Last time
Ave Maria's
"Javier Tristan, mag-usap tayo."
Pumasok ako sa silid na tinutulugan ni JT. Hindi ko na kasi siya nakausap mula nang umalis si Tyron. Doon sa hapunan kanina, hindi niya rin ako masyadng napapansin, palagi kasing si Papa ang kausap niya. Wala namang kaso sa akin iyon kaya lang gusto ko siyang makausap ngayon dahil sa inasal niya kanina habang kaharap si Arkanghel. Iyong sinabi niyang ayokong maging masaya siya, ako pa talaga ang naging problema? Naiisip kong kung ano-ano ang tinuturo ni Tyron sa anak ko. Hindi ko na talaga pasasamahin si JT sa kanya – lalo na kung wala itong kasamang ibang tao. Kung papayagan ko man si JT, sisiguruhin kong may kasama siyang yaya.
"Mame, ang yaman – yaman mo pala. Bakit sabi ni Lolo umalis ka noon?" Tanong niya sa akin. Naupo naman ako sa tabi niya. Nagbabasa siya noong manual noong lego na binili ni Papa sa kanya. Naipag-shopping na siya ni Mama kahapon, tuwang – tuwa siya pero napu-frustrate siya kasi hindi daw mahilig magturo si JT. Mas gusto daw nitong maghanap ng makakainan kaysa ang mamili ng damit. Pero noong dinala nila ni Papa sa bilihan ng laruan ay parang hilong – talilong daw ang anak ko.
Noong nakaraang hiniram siya ni Tyron ay naibili na rin niya ito ng laruan. Ayoko ng asana pero sinabihan ako ni Mama na pabayaan ko si Tyron na gawin ang kahit na anong gusto nito dahil anak rin naman nito si JT. Hindi na ako kumibo. Ang hindi ko lang matanggap ay iyong katotohanan na sinabi niya iyon sa anak ko.
"Anak, h'wag mong pakinggan lahat ng sinasabi ng Tatay mo. Hindi totoong ayokong maging masaya ka." Sabi ko kaagad. Tinigilan niya ang pagbabasa at tiningnan ako. He has wide brown eyes. Punong – puno ng kainosentahan ang mata ng anak ko.
"Wala naman po siyang sinabing ganoon, Mame." Wika niya. Kumunot ang noo ko. "Ika'y napag-uusapan namin, pero wala naman siyang sinasabing masama patungkol sa'yo."
Ilang beses kong napakurap. Ginulo ko ang buhok ni JT.
"Ang sabi lang ni Tatay sising-sisi siya. Totoo daw palang nasa huli ang pagsisisi. Sabi ko sa kanya, bakit hindi ka niya ligawan? Nililigawan ka daw niya, Me, kaya lang binalik mo ang mga bigay niya tapos ayaw mo siyang kausapin. He said that he's scared that if insists, he'll hurt you again."Hindi ako nakakibo. "Sinabi niya iyon?"
"Oo, Mame. Hindi ko naman alam kung anong hurt iyon, pero diba kapag ang tao nasaktan, iiyak, magagalit pero darating din naman iyong panahon na kakailanganing magpatawad."
JT is indeed very mature for his age. "Sino namang nagsabi niyan sa'yo?"
"Si Mamang. Kasi kapag nanonood kami ng Tulfo, tinatanong niya sa akin kung anong lesson learned ko sa isang episode. Minsan hindi ako nakinig, sinabi niya na tungkol daw sa forgiveness iyon."
Ngumiti na lang ako. Hinalikan ko siya sa noo at pinatulog na. Nang mahimbing na si JT ay lumabas na ako ng silid niya. Kakausapin ko si Papa. Hindi pa kami nakakapag- one on one mula nang makauwi ako rito. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kanya sa mga nasabi at ginawa ko noon.
Nasa private office niya si Papa kaya doon ako nagpunta, nakaawang ang pinto, papasok sana ako nang marinig ko ang boses ni Arkanghel. Nagpapaalam siya kay Papa. Hindi naman ako agad pumasok doon. Ayoko muna kasi sanang makausap ang kapatid ko, naiinis ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa akin kanina.
Palayo na ako nang tawagin niya ako. Wala akong nagawa kundi ang lumapit kay Arkanghel.
"Kakausap mo si Papa?" He asked me. "Nasa loob sila ni Mama."
BINABASA MO ANG
Tell me you love me
General FictionAll Ave Maria wants is to love and be loved at naranasan niya ito sa piling ni Tyrone. She thought that everything is perfect between them, walang kaso sa kanya kung hindi ito sing yaman ng pamilya niya, dahil mas mahalaga ang pagmamahalan nila. Pe...