Congrats!
Ave Maria's
"ME, bakit nandito tayo? Hindi kasi ako sinasagot ni Uncle Toto kung bakit nandito tayo ngayon sa Metro. Diba ayaw mo dito?"
Naglalakad kami ni JT paakyat ng fourth floor. Ayoko nang gumamit ng elevator kasi baka kung sino na naman ang masalubong o makita ko roon. Nakaakbay ako kay JT. Kaninang tanghali ay pinakiusapan ko si Toto na ihatid dito ang anak ko. Nag-text na rin ako sa mga teachers niya tungkol sa hindimuna pagpasok ni JT sa school. Siguro mga one week munang dito kami sa Metro – o hangga't hindi maayos ang Papa ay hindi muna ako aalis. Thirteen years ang babawiin ko sa kanya. Thirteen years iyon at napakalaking bagay noon para sa akin.
"May ipakikilala ako sa'yo." Instead of answering his question, I said that. Halos magkasing – tangkad na kami ni JT. Lumalaki na talaga siya at baka sa mga susunod na panahon ay mas matangkad pa siya sa akin – baka nga ako na ang buhatin niya – kung makakaya niya.
Napahinto siya sa paglakad.
"May boyfriend ka na, Mame?" Tanong niya. Kitang – kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. "Me, I know I said things before, totoo iyon, okay lang sa akin iyon, sana lang h'wag mo akong ipamigay."
"Anak, ano ba?" Natatawang hinaplos ko ang pisngi niya tapos ay ginulo ko ang buhok niya. "Hindi kita ipamimigay. Kung ano-anong sinasabi mo."
"Ganoon kasi iyong mga napapanood namin ni Mamang sa Tulfo." Mahinang wika niya. Natawa na naman ako.
"Anak siguro kailangan mong makipaglaro sa mga kaedadad mong mga bata, hindi iyong si Mamang Luisa at si Don Paeng ang kasakasama mo kapag weekend."
"Kalaro ko rin naman po sila Kuya Henry doon sa farm."
"Still, hindi na sila twelve years old. Just play with our cousins."
"Me, baka maging bakla ako kapag sila Karisa ang kalaro ko. Palagi silang nagme-make up. Si Cedie naman po mas gustong sundan si Ninang Sarah. Nakakahiya naman po kung susundan ko rin siya." Napapakamot pa ng ulo ang anak ko.
"Ang cute mo!" Pinanggigilan ko ang pisngi niya. "Basta maghahanap na lang tayo ng kalaro mo dito, iyong kasing edad mo." I said to him. I was thinking of Kairos' and Alejandros' sons. Halos kasing edad sila ni JT. Ipapakilala ko si JT sa kanila para naman maging playmates sila.
"Me, boyfriend mo nga iyong papakilala mo? Kapag nagboyfriend ka na, baka naman pwede na akong manligaw." Humigpit bigla ang hawak ko sa kamay ni JT at agad ko siyang hinarap. Hindi lingid sa akin iyong mga love letters na natatanggap niya at palagi kong nakikitang nakalagay na sa basurahan pero hindi ibig sabihin na hindi ako nagsasalita, bongga na lang ang lahat. Dose anyos pa lang siya, ako nga na-virginan ng tatay niya magte-trenta na ako tapos siya sasabihin niya sa akin na manaliligaw siya at the age of twelve.
"Daganan kaya kita, gusto mo?" I hissed at him. Ngumiti siya.
"I love you, Mame.""I love you, too, anak. Aral muna bago landi ha."
"Opo. Gusto kong maging sikat na mekaniko, iyong nag-aayos ng mga formula 1 cars, Me." Wika niya pa. Napapabuntong – hininga ako. Hindi maitatangging anak siya ng tatay niya, ang hilig magkumpuni, lahat napapakialaman kaya natatakot ako na kapag dumating na siya sa tamang edad pati babae mapakialaman niya at maaga siya makabuntis.
H'wag naman sana. Pakiramdam ko naman sinasabihan rin siya nila Fonso.
Nakarating na kami sa fourth floor. Nasa family lounge ang pamilya ko. Masayang – masaya si Mama kasi naigalaw ni Papa kanina ang mga kamay niya. Sabi ni Mig, sign na daw iyon ng pagiging okay ni Papa. I also know that he's gonna be okay. Kapag kinakausap ko siya paulit – ulit kong sinasabi na may apong naghihintay sa kanya, lalaki, tapos kapangalan niya. Coma patients can hear, so I know that Papa is fighting, para na rin makilala niya si JT.
BINABASA MO ANG
Tell me you love me
General FictionAll Ave Maria wants is to love and be loved at naranasan niya ito sa piling ni Tyrone. She thought that everything is perfect between them, walang kaso sa kanya kung hindi ito sing yaman ng pamilya niya, dahil mas mahalaga ang pagmamahalan nila. Pe...