Chapter Four

75.9K 3.7K 630
                                    

Gala

Tyron Jaime Crisostomo's

"Hinga po nang malalim."

Kanina ko pa tinitingnan si Doctora Ave Maria Consunji. Kanina pa kasi niya inaasikaso si Nanay. Hindi ko alam kung pagkatapos ba nito ay kakausapin niya ako dahil nga sa nangyari kaninang umaga pero handa naman akong makipag-usap sa kanya. Hindi ko lang talaga inaasahan na siya ang unang makikita ko pagpasok na pagpasok ko sa bahay namin.

Alas sais nang umaga nang makarating ako dito sa compound. Bago ko pa puntahan si Nanay ay kinausap ko ang mga ka-tropa ko at nagtanong ako kung may kakaibang nangyari dito habang wala ako. Wala naman daw silang alam. Noong masiguro kong hindi na pinabalik ni Senyora Gracita ang mga tao niya ay nakahinga na ako nang maluwag. Kailangan kong masigurong hindi na sila mangugulo at nakaisip ako ng paraan para makuha nang tuluyan ang lupa ng compound na hindi ko kailangan sundin si Senyora Gracita at ang kaibigan niyang si Aleja.

Mabait naman si Aleja kaya lang gusto niya akong ikulong sa bahay niya, sa loob ng kwarto niya at mag-sex maya't-maya. Hindi ko naman gusto ang buhay na iyon. Matagal ko nang iniwan ang buhay na iyon.

Noong college ako, ginagawa ko iyon. Ayokong manghingi ng pera sa Tatayt ko kaya iyong maliliit na bagay na kayang-kayang tustusan sa paraang iyon, ako na lang ang gumagawa ng paraan.

Naka-graduate ako. Dean's lister ako at oo, hindi ako proud sa mga bagay na ginawa ko noon pero ginawa koi yon dahil kailangan ko. Dahil tuwing hihingi si Nanay ng pera sa pamilya ng tatay ko, ipinamumukha nila iyon sa amin na para bang kasalanan kong nabuhay ako sa mundong ito. Tanggap kong hindi nila ako matatanggap kahit kailan, tatay ko nga hindi ako matingnan sa mga mata, iyong iba pa kaya sa kanila?

Pero alam ko na ang gagawin ko. Kung tuso si Senyora Gracita ay mas tuso ako. Sa pagkakataing ito, sisiguruhin kong huling beses na nilang maipananakot sa akin ang compound. Makukuha ko ang titulo ng lupa at maipapangalan iyon sa akin o sa kahit na sino rito basta mawalan lang si Senyora Gracita ng karapatan sa kahit na anong mayroon dito.

Huminga ako nang malalim at muling tiningnan si Doctora Ave Maria Consunji. Hindi ako makapaniwalang doctor pala ang babaeng sumampal sa akin dahil sa hiniwaan ko ang steak niya, hindi rin ako makapaniwala na mabuti siyang tao dahil heto siya kahit hindi niya personal na kilala ang nanay ko ay nagawa niya pa ring matulog rito para bantayan si Nanay. Natuwa ako bigla sa kanya.

Laking gulat ko talaga nang makita siyang nakahiga sa sofa namin at tulog na tulog. Akala ko nga malaking unan. Mukha kasing tela ng punda ng unan ang damit niya but when I looked closer, I saw her and smiled to myself.

Napakaganda pala ni Doctora

"Okay naman ang blood pressure ng Mama mo ngayon." Bigla siyang nagsalita. Lumapit na ako sa kanila. Si Nanay ay tuwang – tuwang nakatingin sa magandang doctor na katabi niya. "Pero, isa-suggest ko pa rin na painumin siya ng gamot on time tapos paki-monitor ang bp niya and just like your doctor's advice, Ma'am, after a month, babalik kayo sa kanya for another check up. Baka ipa-lab na rin kayo noon to check." She smiled. Tumingin siya sa akin. "Ano, uhm pwede ba tayong mag-usap?"

"O, sige, mag-usap muna kayo habang nagluluto ako ng almusal ha." Sabi ni Nanay. Tumango naman ako. Naupo ako sa silya sa tapat niya. Nasa may dining area kami. Hindi naman kalakihan ang bahay naming mag-ina pero malinis iyon at aaliwalas.

"Anong atin, doc?" Tanong ko. Ibinaba niya ang stethoscope niya at saka ngumiti.

"Hindi ko sure if dahil ba naniniwala ako sa karma o dahil may kapatid akong pari na nagsisilbing kosensya ko sa lahat ng oras, but last night, I couldn't sleep because I was thinking about the convo that we had at the hospital yesterday and I badly needed and wanted to apologize to you for being so chikadora. You see, I really like gossip and it's bad but I can't help it. Sorry if I have judged you in a way that you don't need to be judged. It's your life and you can marry anyone kahit na si Bella Flores pa iyon."

Tell me you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon