Chapter Three

91.7K 3.6K 939
                                    

PH Care


Tyron Jaime Crisostomo's

"Nay? Nay?"

Napatayo ako nang makita kong bumakas ang mata ni Nanay. Umungol pa siya tapos ay ginalaw ang ulo. Ngumiti siya nang makita ako.


"Anak..."

"Nay, anong masakit? Nakakahinga ka na ba?" Agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Medyo nasakit lang ang dibdib ko, anak. Bakit dinala mo pa ako sa ospital? Gagastos ka pa."

Hindi ako sumagot. Idinikit ko ang noo ko sa noo ni Nanay at saka hinalikan siya. Alalang – alala ako sa kanya. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko kapag nawala si Nanay. Siya ang buhay ko at gagawin ko lahat para sa kanya.

"Nay, h'wag mong isipin ang gastos, basta dapat happy ka, okay?" Ngumiti ako sa kanya tapos ay hinawakan nang mahigpit ang kamay niya. Noon bumukas ang pinto at pumasok iyong doctor niya. Kasunod noon ay si Ave Maria Consunji. She was just standing in a corner habang sinasabi ng doctor ni Nanay kung anong nangyari sa kanya.

"Mabuti at hindi siya na-stroke, naagapan kasi agad pero ngayon, kailangan niyang alagaan ang sarili niya at siguraduhin na makakainom siya ng maintenance niya. Okay po ba iyon, nanay?" Wika noong doctor sa amin. Tumango si Nanay.


"Anak, pasensya ka na ha." Wika niya habang nagsusulat ng kung ano iyong doctor sa papel.

"Wala iyon, Nay. Ikaw talaga."

Dumako iyong mata ni Nanay kay Ave Maria Consunji. She smiled at y mother. Si Nanay ay ngumiti sa akin saka nagtanong.

"Sino siya?"

"Siya iyong doctor na tumulong sa'yo sa bahay."

"Hello po. Good afternoon po, I am Dra. Ave Maria Consunji. Nice to meet you po. I just made sure na okay po kayo bago ako umalis." Ngumiti si Ave Maria. "Follow your doctor's advice po, Nay ha. Be a good patient."

"Okay, Dra. Maraming Salamat po." Sabi ni Nay. Tumingin si Ave Maria sa akin. Ngumiti siya at saka umalis na. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatingin sa pinto bago ako tumingin ulit kay nanay. Hinalikan ko ang kamay niya.

"Tyron, usap muna tayo." Sabi bigla ni Anita. Sumilip lang siya sa pinto ng kwarto ni Nanay. Nagpaalam ako sandal sa kanya at lumabas nga. Nakapamulsa akong tumingin sa kanya. May takot sa mga mata niya. Hindi ko alam kung para saan iyon pero kinakabahan na rin ako. Mahilig pa naman itong mga ito sa papakabahin ka muna bago magsabi kaya madala nakakayamot silang kausap.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"May mga lalaking nagpunta kanina sa compound, pinaalis na nila tayo. Nagbigay sila ng ultimatum at kapag hindi tayo sumunod, gigibain na nila ang mga bahay."

Naglapat ang mga labi ko. Alam na alam ko na kaagad kung sino ang mga lalaking iyon at kung bakit sila nagpunta sa compound. Tiningnan ko si Anita at ibinilin sa kanya si Nanay. May kailangan lang akong kausapin. Hindi naman nila dapat gawin iyon sa compound na iyon. Doon na ako lumaki, doon na ako nagkaroon ng isip at doon na rin ako mamamatay. Hindi ko basta hahayaan na mawala sa amin ang tirahan namin. Para naman kasing hindi nila naiintindihan na hindi nila iyon dapat gawin dahil buhay ng mga taong naroon ang nakataya at hindi basta sa akin lang.

Sumakay ako sa pick up ko at nagmaneho na papunta ng Metro. Gagabihin na rin siguro ako dahil sa traffic pero wala akong pakialam. I need to talk to him. He needs to hear me out.

Madilim nang pumarada ako sa tapat ng malaking mansyong iyon. Bilang ko sa kamay ko ang mga pagkakataong tumuntong ako sa lugar na iyon. Una ay noong ipinakilala ako ni Nanay bilang anak ng Tatay ko sa harap ng asawa niya at mas nakatatanda kong kapatid. Ikalawa ay noong magka-college na ako na kinailangan pa ni Nanay na lumuhod sa harapan no Senyora Gracita para lang pumayag itong pag-aralin ako ng tatay ko.

Tell me you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon