two feet and that you raised JT on your own no matter how hard it is! Make the fucking call!" Napatingin ako sa mga tao dahil napalakas na ang boses ni Pan. Nanlalaki na ang mga mata niya sa akin at may pakiramdam akong sasabog na ang eyeballs niya.
"Putang ina! Call na!" Again, Pan yelled. Wala akong nagawa kundi kunin ang phone niya at pindutin ang call button. Hindi naman nagtagal ay sumagot na si Mama. Naiyak agada ko nang marinig ko ang boses niya. Hindi ako makapagsalita. I was feeling so overwhelmed habang si Mama ay hello nang hello sa kabilang linya.
Nakakausap ko naman siya pero hindi ko lang alam talaga kung paano babaliin sa kanya ang balitang naaksidente si Papa.
"Pan? Hello? Pan..."
"Ma..." Nabasag ang boses ko. Natigilan naman siya. "Ave... Ave? Anak, magkasama kayo ni Pan?"
"That doesn't matter, Ma? Are you sitting down? Who's with you?" Sunod – sunod na tanong ko. "Ave, what is happening? Are you okay? Gina is with me. What's wrong?"
"Ma, si Papa, he was in an accident." Natagpuan ko ang boses. "Nandito siya sa isang public hospital sa San Miguel Bulacan. Please come here. Make sure na may kasama ka. I will wait for you."
Hindi ko na hinintay iyong isasagot ni Mama. Tinapos ko ang tawag. Pan took the phone.
"See? That wasn't so bad." Sabi pa ni Pan. "Ako ang susunod kay JT. You stay here with Uncle Javi. He's gonna be okay."Iniwanan na ako ni Pan. Uwian naman na kasi ni JT at baka maghintay nang matagal ang anak ko. Mainipin pa naman iyon. Minsang hindi ko nasundo agad, naglakad na siya pauwi nang bahay. Buti nga at nakauwi siya agad, iyon nga lang, nawala ang lunch box at sapatos niya. Hindi ko naman pinagalitan. Pinagsabihan ko lang na h'wag na niyang gagawin iyon at baka mapahamak siya.
Mabait naman si JT. Makulit lang siya madalas.
Nagsuot ako ng lab gown at ng face mask para makapasok sa loob ng ICU. I sat on that chair while holding Papa's hand. Iyak ako nang iyak. Awang – awa ako sa kanya. Kahit talag kailan ay hindi maiiwasan ang isang aksidente pero bakit sa kanya pa? He is a good man. May hindi lang talaga kami pagkakaintindihan pero mabait ang Papa. Sobrang bait niya sa aming magkakapatid.
BINABASA MO ANG
Tell me you love me
General FictionAll Ave Maria wants is to love and be loved at naranasan niya ito sa piling ni Tyrone. She thought that everything is perfect between them, walang kaso sa kanya kung hindi ito sing yaman ng pamilya niya, dahil mas mahalaga ang pagmamahalan nila. Pe...