Javiers
Almost thirteen years later...
Ave Maria Consunji's
San Miguel, Bulacan
"O to the to the G! Ave!"
Ngumiti ako kay Pan pagkababang – pagkababa niya ng kotse. Galing si Pan sa Paombong kung saan nakatira sila ng asawa niyang si Toto kasama ang tatlo nilang anak na babae, si Karisa, Karmela at Katleya. Tumakbo si Pan papunta sa akin at niyakap ako nang mahigpit. She kissed me afterwards tapos ay ngising – ngisi.
"You're so gaga talaga! Mamang wanted you to make punta in her birthday last week but you made deadma my text and it made her sad like four huhuhuhu but she became masaya naman when she received your gift like five hahahahaha in the end and she said thank you na, so she made you luto her sweet and spicy adobo which JT likes so much!"
Muntik na akong mahilo sa kakasalita ni Pan. Matagal na kaming magkasama pero hindi pa rin talaga ako nasasanay sat abas ng dila niya.
"Like OMG, Ave you're so harrgard looking but you're still mataba ha!"
"Loka!" Tumawa ako. Pan called her daughters. Si Toto naman ay inayos lang ang pagkakapark ng kotse niya at nakisama na rin sa amin. Isa – isang humalik at nagmano ang mga anak ni Pan sa akin at nagtuloy na sa bahay. It is Sunday at tuwing ganitong araw ay pinupuntahan talaga ako ni Pan para dalawin. Siya lang kasi talaga ang pamilyang masasandalan ko.
Matagal na akong nagtatago rito sa Bulacan. Si Pan ang nag-iisang taong naisip kong puntahan noong dumanas ako ng pinakamadilim na sandal ng buhay ko. Pan and I were never close, but that moment, I knew that she's the only one that I could trust and I was right to have given her that.
Itinago ako ni Pan sa napakatagal na panahon. Wala akong ideya kung alam ng pamilya ko kung nasaan ako but I haven't been home for thirteen long years. I am practically a stranger. Paminsan – minsan ay dumadalaw ako kay Arkanghel. Tinatawagan ko ang Mama at si Dyosa, pero kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para tawagan ang Papa dahil alam ko naman na sobrang disappointment ang ibinigay ko sa kanya.
Nahihiya ako, isa pa, tulad ng lahat ng anak na nagpasyang iwanan ang pamilya, gusto kong may mapatunayan sa kanilang lahat – lalo na sa Papa ko.
For years now, I've been working in a government owned hospital as a general surgeon. The pay is just so and so, the hours are excruciating but the important thing is that I have work at nabubuhay ko ang anak ko.
I have a son now. He's twelve years old. Grade seven na siya sa darating na June. Lumalaki na si JT pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano sagutin ang tanong niya kung nasaan ng aba napunta ang Tatay niya.
When he was younger, I could just tell him that his father lives under a rock, near Spongebob and Squidward but as the years passed by, hindi na siya naniniwala na si Patrick Star ang Tatay niya. Once, there was an incident that he was looking in a mirror and he just looked at me, tapos bigla niya akong tinanong.
Mame, kamukha ko ba ang Daddy?
I blinked – like a lot before answering him. Kahit na noong sumagot ako ay hindi ko pa rin siya masagot nang nasa ayos. How can I answer him? Paano ko sasabihin na, oo, anak, kamukha mo ang Tatay mo, ang tatay mong basta na lang akong iniwanan ni walang ha, ni o ho ang namutawi sa kanya pagkalipas ng ilang araw o linggo.
Iyon naman ang nangyari. Hindi na ako binalikan ni Tyrone noon. I waited for him, hoping that when he gets his head together, uuwi siya at mag-uusap kami. Hahayaan niya akong magpaliwanag kasi di tulad ng iniisip niya, hindi ko naman gustong masaktan siya.
BINABASA MO ANG
Tell me you love me
General FictionAll Ave Maria wants is to love and be loved at naranasan niya ito sa piling ni Tyrone. She thought that everything is perfect between them, walang kaso sa kanya kung hindi ito sing yaman ng pamilya niya, dahil mas mahalaga ang pagmamahalan nila. Pe...